Chapter 20
Devilish Princess
Kiara
3 years ago
August 17, 20**"When I count 1 to 3 you'll pull the trigger, understand?!"
"Y-es, dad."
No. This can't be. Hindi pwede. Kailangan ko si mommy, kailangan namin siya ni daddy.
By this time hawak hawak na nung boy yung gun, sa ngayon wala pa rin akong ginagawa kundi humikbi at umiyak. Di ko na talaga alam ang gagawin ko.
"1, 2, 3 now pull the trigger!"
"No!" sabi ko habang tumatakbo at saka nalang ako napapikit nung ako na yung nasa pwesto ni mommy.
Talagang hindi ko na makayanan na tumunganga lang. I can't stand on it.
Pero bakit parang ganun? Walang sakit? Teka may tumama ba? Dinilat ko nalang ang mga mata ko na makita ko siya.
"Mommy, no! Mommy please don't sleep! Don't leave me mommy please." di ko na talaga napigilan yung luha ko bumuhos ito ng walang tigil na tila ba parang gripo.
Duguan yung mommy ko n–nabaril siya, she saved me. And di ko man lang siya napagtanggol. I didn't expect na mommy will die in front of me.
"No b–baby, don't c-ry, I think it's now my time to go now. B-baby my princess, I love you and your dad. Now, b–baby I'll sleep na ha? See you in another life."
"M–ommy, no don't say that, don't leave us, I-love you."
Sumisikip yung dibdib ko kakaiyak I just can't believe that my mom is already dead and at the same time my heart is full of anger and sadness.
"Mommy dadating din ang panahon at ipaghihiganti kita."
-
The present time
Fuck ang ingay teka, ano na bang oras?
Time check: 8:30
Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Puta, late na ko. Hays. Magka-cutting nalang ako ng first subject.
Sumakay na ko sa car ko, earphones on and ready to go na. Pssh, late na late na talaga ako. Nakasarado na yung gates kaya no choice mag-oover dabakod nalang ako.
Dahil tulog yung mga guard madali akong nakapasok. And i'm wondering kung kumpleto ang sahod nitong mga guard, tulog lang ng tulog ehh. Babawasan ko nga mga sahod neto.
Andito ko in my not-so-favorite place ko sa school ang rooftop. Matutulog na mga muna ako. Tsk.
After 2 hours
Alam kong may tao dito ehh. Kanina pa. "Lumabas na kayo jan nakita ko na kayo."
Lumabas naman silang lahat na may dala dalang mga pagkain. "Ang tanga kasi ni Rexel magtago!" singhal ni Yumi.
"Nako! Ang ingay kasi netong si Tristan, putak ng putak daig pa babae." sabay batok ni Cindy kay Tristan.
"Biruin niyo ang galing talaga ni princess walang kupas ang galing–wtf! Brianna ano ba!" reklamo ni Tristan.
Hays, talagang wala silang balak sabihin sakin ang totoo. Tiningnan ko lang sila na para bang wala akong alam, di ko pwedeng sabihin sa kanila na alam ko na ang lahat.
"Para ka talagang tanga Tristan, di ka nag-iisip!" sabi nan ni Xavier.
"Huh?" sabay kamot sa ulo, "Eh, akala ko ba naalala na n–aray! Oo na sige na sorry na!" sabi ni Tristan.
"Huh?! Ano yung sinasabi ni Tristan?"
"Ah–eh, wala, wala yun. Sige kumain ka lang jan, Kiara." sabi sakin ni cindy with matching uneasy face na para bang pinipilit lang ngumiti.
Grabe sa tingin ko talagang itatago na lang nila ang mga sekretong dapat na malaman ko. With those acts, and smiles, I know there's a hidden secret.
"Ahh. Kiara may naal–"
Umalis na ko kagad kaso bigla naman silang nakasunod. Sabagay, alam ko na naman kung anong itatanong nila. Ayoko munang sabihin sakanila na may naalala na ko. I will keep this muna as a secret for meanwhile.
As I walk around the quadrangle I saw Ellaine walk towards my direction. Ano na naman kaya ang kailangan neto?
"Andito na pala ang campus queen. Well as your servant I have a surprise for you." Ellaine said.
Oh, not again. I'm in a bad mood. Alam ko na ang gagawin niya well since andito kami sa may puno according to my instincts may ibubuhos sila sakin.
"Wow! You have a surprise for me? Well, thanks but no thanks!" sabi ko sakanya and then hinila ko siya kaya para kaming nagpalit ng posisyon. Siya tuloy yung natapunan. Poor Ellaine.
"Opps! Sorry. I didn't mean it. Oh,–no, no wrong I mean it! Looks like you're the one who's surprise? "
"Demonyita ka talaga Kiara! Pagbabayaran mo lahat ng ginagawa mo sakin."
"Yeah I'm a devil, kaya nga ko tinawag na devilish princess bitch." bulong ko sakanya.
I just left her with a smile on my face. Thanks to her di na ko bad vibes, hahaha. More than a good vibes.
BINABASA MO ANG
Devilish Princess
ActionDevil Series 1: Devilish Princess, the first book of the princess's journey. (Under construction, revising as of now.) #42 in action (2015)