Chapter 7
Punishment
Kurt
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko nabato ko tuloy. Sabado nga pala ngayon, immbis na may gagawin kami ng katropa ko maglilinis ako ng comfort room. Nakaka-irita lang.
Nag-ready na ko at umalis na sa bahay at punta na sa university.
Nung andito na ko sa school nakita ko sila Dustin kaya sa kanila nalang ako nagpatulong.
"Anak ng pating naman Kurt. Bro naman! Sinama mo pa kami dito ikaw yung inutusan." nagmamaktol na sabi ni Chester.
"Susunod ka o susunod pumili ka?" nag-glare nalang ako kay Chester kaya ayun natakot. Sumunod tuloy.
"Nako paano na ba gamitin to?" tanong ni Justin na hawak yung pang scrub.
"Tanga naman nito! Ganito yan kasi gamitin watch" sabi ni Dustin saka kinuha ang scrub kay Justin.
Pinunas ni Dustin yung scrub sa may lababo sabay pinunas sa mukha ni justin. Si justin naman diring-diri ayun naghabulan na naman. Ako nangangamote wala pa kaming nalilinis naglalaro lang ata kami dito. Si Chester ayun andun sa bench natutulog, si Kenneth tsaka si Christian kumakanta ito ako kinuha ko yung hose. Natatawa nalang alo sa maiisip kong kalokohan, babasain ko sila. Nabasa ko na sila mga basang sisiw na sila.
Pati si chester binasa ko narin ayun napamura. Pero this time lahat na kami may hawak ng hose. Di ba kayo nagtataka? Ang dami atang hose dito? Habang naglilinis kami este naglalaro nakita ko si fierce-look-girl na nakatingin samin at mukhang galit na galit.
Nagsitakbuhan silang lahat iniwan ako. Hay, ang gagaling nila ako nalang tuloy naiwan. Patay. Bakit ba ko matatakot sa kanya? Hindi dapat ako matakot.
Hawak ko pa rin yung hose nang may naisip akong paraan. Lagot ka sakin ngayon.
"Hoy, boy hangin. Sinabi ko bang mag–What the fudge!"
Paano naputol yung pagsasalita nuya binasa ko siya gamit ng hose. You must have seen her face. Ayun kumuha na rin siya ng hose.
"Patay ka sakin ngayon boy hangin."
Boy hangin?? Yun na ba bago kong pangalan ngayon?? Di naman. Lakas maka-pang-imbento nitong babaeng 'to.
Binasa niya na rin ako. Grabe basang basa na kaming dalawa. Tuwang tuwa siya.. Ngayon ko lang napansin ang ganda niya pala talaga ang ganda pa niya ngumiti.
"Humanda ka sakin!"
Pano lumapit siya sakin tapos bigla niyang nilakasan yung volume ng tubig sa hose. Tss.
Lumapit naman ako sa kanya tapos habang tumatakbo siya bigla siyang nadulas buti nalang nasalo ko siya.
Ano yung naririnig ko sa may bandang dibdib ko? Nagkatitigan kami siguro mga 20 seconds ata, gusto kong matawa sa pinag-iiisip ko kaso di ko magawa.
"Sorry." yan nalang yung nasabi ko sakanya kase hiyang hiya na ako. Pero bakit ganun parang may kakaiba? Basta di ko alam kung anong kakaiba! Tss, natitigan ko yung mata niya bakit parang may galit at lungkot? Nako naman bakit ko ba pinoproblema ang problema niya?
Saka ko nalang namalayan umalis na pala siya at ipinalinis niya lang daw to sa janitor. Ang daming alam ako pa pinaglinis yun pala mayroon din naman palang malilinis nito! Pero I must admit na masaya ang punishment day ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Devilish Princess
AcciónDevil Series 1: Devilish Princess, the first book of the princess's journey. (Under construction, revising as of now.) #42 in action (2015)