Chapter 13
Trouble First Kiss
Kiara
Loner ampeg ko ngayon. Paano ba naman ayaw akong samahan nung mga bruhilda kong mga kaibigan. Just joking!
Anyways andito ako sa mall namimili miss ko na rin kasi dito ehh. As a model we are ruled to shop for our own clothes, follow the new trend. Also I love fashion kasi.
Habang papalakad ako papuntang Forever21 na clothing shop, dun kasi yung pinaka-favorite ko, parang may sumusunod sakin.
Lumingon naman ako pero wala naman. Hayaan na nga lang. Pagkatapos kong mamili pumunta muna akong starbucks nauuhaw ako.
Habang umiinom ako pagkaharap ko biglang may narinig akong shutter ng camera.
What's that? A paparazzi? Teka sino ba kasi 'tong lalaking to? Papunta na ko sa pwesto niya ng bigla siyang tumakbo. Kainis sino kaya yun? No choice hahabulin ko nalang. Well baka kasi panget yung kuha ko dun sa canon niya tss.
In fairness runner ata siya ang bilis niyang tumakbo. Pero mas mabilis ako konti nalang konting konti nalang mahahabol ko na siya.
Yan na malapit na malapit na ko. Kaso sa sobrang bilis ko sa pagtakbo nahabol ko nga siya pero tumama naman ako sa likod niya then sakto namang may nagmo-mop nadulas yung hinahabol ko kaya nadulas din ako ayun nakapatong ako sakanya ngayon. Gosh! Trouble talaga ang kakambal ko!
This time pagkakataon ko nang malaman kung sino ang lalaking to, nakashades kasi siya. Good thing wala na siyang kawala.
Dali-dali kong tinanggal ang shades niya kaya naman di ko maiwasang magulat kung sino siya.
"Ikaw?!"
Kurt
"Ikaw?!"
I can't help but to smile. Laughtrip ang itchura niya ngayon. Bigla siyang umalis sa pwesto niya at biglang umalis pero bumalik ulit. Huh? Bakit kaya siya bumalik?
"Hoy! Ikaw akin na nga yang canon mo!" pagalit nyang sabi na ikinakunot ng noo ko.
"Ano ka? Ayoko nga mahal pa to sa buhay no!" saka ko sakanya inilayo ang camera ko. Talaga naman. Mahal pa to sa buhay niya. Mahal na mahal ko tong canon ko.
"Aba ayaw mo ha? Edi aagawin ko yan sa marahas na paraan."
Ayan na naman siya tumatakbo papunta sakin. Anong akala niya na madalian niya lang makukuha yung canon ko? Pwes hindi! Ito na wala na kong matatakbuhan kaya ayun inaabot niya yung kamay ko para maabot niya yung camera.
"Ang pandak kase kaya di maabot, abutin mo to. "natatawa ako ng sobra sa mukha niya sobrang determinado. Fierce na fierce ang itchura.
"Aba nagsalita ang matangkad. Hoy! Boy hangin baka akala mo 4 inches lang ang tangkad mo sakin. Kaya wag mo kong sasabihan ng ganyan!" medyo may point kasi siya dun. 6'4 kase ako kaya siguro ang height neto 6' flat.
Sa kaka-abot niya ehh. May natapakan ako, paano ba nakapasok ang balat ng saging dito?!
"Ah–shit ang sakit." sabi niya nung hinahawakan niya yung kamay niya kaso nung pagkaharap niya.
Biglang dumampi yung labi nya sa labi ko atsaka bigla akong sinampal.
Anong meron dun? Ako ba may kasalanan? Diba hindi naman? Diba? That's an accident for pete's sake.
Paika-ika akong tumayo ng biglang sumakit yung braso ko! Ang sakit pero kailangan kong sundan yung babaeng yun. Tss.
Asan na kaya yun? Hay, ang sakit talaga ng kamay ko. Pumunta ako dun sa may parking lot baka andun pa yung kotse niya aantayin ko nalang dun.
As I was saying andito na ko sa parking lot ng may narinig akong umiiyak, teka sino ba yun?
Babae yung umiiyak bakit kaya? Niĺoko ng boyfriend? Nawalan ng laruan? Iniwan ng magulang kasi buntis? Negative thought attacks na naman.
"Paano na yung first kiss ko? Wala na!" sumisigaw sigaw pa yung babae tapos humihikbi.
"Miss? Are you okay?"
"Miss ka jan! Asshole, fuck you, jerk!" di ko napansin na si Koara pala ito at kung ano anong mura ang lumabas sa bibig nya dahil para pagsusuntukin nya ko sa braso pati sa pisngi ko.
"Ouch! W-wait, aray ha di na nakakatuwa. What did I do to you?!"
"Ang bad mo yung first kiss ko was taken by somebody else that I don't love!"
Parang mayroong parte saken na sumakit, yung parang tumusok. It sounds corny pero ouch lang ng medyo konti.
"Ako? Bad? Hindi naman ah! Kasalanan ko bang nagki–aray! Masakit ha! Masakit!" paano ba naman sinuntok ako sa braso na nagka-sprain ata to?
"Wag mong mabanggit banggit yan sakin! Leche ka talagang lalaki ka!" umiiyak parin sya hanggang ngayon. Napaka arte, is it that necessary na umiyak ka dahil nakuha ng iba ang first kiss mo?
"Ang arte naman neto! Tingnan mo nga yung kamay ko ng dahil sayo nagka-sprain, tss."
"Ikaw naman kasi kinuha mo yung first kïss ko." seryoso nyang sabi pero humihikbi parin.
"Argh! Wag ka na ngang umiyak iyak jan. Baka sabihin nila na baka may ginawa ako sayo!"
Sasagot pa dapat sya ng may narinig akong padating at biglang sumigaw. Atsaka umalingawngaw ang mga putok ng baril.
"Devilish Prince!"
BINABASA MO ANG
Devilish Princess
ActionDevil Series 1: Devilish Princess, the first book of the princess's journey. (Under construction, revising as of now.) #42 in action (2015)