Luke's POV
Hindi ko napansing nakauwi na'ko sa bahay dahil sa pinagsasabi ni charm kanina, hindi ko alam kung san kumukuha ng lakas yun para magsabi ng mga walang katotohanang bagay, kaya niyang ipahiya ang sarili niyang bestfriend para maging center of attraction siya, pathetic.
Gusto ko sanang puntahan pa kanina si kharyna ngunit nakakahiya sa mga parents niya kung kukulitin ko pa sila about sa anak nila, gusto kong yakapin kanina si kharyna para mapakitang walang katotohanan ang sinabi ni charm at wala akong pakialam kung gusto ng mga magulang kong magpakasal kami pag nakagraduate na, matagal ko nang sinabi na ayokong matulad kay ate leerah kaya bahala sila dahil gusto ko lang namang sumaya, hindi nagtagal ay nakatulog ako sa kakaisip ng kung ano-ano
Kinabukasan
Maaga akong nagising at hindi ko alam kung bakit, next month na ang umpisa ng league kaya doble kayod kami upang mas lumakas ang team, kaunti lang ang kinain ko kaya umalis na agad ako sa bahay, habang papalapit sa gym ay naririnig ko na parang ang dami namang tao agad, masiyado akong maaga ngayon, ang inaasahan ko nga ay janitor pa lang ang nasa gym ngunit hindi, dahil pagpasok ko ay nandon na si benj at kasama ang tatlo niyang kaibigan, may dalang gitara, bulaklak,teddy bear at chocolates?? para saan naman yun?? gusto kong magtanong ngunit hindi kami gaanong close ni benj para magtanong ako sakanya kaya hinayaan ko na lang siya at pumasok muna sa locker room at ilagay ang ibang mga gamit ko, hindi nagtagal ay narinig kong may nagtipa na ng gitara, curious ako kaya naman lumabas nako ng locker at hindi ko inaasahan ang nahagip ng mata ko
'ikaw lang ang aking mahal, ang pag-ibig mo'y aking kailingan, pag-ibig na walang hangganan ang aking tunay na nararamdanan'
si benj ay nakanta at nagigitara ang isa niyang kaibigan habang ang dalawa naman ay pumipitik-pitik ang mga daliri at nagsesecond voice kay benj sa harap ni kharyna...........nakita kong may gulat sa mga mata ni kharyna ngunit nakangiti naman siya kay benj, hanggang sa matapos ang kanta ay nagsalita si benj
'Maureen Kharyna Delos Reyes, ang babaeng nakilala kong napakabait, napakaganda,napakatalino, halos lahat na yata ay nasayo,eh, hehe, ahm gusto ko lang sanang itanong sayo na kung pwede bang' binitin niya ang sasabihin niya dahil ang tatlo niyang kaibigan ay may hawak na banner na kulay pink at nakalagay na 'Can I court you?' gulat na gulat si kharyna ng mabasa niya ito, at bigla namang pumasok sina khaly kasama si sandra at earl na nabigla ring napatingin kila benj at nakita ko ring pumasok sa gym si charm nagulat siya ng makita ang nasa banner kaya naman agad siyang pumunta kay kharyna na para bang tuwang-tuwa??
'OMG beshhhh nagppropose sayo na ligawan ka ni benj!!!!!! I'm so kiligggg!!!!! oh, ano benj nag yes na ba ang besh ko sayo?' parang kinikilig na sabi ni charm sakanila at ako naman ay tila nakapako lang ang paa ko sa sahig
'ahm hindi pa nga niya sinasagot eh, hehe' saad naman ni benj
'besh ano pa bang hinihintay mo? si kuya khaly ba?? kuya khaly inaantay ka yata para sagutin niya na yes si benj hahahaha'
'depende naman sakanya yan, hindi naman ako ang liligawan' sinserong saad ni khaly at nagtinginan silang magkapatid, sakto namang nagsidatingan sila leo at iba pa naming teammates at nagsihiyawan nga sila
'mag yes kana yna hahaha mabait naman yan si benj bagay kayo' saad ni dennis at mas lalong lumakas ang hiyawan sa gym at ang karamihan ay sumisigaw ng 'say yes'
tumingin si kharyna kay benj at tipid na ngumiti
'y-----es benj' saad niya at bigla naman siyang niyakap ni benj at naghiyawan ang mga nandon, kasabay ng pagyakap niya kay benj ay nagtama ang mga mata naming dalawa, gulat na gulat ang ekspresyon ng kanyang mukha, hindi ko naman magawang ngitian siya dahil sa mga oras na ito ay inaamin kong may kirot sa puso ko, bago pa man ako mas masaktan ay tumalikod nako at pumasok ulit sa locker room ng tanungin kita kung pwede ba ako manligaw ay pinag-isipan mo muna, pero nong si benj ang nagtanong sayo ay bakit ganon kadaling payagan mo siya sa harap pa ng maraming tao at kitang-kita ng dalawa kong mata......
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Ficção AdolescenteWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare