Chapter 17
I Already Remember
Brianna
Andito kami sa ospital inaantay magising si Kiara. 3 days na nga kami dito. Sabi kasi naging critical yung condition niya sa vital parts kasi siya nasaksak ayon sa doctor.
Kanina pa palakad lakad si Yumi ano ba naman yan, nahihilo na ko.
"Ano bang problema mo Yumi tumigil ka nga kakalakad mo jan!" si Cindy, ay may pms ata si ateng.
"Eh, kasi naman anong gagawin natin kung sakaling bumalik yung memories niya? Are you not worried guys?" may punto nga naman si Yumi.
"Sabagay may point rin siya, ano nga bang gagawin natin?" pati din 'tong si Stacy ay di na mapakali at tumayo na sya.
"Baka bumalik na naman yung dating si Kiara." malungkot na sabi ni Cindy.
Kung sabagay tama siya, babalik na yung dating Kiara na masungit, cold, basagulera, at lalo na sa lahat ang mas worst pumapatay siya ng tao. Kaya kung papapiliin kami kung anong gusto namin, gusto naming wag ng maalala ni Kiara yung dati kasi masaya na siya ngayon, well not definitely pero slight.
Sa kakaantay naming magising si Kiara nakatulog kaming lahat kasi mamaya pa pupunta yung mga lalaking yun.
Kiara
"Cyrielle my baby come here I got something from you"
Lumapit ako dun sa babae tapos binigyan niya ko ng necklace.
"Wow! Mommy this is so beautiful. Thank you i love you po."
"Mommy!" pinagpapawisan akong bumangon sa higaan ko, napahawak ako sa dibdib ko sobrang bilis ng heartbeat ko, naramdaman ko ring may tumutulo likido na mainit galing sa mata ko. Hawak ko na pala yung kwintas na binigay sakin ni mommy nung 14 years old ako.
Siya pala yun yung babaeng nasa panaginip ko, siya pala yung nanay ko.
Naalala ko nandito pala ako sa ospital, dahil nga pala sa nangyari. Ako raw si Devilish Princess well that's my name and I've already remember those sweet and sour memories. Tanghali na ng mamataan ko amg prasan at tinanggal ko na yung dextrose ko at lumabas ng ospital.
Cindy
Lumabas muna kami ng ospital bibili kasi kami ng pagkain ang tagal kasing gumising ni KC kaya sana magising na siya. Naiwan naman si Brianna para bantayan si Kiara dun.
Pabalik na kami sa ospital nang may nakita kaming babaeng tumatakbo palabas ng ospital pero naka-hospital gown pa nagtaka nalang kami ni Yumi kasi parang kamukha ni Kiara yung babae though hindi namin nakita yung mukha, nakayuko kasi.
"Cindy, si Kiara ba yun?" may itinuro sakin si Stacy sa may di kalayuan. Napatingin ako ulit dun sa babaeng tumatakbo palayo. Para kasing si Kiara.
"Hindi si Kiara yan, saan naman siya pupunta kung magising siya? Diba walang ibang pupuntahan yun."
"Ay, sa bagay oo nga. Sige tara na baka gising na si Kiara."
Gising na kaya si Kiara? May naalala na kaya siya? Hay, ang dami kong tanong sa sarili ko papunta na kami sa floor ng kwarto ni Kiarag makita namin si Brianna at si Yumi hingal na hingal sabay sabing, "Sis! Nawawala si Kiara!"
Kiara
Nagpara nalang ako ng taxi papuntang sementeryo wala akong pake kung naka hospital gown ako. Tsk, bakit ang ganda nga eh. Nakasuot ka ng gown, hospital gown. Tss.
Grabe naisip ko lang for how many years na ba akong nagka-amnesia? Oh, its been 4 years grabe di ko mapigilang maluha akala ko kasi si Mom ang dahilan ng lahat. Kaya siya yung nasisi ko sa lahat.
Flashback: Last 2 years ago (may amnesia na po jan si Kiara)
Ngayon yung death anniversary ni Mommy lahat ng tao umiiyak, naglulumpasay. Maglumpasay daw ba? Tsk. Ako umiiyak? Hindi. Bakit ako iiyak? Tama lang na mamatay siya. Tss, siya ang may kasalanan ng lahat, iniwan niya si Daddy sabi kasi sakin ni Daddy niloko daw siya ni Mommy. Ang sama talaga niya kaya nakakairita talaga hikbi ng hikbi ang ingay!
"Ano ba kayo! Bakit ba kayo iyak ng iyak? Pag-iiyak ba kayo babangon ba yung patay jan? Hindi diba? I'm tired of this shit."
"Kiara that's too much! You must give respect to your mother." daddy slap my fave and I don't give a fuck kung masakit ba yun o hindi.
"Respect? Are you insane? How will I give respect if she's the one who turned me into this kind of atittude? Dad! Diba sabi mo iniwan niya tayo then pupunta pa tayo dito? Tss, fine i'll just go back to Korea and study there. Bye!"
Nakakainis diba sabi niya sakin iniwan kami ni mama? Eh, bakit parang concern na concern pa siya? Nakakainis nasampal pa tuloy ako. Kaya ngayon babalik nalang ako sa Korea wala naman akong magandang gagawin dito.
End of flashback
Di ko alam may tumulo na namang luha sa mata ko. Grabe saka ko lang narealize na ang sama ko para sabihin yun. Habang pinapahid ko yung luha ko napatingin sakin yung driver.
"Ma'am bakit po kayo umiiyak?"
"Just don't mind me! Bilisan mo!"
Nang dahil sa bilis ng driver mag-drive yun nakarating nako dito sa puntod ni mommy.
Natasha Elize Smith
August 17, 19** - August 17, 20**
"Mommy, sorry sa lahat kasi akala ko talaga ikaw yung may kasalanan. Grabe it's been 4 years, kamusta ka na jan? I hope you're happy there kung nasaan ka man, sorry talaga. Tingnan mo m-ommy I just grew up like you, beautiful like you, I'm your princess right? Pero dahil kasi sakin kaya n–namatay ka."
Iyak na talaga ako ng iyak kasi naalala ko yung mga good memories na kasama ko pa siya. Tumingin ako sa langit at ngumiti sana talaga masaya si mommy sa langit sabay ang pagbuhos ng malakas na ulan ang pag-iyak ko ng tuluyan.
"Kung sana lang talaga kaya kitang ipagtanggol mommy." dahil na naman dun napaiyak ako, kung kaya ko lang talaga siyang ipagtanggol para di na siya namatay.
Napatingala nalang ako sa taas kasi parang umistop yung ulan, pagkatingin ko si Kurt andito, bakit kaya siya andito??
"Hindi bagay sa isang reyna ang umiiyak." sabi sakin ni Kurt atsaka ko hinablot ang panyo na hawak nya.
"Anong ginagawa mo dito?" cold kong sabi sakanya. "Binisita ko yung puntod ng daddy ko." sagot naman nya
Di ko nalang siya pinansin tapos pinahid ko nalang ng mabilis ang luha ko.
"Teka, umiyak ka? May problema ba sabihin mo nalang sakin."
Umupo siya sa tabi ko pero nakatulala pa rin ako sa kawalan di ako mahilig magkwento sa iba.
"Uy, ayaw mo bang sabihin yung problema mo? Sige ayos lang kung ayaw mo."
"Patay na kasi yung mommy ko, kung sana napagtanggol ko lang siya." derechong sabi ko sakanya.
Di ko talaga alam kung bakit ako biglang nag-share sakanya, pero basta ang alam ko safe ako sakanya and I feel comfortable.
"Alam mo di mo na kasalanan yun, katulad nga ng sinabi ng mom ko sakin lahat ng tao may kanya kanyang misyon na dapat matapos, siguro tapos na yung misyon ng mommy mo. Pero kahit ganun siguro naman masaya siya kung nasan man siya ngayon."
Napatingin naman ako sa kanya, grabe ano to? Papa jack, na may free advice? Then bigla naman siyang napatingin at ngumiti sakin, iniwasan ko nalang ng tingin.
Bigla naman niyang nilagay yung ulo ko sa balikat niya, then inakbayan niya ako, ewan ko nga kung bakit di ako umangal sa ginawa niya.
"Wag ka nang malungkot I hate it whenever your sad, basta andito lang ako kapag may problem ka andito lang ako para sayo."
I just nood like a dog na inutusan ng amo niya, parang may nag utos sakin na tumango, then I just fell asleep.
BINABASA MO ANG
Devilish Princess
AksiDevil Series 1: Devilish Princess, the first book of the princess's journey. (Under construction, revising as of now.) #42 in action (2015)