Luke's POV
Habang ginagamot ni mommy ang mga sugat ko sa mukha ay pinapagalitan ako ni daddy, kasama pa rin nila ang parents ni charm
''bakit ka nagpabugbog sa Delos Reyes na yun!!! susugurin ko talaga ang pamilya nila!!'' napakalakas ng sigaw ni dad at naririndi ako dahil kanina pa niyang ginagawa ang pagsigaw
''anak naman, kanina ka pa naming kinakausap pero wala kang imik'' saad naman ni mom pero wala akong inimikan sakanilang lahat, mayamaya naman ay nauna na'kong umalis sa bahay nina charm, na sumira ng buhay ko, mabilis ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan at iniisip si kharyna, ang mga huling salita niyang binatawan kanina, ang sakit durog na durog na'ko, gusto ko nalang mawala sa mundong to dahil yung kaisa-isang nagparamdam sa'kin na espesyal ako ay kinamumuhian na'ko ngayon, hindi ko napansing tumutulo na pala ang aking mga luha, I'm wasted and that's bullsh*t, pumunta akong bar na ako lang mag-isa at walang tigil na uminom.
Wala akong ginawa sa halos buong summer break kundi uminom lang ng uminom, kaya isang araw na nakita ako ni daddy na umiinom na naman sa aming bahay ay sinapak niya ako
''ano bang ginagawa mo sa sarili mo? nagpapakalulong ka sa alak at bakit?? iniwan ka nong babaeng Delos Reyes na yun?? ayaw na niya sayo luke bakit ba naghahabol ka pa rin, si charm, si charm ang palaging nandito para sayo kaya dapat kay charm mo nalang binabaling ang atensyon mo at hindi sa mga tulad nong babaeng Delos Reyes na y--------''
''TIGILAN MO SI KHARYNA DAD!!! WAG NA WAG MONG PAGSALITAAN NG HINDI MAGAGANDANG BAGAY ANG GIRLFRIEND KO!!!, KAYO ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAKIPAG BREAK SA'KIN ANG UNFAIR NIYO SOBRA, MAGPAPAKAMATAY NALANG AKO KESA SUNDIN KO ANG GUSTO NIYO, BULLSH*T FAMILY'' malakas na sigaw ko sakanya at dumeretso sa aking silid upang doon ipagpatuloy ang pag-iinom ng alak, nang malasing naman ako ay sinilip ko sa aking phone ang mga pictures ni kharyna at ang mga pictures namin na magkasama kami, heto na naman ako at nag-uunahan ang mga luhang nanggagaling sa aking mata, binuklat ko rin ang isang scrap book na regalo niya sa akin nong second monthsary namin, puno ito ng aming mga pictures at kada picture ay may description dun kung gaano niya ko kamahal, siya ang gumawa at nag-effort ng scrap book na hawak ko, hindi ko matanggap na wala na kami, satingin ko ay kung may isa mang hindi magbabago sa buhay ko, ayun ay mahal na mahal ko amg isang babaeng unang pumukaw ng aking atensyon, isang mala-anghel na babae at napakabuting tao at walang iba kundi ang pinakamamahal kong si Maureen Kharyna Delos Reyes my one great love......
Yna's POV
Noong nakaraang week ay pumunta kami sa province ng mommy ko sa Bicol, nakasama ko ang iba kong mga pinsan at kahit papaano ay nadivert doon ang aking atensyon, pero hindi ko pa rin maiwasang isipin si luke, alam kong parehas kaming nasaktan pero siguro nga pinagtagpo lang talaga kami dahil tadhana na ang gumawa ng paraan para humantong kami sa ganitong sitwasyon, masakit pa rin para sa'kin ang mga nangyari pero kahit papano ay natatanggap ko na, tanggap ko nang hanggang dun lang talaga kami ni luke, mayamaya naman ay biglang nag-ring ang aking phone, si benj ang tumatawag
''hello yna''
''uy benj hi, kamusta?''
''eto ayos naman hehe, ahm iimbitahan sana kita yna''
''saan?''
''birthday ni lola ko ngayon at imbitahan daw kita, free ka ba mamayang hapon? wag ka mag-alala kasi susunduin naman kita at magpapaalam ako kay captain at sa parents mo hehe''
''hala birthday ni lola ngayon? sige pupunta ako pero bibili muna akong regalo para sakanya''
''ay naku, kahit naman hindi na, presensiya mo lang tuwang-tuwa na ang lola ko panigurado'' saad ni benj, nagkwentuhan pa kami bago ko ibaba ang aking phone, masaya akong naging mabuting magkaibigan kami ni benj, dati kasi ay umiiwas talaga siya sa akin, pero ngayon ay maituturing ko na siyang isang totoong kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
My Super Rookie Boyfriend
Fiksi RemajaWhen I saw you I fell in love, and you smiled because you knew. -William Shakespeare