-Her POV-
“Bitiwan mo nga 'ko Ra!” tapos naglakad ako palayo sa kanya.
Aish! Kung makaakbay naman kasi! Nakakahiya tuloy kay James kanina. Huh? Inisip ko bang nahihiya ako sa Amboy na 'yon? Hindi pa naman kami in good terms 'di ba? Hindi porket nag-usap na kami nung hinatid nya 'ko, okay na kami. Hindi pa sya nag-s-sorry. May dapat ba syang ipag-sorry, talaga?
“Akbay lang naman yun Din! Bakit ba inis na inis ka, ha?” sabi nya nung mahabol ako.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis kay Rara. Kahit naman palagi akong binibwisit nito ay kaibigan ko pa rin sya.. Dahil ba sa inasta nya kanina sa harap ni James? Ewan ko. Ang gulo rin ng isip ko ngayon.
“Ewan ko! Iwanan mo muna 'ko Ryan. Sige na.” tapos tumakbo na ako ng tuluyan.
Dumiretso 'ko sa likod ng building namin. Open field ito at napapalibutan ng mga puno. Napagpasyahan kong umupo muna sa ilalim ng isa sa mga puno.
Ano ba nangyayari sa'kin? Bakit parang ang gulo ng umpisa ng semester na 'to? Aish!
Si James, hindi talaga 'ko makapaniwala na narito sya. Akala ko namamalikmata lang ako kaninang umaga pero classmate ko pa sya sa isa sa mga subject ko ngayon. Hindi pa nga ako naka-move on sa forehead kiss nung gabing ihatid nya 'ko, tas heto sya ngayon.
“James, ano ka ba sa buhay 'ko?” tanong ko sa sarili ko.
Si Rara, sa totoo lang napansin ko ring may nagbago sa kanya nitong mga nakaraan. Dati inaasar nya lang ang itsura ko, pananamit ko, kinakain ko at kahit ano pang mapansin nya sa araw-araw pero ngayon parati nya akong kinukulit sa mahal-mahal, miss daw nya ako at tawag nya sa akin ngayon Naddy babe, eh dati Din-din iyakin lang.
“Rara, ano na ba nangyayari sa'yo? Ano ba talaga ang nararamdaman mo?”
Si Yasmin...
Si Yasmin?
Si Yasmin?!? Hindi ko pa pala sya nakikita mula kaninang umaga. Lagot ako nito do'n. Alas tres na, wala naman na 'kong klase kaya tumayo na 'ko at pumunta sa huling klase ng bespren ko.
Pumunta ako sa tapat ng classroom nya at hinintay syang makalabas.
“Uy bespren!” sabi nya nung dismissal na nila.
Hinila ko na sya pababa ng building.
“Bakit ka nagmamadali Din? Sa'n ba tayo pupunta, ha?” tanong nya habang naglalakad kami. “Hindi pa kasi ako kumakain ng lunch eh. Samahan mo ko!”
“Ha? Kanina pa tapos yung klase mo, di ka pa nakain?! May nangyari ba?” tanong nya ulit tapos naming makababa ng building.
Dumiretso kami sa cafeteria at nag-order ako ng full meal, kanin at menudo ta's bumili rin si Yasmin ng piattos.
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
Hayran KurguAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014