Hi! So as what I've said last chap, ini-upload ko na lang lahat ng updates na mayro'n ako. I've asked this, at tatanungin ko ulit, gusto nyo pa ba ituloy to o let it be na lang? Sana sagutin nyo naman... please?
~~~~~ Shein
-Her POV-
“Meet me after class, Mon.” text ni James sa'kin nitong hapon lang.
July na ngayon at nag-umpisa na ang semsester. Nasa klase ko ako ng mag-text sya. Nakaramdam ako ng tuwa nang mag-text sya, bihira kasi kami magkita ngayon. Busy ako sa thesis ko at sya rin busy sa mga projects nya.
“Okay ka lang bespren?” tanong ni Yasmin nung mapansin nya ako.
Classmate ko sya sa klaseng 'to ngayon at nandito rin dapat si Rara kaso absent sya.
Ngumiti ako sa kanya, “Okay ako 'no! Bakit naman hindi?”
“Ay nako Nadine Rivera! Sa akin ka pa talaga nagsinungaling, I know every inch of you no!” Sabi nya at tapik sa balikat ko.
Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti uli sa kanya. “Wala 'to, ano ka ba. Baka mapansin ni sir na 'di tayo nakikinig. Mamaya na lang yan.”
Pagkatapos ng klase ay kinulit pa rin ako ni Yasmin. Tumambay kami sa field para maghintay ng sunod na klase.
“Ano ba kasi 'yun, Din? May something eh, may problema ka ba? Si James ba?” tanong nya ulit.
“Walang problema. Its just that hindi na kami madalas magkita ni James ngayon. I just miss him. Yun lang yun okay?” explain ko sa kanya.
Tumawa naman sya, “Ay sus! Edi puntahan mo. Syempre parehas kayong busy eh, kaya malabo talagang magkakitaan kayo.”
Natawa na rin ako sa sinabi nya. Nag-usap pa kami at nasabi ko ring magkikita nga kami ni James pagkatapos ng klase. Off ko rin kasi sa trabaho ngayon.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa restaurant na sinabi ni James sa text nya pagkalabas ko sa huli kong klase kanina. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nung dumating ako sa place.
“Mon!” Bati ni James sa akin nung pagkapasok ko.
All smiles sya ngayon at parang medyo pormal. Inaamin ko na na-miss ko 'tong Moj ko.
“Anong meron Moj? Bakit parang may okasyon?” tanong ko sa kanya nung lumapit na sya sa akin at inalalayan ako papunta sa table.
Nag-smile ulit sya at pinaupo ako sa upuan sa tapat ng upuan nya. “There's no special event, Mon. But I want you to meet someone.”
Lalo akong kinabahan sa sinabing yun ni James. “Sino?”
“Just wait here, Mon. Promise me that no matter who you'll see, you'll talk to him, okay?” sagot nya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
FanfictionAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014