Devil 35

6.5K 186 1
                                    

A\N : Si Dustin Shin po sa side. Enjoy reading.

Chapter 35

The End Of The Deal

Kenneth

Naglalakad ako papunta sa hideout ng maalala ko yung pagsi-search ko kahapon tungkol kay Kiara.

Bakit ganun? Parang may something sa kanya, nagbago, the way she acts, the way she smiles. Well, parang di nga ngumingiti yun lagi nalang naka-smirk.

I-hack ko kaya yung isang private file dun may kutob kasi ako kung sino ba talaga ai kiara kung connected ba sila ni devilish princess.

Nung naglaban kami ni dp parang meron siyang pagkakahawig kay Kiara, sa tindig, sa katawan. Atsaka bakit pumupunta ai kiara sa gangsters arena, involve ba siya sa mga gangsters? Ang daming naglalaro sa isipan ko. Kaya disidido na kong i-hack ang nag-iisang file na yun at malaman kung totoo ba tung nabubuong kaisipan sa isip ko.

Siya ba at si devilish princess ay iisa?

Kiara

Pauwi na ko mamaya sa Philippines, sabi ng private investigator ko ba sa isang araw pa niya mabibigay yung nakuha niya info, how sad right?

But still nasa isip ko parin yung nangyari sa resto nung isang araw. Siya ba talaga yun?

Napapadyak nalang ako sa upuan sa sasakyan ko. Naiinis ako. Tapos may nagbigay pa ng death threat sakin nung isang araw n bigla kong ikinakaba. Ito na ba lahat ng kasagutan sa tanong ko?

Tiningnan ko yung phone ko, ang dami nilang nag-missed calls, messages, e-mail. Tsk. Ganun na ba nila ko kagad na-miss? Pero sa kabila nun may isa kong hinahanap pero wala man lang kahit isa wala man lang siyang paramdam, 10 hours nalang ang itatagal ng deal namin ni Kurt. At balak ko ng sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Ganun din kaya siya sakin?

Tumawag na yung secretary ko na ngsasabing in one hour mag-ready na ko para sa flight ko kaya nag-ready na ko.

After 30 minutes

Nandito na ko sa Philippines nagpaghatid na ko sa driver ko papunta sa bahay ko, at pagdating ko agad akong sinalubong ni nanny.

"Anak, nako hinanap ka ng daddy mo nung isang araw sinabi ko nalang na busy ka! Hay, ewan ko sayong bata ka san ka na naman ba nagpunta alalang-alala ang mga tao sayo dito pati si Kurt hinanap ka rin sabi ko wala ka pati yung pinsan mo pati kaibigan mo hinahanap ka. "

"Nana, wag niyo na po akong sermunan I need to take a rest. Bye."

Umakyat na ko at naglinis ng katawan saka nagpahinga ng konti.

Nang magising ako sa isang mahabang tulog ay kinuha ko ang susi ng kotse ko at direchong pumunta sa puntod ni mommy.

"Mommy, here's your favourite flower I bought it for you." sabi ko sabay lapag ng bulaklak sa lapida niya.

"I guess you're happy right now, siguro kong andito ka pa di ako magkakaganito."

"Mommy sorry kung ngayon lang ako ulit nakadalaw. "

"Mommy malapit ko na malaman ang sagot sa mga tanong ko"

Sabay halik ko sa lapida at saka umalis.

Pagkaalis ko, pumunta ako ng hideout namin, alam kong andun sila lahat.

Pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ay nakita ko sila na busy sa computers, cellphones. May mga tinatawagan at tina-track. Sino namang ita-track nila?

Di nila ko pinansin kaya humiga nalang ako sa sofa at nanood ng tv.

"Waah! May nagbukas ng tv!" pasigaw na sabi ni Bria, ang over acting ng isang 'to.

Devilish PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon