Ralph Ryan aka Rara on top, in case nakalimutan nyo na. Hihihi.
---
-Her POV-
The Tagaytay trip was a great experience to escape reality for a while. It has been a week and now we're back to work. I've been working for the budget plan now with the finance group and of course with James. Tatlong araw mula ngayon, lilipad na kami papuntang Sorsogon. Doon kasi ang site namin. Ilang beses na namin nakita sa picture yung island and it is indeed a paradise.
Nasa apartment ko lang ako ngayon at kagagaling lang sa firm ng ninong ni Jekko para mag-report sa improvements sa project.
Nitong mga nagdaang araw, marami-rami na akong naaalala. Mga maliliit na bagay tungkol nung college ako at yung mga events no'n. Pero may isang tao akong laging naalala, hindi ko sya kilala at hindi ko rin makita ang mukha nya sa isip ko. Sa mga naalala ko paging sya ang kasama ko. Sa school, tapos palagi ring nasa Connie's na pinagtatrabahuhan ko noon. Kahit anong isip ko sa mukha nya malabo talaga.
Mayro'n rin akong isa pang ipinagtataka. Hindi ko pa rin nakikita sa alaala ko si James. I mean sigurado akong kilala ko sya noon pa. Base na rin sa mga sinasabi nya at sa lakas ng kutob ko. Ewan ko ba. Kahit anong isip ko, sobrang maliliit na detalye lang ang naalala ko tulad nang classmate ko sya sa P.E noong third year ako.
Alam kong marami pang alaala ang dapat kong alalahanin pero ayoko ring pilitin ang sarili ko na maalala yo'n dahil baka mahirapan lang ako at baka masaktan lang din naman ako sa mga alaalang 'yon.
Naisipan kong lumabas sa apartment at mamasyal muna. Pumunta ako sa mall at nagpasyang bumili ng mga ilang bagay na kailangan ko sa bahay pati na rin yung mga gagamitin ko pagdating sa Sorsogon.
Nasa grocery ako at namimili ng ilang de-lata nang may tumawag sa akin.
"Din?"
Tawag ng isang pamilyar na boses. Hindi ko pinansin nung una dahil baka guni-guni ko lang o iba naman ang tinatawag no'n.
"Nadine!"
Ako pala talaga ang tinatawag ng boses na 'yun. Lumingon ako sa tumawag at sya nga. Hindi ko inaasahang dito pa pala ulit kami magkikita.
"Oh, my gosh! Ikaw nga Naddy!" Muli nyang sabi at niyakap ako.
Isang taon na rin nung huli kong makita 'tong isang 'to, isa sa mga pinakamalapit sa akin mula pagkabata. "Rara, kalian ka pa bumalik galing London?"
Ang lawak ng ngiti nya at gano'n pa rin ang aura nyang mapaglaro.
Kumuha sya ng isang sardinas at pinaglaruan nya ito sa kamay nya. "Siguro mga isang linggo na rin. I was planning to surprise you and Yasmin. But I found out na lumipat ka daw ng bahay and Yasmin and the others don't want to tell me where you are."
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
FanfictionAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014