Chapter 34
Threats
Xavier
Days passed, pero di pa rin namin nahahanap si Kiara. It's friday after all and here we are in the classroom. Nakaka-bored di ko na kaya nakatulog na ko sa upuan ko.
"Psst!"
"Psst!"
Habang natutulog ako, may sitsit ng sitsit di ko nalang pinansin, inaantok ako.
"Psst!"
"Psst!"
Napaangat na yung mukha ko at tingin sa sitsit ng sitsit. "Fuck! Don't you know that I am sleeping and you just keep on bugging me?"
"Mr. Smith and Ms. Dela Cruz please get out in my class! Now!"
Umalis na ko sa room nang maramdaman ko na may sumusunod sa likod ko. Itong babaing to may kasalanan eh.
"Psst!"
"What do you want ?" sigaw kong sabi sakanya. Nakakainis wala na nga kong tulog tas kukulitin niya pa ko.
"Wala, he-he-he ang cute mo Xavier! By the way I'm Summer, sum for short." masayang sabi niya sakin habang inaabot ang kamay niya.
"Okay." yun lang sinabi ko at umalis na ko. Pero ang kulit sinusundan pa rin ako.
"Psst! Xavier!"
Di ko na siya pinansin at patuloy na umakyat hanggang rooftop. I guess di na niya ko mahahabol dito. Hays, makakatulog na rin.
"Xavier!" hindi pala ko makakatulog kahit dito.
Inisnob ko lang siya saka naman siya umupo sa harap ko at may dala siyang pagkain? Anong gagawin nito?
"Oh, eto lunch nilutuan kita sana magustuhan mo." sabay bigay niya sakin ng blue na lunch box.
"No, thanks." sabi ko sakanya habang binabalik yung lunch box ng biglang tumunog yung sikmura ko.
Kruuuu. Damn! Ano ba naman 'to? Ngayon pa ba naman kayo nagwala? Nagulat nalang ako nang may humagalpak mg malakas natawa.
Babae ba 'to? Bakit ang lakas ng tawa nito? Tinitigan ko siyang mabuti and by that i realize na she's....cute, yeah you read it right she's cute. Cute lang kasi mukha siyang puppy.
"Would you please stop laughing? You're so noisy!" sabi ko at humarap sakanya.
Nginitian niya lang ako at binigay ulit sakin yung lunch box, "Kainin mo na kasi yan, alam kong gutom ka na rin." ngumiti na naman ulit siya sakin atsaka kumain.
May lason kaya to? Ano kayang laman nito?
"Don't worry harmless yang food na yan no poison. Laman niyan? Your favorite adobong manok." saka ulit siya ngumiti sakin. Tss, mindreader ba to?
"Stop, smiling you're creepy." sabi ko atsaka sumubo ng pagkain, paano ba niya nalaman favourites ko? Stalker ko ba siya?
"Nalaman ko yan kasi yeah, I'm your certified no. 0 stalker."
Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko. Sanay na ko sa mga stalker ko pero ito iba tong isang 'to. Atsaka, ganun na ba ko kadaling basahin?
Mmmm...masarap nga tong pagkain. Sana bigyan niya ko ulit nito bukas. Napangiti nalang ako habang kumakain. Ibang klase tong babaeng 'to.
Kiara
Di ko pa rin pinapaalam sa kanila na andito ako sa Korea bakit ko pa sasabihin sakanila? Para mag-alala na naman sila?
BINABASA MO ANG
Devilish Princess
ActionDevil Series 1: Devilish Princess, the first book of the princess's journey. (Under construction, revising as of now.) #42 in action (2015)