A/N: Si Justin shin po sa multimedia box. :) Enjoy reading.
Chapter 33
Doubt
Kiara
Nagising ako na nandito na sa hospital, yung mga na-knockout ko kaya kagabi asan na? Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin grabe di ko inakalang ang easy-go-lucky at spoiled brat sa mga magulang niya nung bata pa siya ay ngayong ganito na rebel, fighter and also a killer.
Napatawa nalang ako sa sarili ko habang tinitingnan ang bagong tattoo ko sa likod. Siguro nilagyan na nila ako ng tattoo habang tulog ako.
Naglakad ako papunta sa rooftop nitong hospital, my life should be peaceful now but I chose to be a gangster. Naaalala ko pa noon nung devastated ako at walang wala sa sarili pumunta ko ng Japan at nag-train ng martial arts, at saka ko binuo ang gang. Binuo ko ang gang para sa mommy ko para makaganti ako sa pumatay sakanya. Siguro god planned all of this.
The suddenly sumagi sa isip ko na 5 days na lang ang itatagal ng deal namin ni Kurt. Bakit kaya ganun parang ang bilis?
Fi-neel ko muna ang hangin saka ako tumingin sa kalangitan.
Mommy i guess you're happy in heaven with god pero kahit ganun di ko parin mapatawad ang sarili ko sa pagkamatay mo. Why I can't forgive myself?
Napaluha na naman ako at napahikbi napakaiyakin ko. Bumababa na ko sa rooftop at papunta dun sa nurse baka dito din naka-admit sila Cindy.
"Mayroon ba ditong naka-admit na, Cindy Dela Paz?" tanong ko sa nurse saka naman siya tumingin sa log-book niya.
"Hmm, room 309 po sila." sabi nung nurse sakin. Magkatabi lang pala kami ng room. Kaya umakyat na ko at pumunta sa room nila pagkapasok ko lahat sila tulog pa, itong room na to ay malaki kasing laki ng apartment parang ganun? Kaya wag na kayong magtaka kung nagkasya sila jan. Tulog na tulog sila ang dami rin nilang galos sa katawan. Di rin alam ng mga magulang nila to pati ako wala sa pamilya namin ang nakaka-alam na gangsters kami. Pumunta ako sa kabilang kwarto for sure andito sila Kurt pagkabukas ko tulad ng hinala ko ayun nga ang kwarto nila. Katulad ng sa kabilang kwarto tulog na tulog sila at mas maraming galos sa katawan ang pagkakaiba nga lang pare-parehas sila may laslas sa leeg.
Pumunta ko sa kama ni Kurt at hinimas himas ang buhok niya, alam kong di niya alam na ako at si Devilish Princess ay iisa. Paano nalang pag nalaman niya? Tinitigan ko siya ng matagal, ang kinis ng mukha niya, matangos ang ilong, kissable lips pero lahat ng yun may galos.
Hahaha tanga kasi eh nilabanan pa ko.
Naalala ko yung nangyari kahapon hinalikan ko siya, tyansing kumbaga. Kaya ngayon ganun din gagawin ko sakanya. "Babe, I hope you're okay now." I stole a kiss from him then umalis na ako sa kwarto nila.
Tinanong ko naman sa nurse kung asan si Elaine atsaka si Rexel.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Elaine ay nakita ko ang pamilya niya, umiiyak. May tubo si Elaine sa bibig niya tama nga yung nurse nag-aagaw buhay daw si Elaine. Pity her. Umalis na ko sa kwarto niya at tiningnan naman si Rexel katulad din ni Elaine si Rexel naman di nag-aagaw buhay patay na siya, just joking! Sabi ng doctor critical ang condition niya. Kailangan ko ngayong maging malakas dahil sigurado akong marami pa akong makakalaban, at maraming naka-atang saking responsibilidad.
Pumunta ko ulit sa kwarto kong pumunta ang nurse at doctor dito at sinabing pwede na daw akong umuwi kaya tinawagan ko yung driver ko sa bahay at nagpasundo na ko. Sana maging okay na sila lahat.
BINABASA MO ANG
Devilish Princess
ActionDevil Series 1: Devilish Princess, the first book of the princess's journey. (Under construction, revising as of now.) #42 in action (2015)