Hi Guys! Inspired ako ni Becca kaya may update agad. By the way, nanood na kayo ng #PSHR ? T'was awesome. Jadine in a whole new setting. <3
Shein <3
(Therapy by ATL \m/)
———————————————————————————
-Her POV-
"Dad, tama na... Please... Tama na." Pilit syang lumalapit sa akin. "P-pero anak, ito ang totoo. Ito ang dapat mong nalaman matagal na."
Natawa ko sa nasabi nya, "Totoo?! Tingin mo maniniwala pa 'ko sa'yo?! Sinayang mo lang yung isa pang pagkakataon na binigay ko sa'yo! Pasensya na dad, but I have to go."
Agad-agad akong bumalik sa kwarto ko at inimpake ang gamit ko. Kinuha ko kung ano yung mga una kong makita. "Anak, don't do this. Nakikiusap ako sa'yo Nadine... H'wag ka umalis! I'm so sorry. Please, don't do this." Patuloy lang si dad sa pagkatok sa pintuan.
Aaminin ko masakit din sa akin na gawin ito pero sa tingin ko ito ang tamang gawin. Kailangan na lumayo muna ako sa kanya upang makapag-isa, para mapag-isipan ang mga pangyayari sa buhay ko. For two years akala ko gano'n kasimple ang buhay ko. Pero mali ako, kumplikado pala ito.
Lumabas ako nang bahay na nakasunod pa rin si dad. Nanlalabo man ang paningin ko, sinubukan kong maayos na makalabas sa bahay. Mahal ko si dad, masakit sa'kin ang iwanan sya mag-isa dito pero alam kong mag-aaway lang kami. Dad, soon... Soon, mawawala ang sakit na 'to at ang mga gumugulo sa isipan ko.
"Yas? Yasmin?" Tinawagan ko ang kaibigan ko pagka-sakay na pagka-sakay ko sa taxi.
"Oh, Din? Bakit ka napatawag?" Sagot nya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Nasa'n ka? Bespren, kailangan kita."
"Ha?! Nadine, nasa'n ka? Ano nangyari? Nasa condo ako. Pumunta ka na dito." Nag-aalala nitong sabi sa'kin bago ko binaba ang telepono.
Agad kong sinabi sa taxi ang address ni Yasmin. Wala na akong pwedeng puntahan sa ngayon. Ayoko sa mga lugar na pinaglagian ko sa nakaraang dalawang taon. Pakiramdam ko lahat ng nangyari do'n ay hindi totoo.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na 'ko sa condo ni Yasmin. Pagbukas nya ng pinto bumungad sa kanya ang yakap ko. "W-wait lang. Pasok ka muna. Pag-usapan natin 'yan Din."
Pinaupo ako ni Yasmin sa sofa nya at binigyan ng tubig. "Game, Din. Makikinig ako."
"May nakita kasi akong news clip sa mga files ni dad. At nung nabasa ko 'yon, may pangyayaring biglang lumitaw sa isip ko. It was a car accident, Yasmin. At may kasama ako doon. Pero 'di ko kilala. I asked dad about it, and he admitted that I have amnesia."
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
FanfictionAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014