Devil 10

10.2K 257 0
                                    

Chapter 10

Chemistry

Kiara

Di ako mapakali sa kwarto ko paano ba naman kasi di ako makatulog pero pagod na pagod na ko nag-rehearsal kasi para sa royalites bukas na kasi yung coronation para sa king and queen. At ang pinaka masaklap di na talaga ako siguro makakatulog sa sinabi kanina ni boy hangin sakin kanina.

Flashback

Andito kami sa stage kasi ituturo samin kung saan kami lulugar pag nagmodeling bukas. Baka daw kasi kung saan saan daw kami pumwesto. Ano kami mga bata? Tss. Model kaya ako.

Habang inaayos yung pwesto napansin kong kanina pa tingin ng tingin tong si boy hangin. Ano kayang nasinghot neto o nakain? Rugby? Katol? Ay nako ewan ko sakanya.

Nang tinawag yung pangalan ko para rumampa ay tinawag din pala yung pangalan ni Elaine di ko napansin yun ha.

Kaya ito ang ganda nang paglakad ko with poise kaso merong bato na biglang tumalisod sa paa ko kaya akala ko malalaglag na ko sa hagdan buti nalang may sumalo sa akin, pagkatingin ko sa sumagip sakin si boy hangin pala.

"I will catch you whenever you fall. And I'm promising that tomorrow you'll be my queen and I will be your king." parang nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ang dami niyang alam.

Pagkatapos niya kong saluhin ehh. Pinaupo na niya ako sa chair tapos bigla naman siyang ngumiti. Yung parang killer smile? Tsk. Saka ako pinuntahan ng staffs baka daw kung ano nangyari sakin. Pero para akong may sariling mundo kasi naaalala ko yung sinabi ni Kurt. Jusko po, ano ba naman ito? Napailing na lang ako atska ko siya inirapan.

End of Flashback

Siguro napadami ang singhot niya ng katol at shabu no? Kasi sobra na siya, ang lakas ng saltik! May tililing na ata yun di lang halata! Grabe di pa rin ako makatulog pero kailangan ko munang matulog para naman wala akong eye bags, baka masira pa ang mukha ko para bukas.

So when you feel like trying again,
Reach out take my hand see how great it would be
To fall in love with someone you can trust
Who would never give up
Cause you're all that he needs

Baby take a chance on me, ohh
Baby take a chance on me, ohh

Ang ingay, di ko napigilan ang kamay ko para maibato ang alarm clock ko. Teka parang ang tagal ko atang natulog. Ano na bang oras?

Time Check: 5:30 pm

Oh my fucking gosh! Im in a hurry!

Ang start kasi nun ay 6:15 kaya 45 minutes nalang ang natitira pa para mag-prepare. Inayos ko na lahat ng dadalhin ko nagpahatid nalang ako kay manong para may magbubuhat ng mga gamit ko.

-

"Oh my god KC. Why are you late?" sabi saakin ng coordinator na tinulungan naman ako para magbuhat ng gamit ko.

"Ah, na-late po ko ng gising. Sorry po." nagpeace sign pa ko for her para di na ko sermunan. Tss, kumg alam nyo lang that I hate doing this!

"Sis' akala na namin kung ano nangyari sayo." alalang sabi mi Yumi na kakapasok lang dito sa may backstage.

"Grabe kala namin di ka na dadating!" mukhang excited 'tong si Brianna.

"Ito ngang si Cindy gusto nang pumunta sa inyo." natatawa ako kay Stacy na pabirong hinampas si Cindy.

"Wag nga kayong ano jan. Concern lang ako." ang sweet talaga nitong best friend ko.

"Nako girls don't be nega! Kaya ko ba kayong i-let down hindi naman. Pero thank you sa pag-aalala." and I gave them my reassuring smile.

Nagyakap yakap kami. Hay, ang sarap sa feeling na may mga ganito kang mga kaibigan.

"Girls magpaayos na kayo sa mga make-up artist niyo. We'll start in a few minutes" sabi ng coordinator atsaka din naman agad na lumabas.

"Oh–paano ba yan sissy's una na ko. See you sa pageant." nagwave na ko sa kanila as a goodbye kasi magpapaayos na ko kaso bago ako pumasok sa make-up room nakita ko si Ellaine.

"Good luck Kiara, sana di ka manalo sa pageant." she said in a tactless way, di ako na-intimidate sa sinabi nya natatawa lang ako.

How ironic is it. Goodluck tapos sabay sana di ka manalo? Ano kaya yun? Nonsense. Bigla ko na naman tuloy naalala yung sinabi niya sa aking ako daw si Devilish Princess. Anyway, sino ba yun?

Finally tapos na rin akong mag-paayos ngayon ang suot namin ay pang-sports wear ang sinuot ko naman ay pang badminton. Passion ko kasi yun kaya yun yung napili ko.

Lumabas na kaming 7 contestants bigla namang may nagsigawan sa crowd.

"Go Kiara!"

"You're fabulous!"

Samantalang sa kalahati naman ng crowd ay nasa kabilang kampo, kay Elaine.

"Go Elaine!"

"Wala paring kupas!"

"Kasi kupas na kupas ka na!"ataaka nagyawanan yung mga sinasabi nilang fansclub ko daw.

Napangiti naman siya sa compliments ng mga tao, but then napangiwi nalang siya sa sinabi ng fans club ko daw. Tsk. Well ang suot niya lang naman ay outfit sa tennis.

Sunod naman ang mga boys. Napatitig ako bigla kay Kurt. He looks so...hot. What? Erase! Nevermind. Ang suot niya kasi ay pang-basketball.

Nagsigawan ang mga babae kasama na rin ang mga bading.

"Handsome!"

"Bagay kayo ni Kiara!"

"No, mas bagay sila ni Elaine!"

Ngek? Bias din ata tong mga 'to Parang ¾ ng madla ay sa panig ko tapos yung ¼ naman kay Ellaine.

Sunod naman naming sinuot ay two piece then sa boys naman ay trunks. Ngayon ko nalaman magkaka-partner pala dito. And guess what, ang partner ko pa ay si boy hangin.

Nakita kong kumunot ng onti yung noo ni Ellaine. Bakit, dahil ba partner ko si Kurt? Kung pwede lang mag-complain, pwede ko nang salaksakin 'tong lalaking to papunta sa kanya.

Kami na ni Kurt ang next na magra-ramp kaya nag-ready na kami.

"Hoy, wag ka namang sumimangot jan baka ma-badshot tayo di pa tayo manalo bilang king and queen." sabi bigla ni boy hangin sa tabi ko.

"Pake ko naman kung manalo o hindi? May mapapala ba ko jan? Wala naman."

Ang hangin talaga nitong lalaking 'to, kaya inis na inis ako dito eh. Di ko namalayan na tinawag na yung pangalan namin kaya lumabas na kami.

"Perfect!"

"May chemistry silang dalawa!"

"Bagay na bagay!"

"Wow the god and the goddess!"

"Stunning and hot!"

There are some flashes of light and cameras right in front of us. Ang dami na ngang sumisigaw ang dami pang namimicture. Ngumiti na lang ako imbis na sumimangot pa ko kaya yun hinayaan ko nalang.

Devilish PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon