Chapter 44
Wasn't
Kevin
Nang maramdaman ko ang mga bala saking mga katawan. Napangiti akong mapait. Ako, ako ang may kasalanan nito, ako.
Flashback:
Birthday ngayon ni Kiara at pupunta si Kurt sa kanila. May balak din sana akong pumunta sakanila.
Nagtago ako sa bawat daanan na dinaanan ni Kurt, di niya ko pwedeng makita dito. Nang makarating ako sa bahay nila Kiara ay agad kong nilagay ang regalo ko sa isang mesa na puno ng regalo.
Nakita ko na naman sila ni Kurt na nagtatawanan. Ganyan din kaya si Kiara kasaya habang kasama niya ko?
Di ako nakalapit sakanya, palagi silang magkasama ni Kurt, nakita kong pumunta si Kiara sa magulang niya at pinakilala ng personal si Kurt.
Nang nag-washroom muna si Kurt at kita kong lumapit si Kiara sa kanyang nga magulang masayang masaya siya.
Siguro binigyan siya ng regalo. At nagtatawanan sila. She has a perfect and wonderful family. Unlike our family.
Nagpaalam ang mommy ni Kiara atsaka ito umalis, lumabas ng bahay nila. Kasabay naman nito ang pagtext sakin ni daddy Wow! It's the very first time na nagtext siya sakin. For what? Para pagalitan ako ulit?
'Son, come here quickly sa likod bahay nila Kiara.'
Anong gagawin namin dun? Bubugbugin ba ko ni daddy?
Agad na kong nagpunta sa kinaroroonan ni daddy at namataan kong andun din ang mommy ni Kiara and they are arguing.
Bakit kaya? I step closer to them.
"No, Rudy you can't!" sigaw ng mom ni Kiara.
Di ko maintindihan kung para saan ang batuhan nila ng salita. Ano bang pinag-aawayan nila?
"I can, Natasha I can!" sabi ni daddy.
"Dad will you stop. Pwede niyo pa namang pag-usapan yan diba?" sabi ko sabay tingin sakanilang dalawa.
"Ha-ha-ha, no di na mapag-uusapan to." mapait na sabi ni dad.
"Ano nakapili ka na ba kung sinong ililigtas mo?"
"I–I'd rather choose myself to die than my family!" pasigaw na sabi ng mommy ni Kiara.
Iyak ng iyak yung mom ni Kiara, I will make daddy stop.
"Aw, ang alaga mo naman sa pamilya mo halatang mahal na mahal mo sila. Pwes, kung yan ang decision mo well, madali lang naman akong kausap sige."
May binigay sakin si daddy, ano to baril?
"Here, son I want you to pull the trigger since you are the ambasador of our mafia, I will test you by doing this." what? me? Hindi, hindi ko kayang maghawak ng ganyan akala ko ba si Kurt? Tiningnan ko si daddy but he just glared at me.
"D-ad I j–ust can't, I'm sorry. I think we should not do this. She really loves her daughter and her husband." mautal utal na sabi ko. I tried to stop him but he wont.
"No! This task that you will be doing is as easy as hell. At bakit mo sya kakawaan? Di ka dapat naaawa sakanya!" sigaw sakin ni daddy.
Hinawakan ko yung baril, di ko mahawakan ang baril halohalong emosyon ang nararamdaman ko. Natatakot ako.
"Please Rudy! Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito!" sigaw ng mommy ni kiara kay daddy.
"Well, ang dami mong kasalanan sakin, kinuha niyo ang lahat sakin, then you left me no choice. Ay, sayang wala dito yung pamilya mo para naman marinig nila yung last goodbye mo." sabi ni daddy, mukhang di ko na siya kayang pigilan.
"When I count 1 to 3 you'll pull the trigger, understand?!"
"Y–yes, dad." di ko na alam kung anong gagawin ko. Nanginginig at pinagpapawisan ako ng malamig.
"1, 2, 3 now pull the trigger!!!"
"No..." nagulat ako sa pagsigaw ni Kiara, at paghilata ng nanay niya. Nabitawan ko ang baril ko at napaluha ako.
Sorry Kiara.
"Pinatay mo siya Kurt! Pinatay mo sya, b–bakit!" sigaw sakin ni Kiara na iyak ng iyak.
"S–sorry." ayun lang ang nasabi ko saka ako hinila na paalis ni daddy.
I know someday, Kiara will get a revenge from this.
End Of Flashback
I tried to crawl to Kiara, I guess she will not forgive me but atleast I tried to say sorry, again.
"Kiara, sorry for everything." pumatak ang mga luha ko saka ako napapikit.
Kiara
After 2 days
May mga tumutulong luha sa mga mata ko ng magising ako. Sa isang iglap nawala ang lahat.
Ito na nakuha ko na ang hustisya pero bakit di ako masaya? Kailan ba ako magiging masaya? Wala na ata akong karapatan maging masaya.
Napapunas ako ng luha ng may bumukas sa kwarto ko. Si daddy kasama ang bitch niyang girlfriend.
"What brings you here?"
"You brat! Sino nagsabi sayong sumali ka sa mga gangster na yan?" seryosong sabi ni daddy.
"Ako bakit?"
"You bitch!" sabi nung girlfriend ni dad na si Cynthia the mukhang paa.
"Don't lay your hands on my hair, and no I'm not a bitch I'm a super bitch." saka ko siya tinulak.
"Yan ba natutunan mo sa kaka gangster mo huh?" tumingin ako sakanya tsaka sya inismiran, "Maybe yes, maybe not." di na ako nagulat ng bigla akong sinampal ni daddy. Napatingin ako sakanya.
Pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko. I just can't believe this. He choose that woman over me.
Tinanggal ko na ang dextrose ko saka ako umalis ng hospital. Hinahabol pa nga ako ng nurse kaso ang bagal niya nakasakay na ko ng taxi.
Sinabi ko sa manong na ihatid ako sa sementeryo kung san nakalibing si mommy. Mga ilang minuto nakarating na din ako dun malapit lang pala yun dito.
Agad aking umupo sa harap ng lapida niya. "Hello mommy, sorry wala akong dalang flowers para sayo."
"How are you? I guess youre happy. But me? No mommy, I'm not h-happy." wala na tumulo na yung mga luha ko.
"Mommy, tapos na. Napaghiganti na kita, nabigyan ka na ng justice." pinunasan ko yung luha ko but it keeps on falling.
"Pero mommy bakit di ako masaya? Mommy tell me. Si daddy he chose other woman over me, over us. Bakit ganun?"
Biglang namang humangin ng malakas, at saka dumidilim ang langit. May mga ilang kulog na rin.
"Mom, are you mad also?" natatawa nalang ako sa mga sinasabi ko habang naluluha parin.
"Mommy alam mo ba nakita ko na yung first love ko, we were so in love but then sa isang iglap nawala lahat ng yun."
Umulan na ng malakas at kumukulog na rin. "Mommy, may karapatan pa ba kong sumaya? Do I deserve happiness?"
Umalis na ko ng sementeryo. Naglakad nalang ako. Alam kong maraming nakatingin sakin bukod sa nakasuot ako ng hospital gown basang basa pa ko at magang maga ang mata ko. Who cares?
Pagdating ko ng bahay ko ay nakita ko si nanny na palakad lakad. Agad naman siyang pumunta agad sakin at niyakap ako.
Buti nalang talaga anjan si nanny my second mother. Di na ko nagsalita pa at dire-direchong umakyat sa kwarto ko.
Naligo ako at ginawa ang daily routine ko. Blinower ko ang buhok at tumitig sa salamin.
"I'm wondering if my story deserves a happy ending." ngumiti ako ng mapait at saka nilapag ang blower kung saan.
Humiga ako sa kama ko at nakatitig lang sa kisame.
"I guess my story wasn't a happy ending." a tear fell in my face and then I fell asleep.
BINABASA MO ANG
Devilish Princess
ActionDevil Series 1: Devilish Princess, the first book of the princess's journey. (Under construction, revising as of now.) #42 in action (2015)