Reese is all grown up now~
--
-Her POV-
"James, hindi ba nakakahiya? Hindi mo naman ako girlfriend ta's ipapakilala mo ko sa tita't mga pinsan mo?"
Kasi naman, dalawang araw na simula no'ng inamin kong gusto ko sya at ngayon ipinipilit na nya na ipakilala ako sa pamilya nya. Hindi naman nya ako girlfriend. Oo nga at gusto nya rin daw ako pero hindi naman kami. Hindi pa naman nya ako nililigawan.
"We're getting there. I just want you to meet them. I'm sure it will be fine. Don't worry they're nice."
Nasa taxi kami ngayon at papasok na sa isang subdivision. "Can't it really wait? Hanggang sa pagbalik natin galing Sorsogon, in the coming weeks?"
Hindi ko kasi alam na dadalhin nya ako dito. Bigla-bigla na lang syang pumunta sa apartment ko at sinabihan ako na may lunch date daw kami. Tapos ito naman ako at nag-ready nga. First date kasi namin, ta's no'ng nasa taxi na kami, sinabi nyang do'n nga kami magla-lunch sa bahay ng tita nya.
Hinawakan nya ang kamay ko at sinabing, "Trust me, it will be fine. Come on, we're already here."
Iginaya nya ako palabas ng taxi at agad na bumungad sa'kin ang isang bahay. Hindi sya gano'n kalaki pero mayroon itong maliit na garden at garahe. Hindi ko alam pero parang nakapunta na ako rito dati.
Agad namang nag-doorbell si James.
"James! Nadine! Tamang-tama ang dating nyo. Kakaluto ko pa lang." bungad sa amin ng isang babae. She must be Sandy, James' aunt. Why does she know me? Ikinuwento ba ako ni James sa kanya? Kilala na nya ba ako dati pa?
Noong makapasok na kami sa loob lalo kong naramdaman na nakapunta na ako rito. Every piece of the house seemed familiar. I just couldn't find it in my mind.
"Shall we?" he asked as he guided me to the dining area of the house.
"James!" sabi nang isang lalaki na halos ka-edad lang namin. Medyo may hawig sya kay Tita Sandy. I'm guessing he's her son.
"Bro, what's up?" James immediately smiled and hugged his cousin.
Masaya silang nag-uusap nang mapansin ako ni Renz, that's what James call him. "Oh? Nadine! Long time, no see!" and he hugged me.
Doon na ako nagulat. Parang sobrang saya nitong Renz na makita ako. Could it be that I really have been here before? Gaano ba talaga kami kalapit sa isa't-isa ni James, before?
"Uh, sorry? I don't know you." Sabi ko at kumalas sa yakap nya. "So is it true? You really have amnesia?" he asked.
"Bro, don't bring things up. She can't really remember that much." James butted in.
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
FanfictionAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014