Thirty-sixth Stop

310 13 0
                                    

Yasmin on top! :)




-Her POV-


"Nadine, pwede ba tayong mag-usap?"


Palabas na sana ako ng unit ko nang dumating sya.


Gusto ko mang umiwas sa kanya pero ano pang magagawa ko? Nandito na sya. Ayoko namang maging bastos at iwanan sya dito.


"Sige, pasok ka." Sagot ko sa kanya at bumalik ulit sa unit ko.


Sumunod naman sya sa akin at tumayo sa bandang pinto.


Ibinaba ko ang bag ko at umupo. "Upo ka. Tungkol sa'n ba yung pag-uusapan natin?"


Alangan syang umupo at sinabing, "Na-ospital ka daw?"


Nagulat ako na yun agad ang tinanong nya. Hindi ko rin alam na may nakaalam pala ng pagkaka-ospital ko nung isang linggo bukod kina James at Jekko.


"Oo." Tipid kong sagot.


Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Mula sa alanganin ay naging pagaalala ito.


"Anong nangyari? Okay ka na ba, Din? Kung hindi ko pa nakausap si Nikko, hindi ko malalaman."


Din.


Parang ang sarap ulit mapakinggan yan. Ang tagal nung may huling tumawag sa'kin yan. Kailan nga ba yung huli? One month ago? Two months ago? Hindi ko matandaan.


"Close pala kayo ni Nikko? Hindi ako na-inform. Oo, okay na ako. Yun lang ba? Pwede ka na umalis? May meeting pa kasi ako." Matigas kong sagot sa kanya.


Aaminin ko na miss na miss ko na ang isang 'to pero hindi pa handa ang sistema ko na tanggapin ang mga paliwanag nya at patawarin sya. Hindi ko pa rin talaga kayang tanggapin ang pagsisinungaling nila at pagtatago nila sa sakit ko.


Tumayo sya at hinawakan ang kamay ko.


"Din, hindi. Pumunta ako dito para kausapin ka. Naisip kong baka handa ka na para pakinggan mo ako. Nadine, dalawang buwan na tayong hindi nag-uusap. Miss na miss na kita. Miss na miss ko na ang best friend ko."


Nang marinig ko 'yon mula sa kanya, bigla na lang tumulo ang luha sa mata ko. Sya rin ngayon ay umiiyak na. it hurts to see her but I know that I cannot still find the courage of talking to her.


Agad ko 'tong pinunasan, para hindi na nya mapansin. "Yasmin, h'wag ngayon. May pupuntahan pa talaga ako. I promise. We'll talk some other time."


Niyakap nya ako at sinabing, "Aasahan ko 'yan Din. Aasahan ko 'yan."


The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon