-Her POV-
Nasa isang town kami sa Quezon ngayon for our Sociology class immersion. So far ang saya ng experience kasi hindi ko pa nagagawa yung mga ganitong bagay at tsaka isa ito sa mga bagay na pinakagusto ko gawin kung may pagkakataon.
Kaninang umaga, nag-ikot kami ni James sa gubat na parte ng camp site namin. Manghang-mangha ako sa mga puno at mga hayop na nakita namin. Parang ang sarap tumira sa ganitong lugar, tahimik at malayo sa kaingayan ng syudad.
Natutuwa rin ako kasi simula nung nagkausap kami, I mean kinausap ko sya eh bumalik na sya sa dati na masiyahin at makulit. Isang beses nga ay kasama namin sya mag-lunch ni Yasmin. Nahiya nga ako kasi si Yasmin kung anu-ano pinagsasabi sa kanya. “So James, single ka ba? Single rin kasi 'tong bespren ko!”, naalala kong tanong nya kay James, buti na lang ngiti lang ginanti ni James, baka 'di nya rin naman naintindihan yun eh. Tapos kanina sa bus, kinukulit ako ni Yas na makipagpalit ng upuan kay Andy, yung katabi ni James.
Kinahapunan eh nag-interview kami ng mga pamilya para sa project namin na gagawin for them. Ang saya kasi nakipaglaro kami sa mga bata tapos na-expose kami sa klase ng pamumuhay na mayro'n sila, oo nga't 'di sila gano'n nakaangat sa buhay pero nakikitang masaya sila siguro dahil kasama nila ang pamilya nila at buo sila. All of sudden, nalungkot ako. Naalala ko si mommy.
Nasa loob na ako ng quarters pero dahil hindi pa naman ako inaantok at tulog na si Yasmin, lumabas muna 'ko. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako doon sa may bandang bonfire kung saan kami kumain ng dinner kanina. Napansin kong may tao pa pala doon. Ewan ko pero pinili ko lumapit din do'n sa bonfire kahit 'di ko alam kung sino yung nandoon.
Nung mas nakita ko ng maayos ay nakilala kong si James pala ito. Pero... laking gulat ko ng marinig na humikbi sya. Kaya naisipan kong tawagin sya.
“James?” Lumingon naman sya at agad nagpunas ng luha nya. “Oh, why you're still awake?”
Umupo ako sa tabi nya. “Okay ka lang? Umiyak ka ba?”
“No, I'm not crying. I'm fine. You haven't answered my question, why you're still up?”
Kahit na sinabi nyang hindi may pakiramdam akong hindi sya okay. “Hindi ako makatulog eh. Uhm... ano... James...”
“What is it?” tiningnan nya ako sa mata. Ngayon ko na-confirm na may lungkot nga sa mata nya.
“'Di ba kanina, nagkuwento ako sa'yo, pwede bang ikaw naman magkuwento sa'kin? Kung okay lang sa'yo.” Yan yung naisip ko na paraan para malaman ang iniisip nya ngayon.
“What do you want to know?” tanong nya sa'kin ta's ngumiti.
Ano nga ba? Isip Nadine, isip! “Bakit ka dito nag-college?”
“My dad insisted me to.” Sabi nya ng diretso.
Nilingon ko naman sya, nakatingin lang sya sa apoy. “Eh bakit naman? Ang ganda kaya mag-aral sa ibang bansa. Pangarap ko kaya mag-aral sa Harvard.”
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
FanfictionAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014