Seventeenth Stop

712 30 0
                                    

-Her POV-

Pagkatapos ng huling exam ko ay agad akong lumabas ng room. Gusto ko siguraduhin yung magiging desisyon ko tapos ang kailangan ko na lang gawin eh kausapin sila.

Nandito ako ngayon sa open field para mag-isip-isip... Buong linggo ko pinag-iisipan kong tama ba 'tong gagawin ko. Susundin ko kung ano yung mas makapagpapasaya sa akin kahit pa hindi ko alam kung ano yung magiging epekto nito.

“Hey Naddy babe! Date naman tayo tutal tapos na exams. Sa'n ka? Puntahan kita :)” text ni Rara sa akin.

Sinabi kong sa mall na lang kami magkita dahil may sasabihin din ako sa kanya. Nagkita kami sa food court.

“Hello Naddy babe. Buti pumayag ka makipag-date sa'kin. Ang tagal na kita niyaya ngayon ka lang pumayag. Ano pala yung sasabihin mo?” sabi nya at ngumiti ng malapad.

Umiwas na lang ako ng tingin at ngumiti sa kanya “Uhm, 'di ba sabi mo magde-date tayo? Saan tayo pupunta? Tara na oh.”

“Yieeh! Excited ka Naddy babe?! Hala sige tara na. Gutom ka ba? Kain muna tayo?” at ngumisi.

Hinampas ko naman sya sa balikat “Hindi naman ako excited eh! Saan ba tayo? Hindi naman ako gutom eh.”

Dumiretso na lang kami sa fourth floor at naghanap ng mapanonood.

“Naddy, ano gusto mo panoorin dyan?” tanong nya sa akin nung tinitingnan namin yung mga posters.

Ngumiti ako malapad tapos tinuro ko yung index finger ko sa poster sa bandang dulo “Ito! Diary ng Panget, Rara! Hindi ko alam na showing na pala 'to. Idol ko yung mga bida ta's sobrang bagay nila. Yieeeh”

“Ay! Parang ang corny naman nyan Din. Itong Spiderman na lang.” pag-kontra nya sa sinabi ko.

Adik ba 'to? Tatanungin ako tapos ayaw sa pipiliin ko “Eeeeh. Yan na kasi! Baka last week na ng showing nyan eh! Please~ please~”

Sa huli ay pumayag din si Rara. Nung una, aayaw pa pero nung nanonood na kami, mas malakas pa yung tawa nya sa akin ta's tumitili din nung may mga sweet na scenes. Akala nya 'di ko napapansin.

Pagkatapos no'n ay kumain na lang kami sa isang fast-food. Sa tuwing magkasama kami ni Rara ay nililibre nya ako dito. Kaya naman dito na lang kami kumain. At hindi ko rin mapigilang tumawa sa mga kwento nya, 'di pa rin talaga sya nagbabago. Magaling man mang-alaska, nakakatawa at masaya pa rin sya kasama. Sana lang hindi magbago ang pakikitungo nya sa akin, pagtapos nito.

“Uh... Rara?” pagsisimula ko.

Ngayon ko na sasabihin 'to. Kinakabahan ako. Sana magawa ko 'to ng maayos.

“Hmm? Bakit? May gusto ka pa kainin?” tanong nya sa'kin sabay kagat ng burger nya.

Tumawa naman ako. “Hindi, hindi. Ano ka ba, busog na ako. Gusto ko lang sabihin--”

“Ah, sige. Tara na. Hatid na kita.” Hindi nya ako pinatapos magsalita at tumayo na.

The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon