Nagising ako at namalayang nasa kwarto na ako. Ang huling naalala ko ay yung sumakit ang ulo ko.
"Mukhang dapat mo nang malaman lahat, Nadine."
'Yan ang huli kong narinig kay dad, bago ako nawalan ng malay. Pero bakit nya nasabi iyon? Anong hindi ko alam? May hindi ba 'ko naaalala sa nakaraan ko?
"Ahhkk." Sumakit ulit yung ulo ko tapos naalala ko yung picture na nakita at yung imahe nung lalaking biglang lumitaw sa isip ko.
Tumayo ako sa kama at lumabas para hanapin si dad. Nahanap ko sya sa kitchen counter, hawak ang isang basong rhum.
"Dad, bakit kayo umiinom? May problema ba?" Tanong ko at tumabi sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit, pero niyakap ako ni dad ng mahigpit. "Sorry, anak. Sorry, Nadine." Paulit-ulit nyang sabi. Ano ba talaga ang nangyayari? Simula kaninang umaga, nung makita ko yung dyaryo, iba na ang pakiramdam ko.
"Dad, bakit kayo nagso-sorry? Dad, ano ba talaga ang problema?"
Pilit kong pinapakalma si dad maging ang sarili ko. Kinakabahan ko sa nangyayaring ito.
Tiningnan ako ni dad ng maayos at hinawakan ang magkabilang balikat ko at sinabing, "Anak, may amnesia ka. Patawarin mo 'ko at hindi ko sinabi sa'yo ang totoo at lahat ng may kinalaman sa nakaraan mo."
Parang binuhusan ako ng nagye-yelong tubig nung marinig ko 'yon. Totoo ba? Bakit hindi sinabi ni dad 'to ng mas maaga? Ano pa ba ang mga dapat kong malaman?
"Dad, bakit hindi nyo sinabi sa akin 'to? Sino ba talaga 'ko? Anak nyo ba talaga 'ko?"
Hindi ko na rin mapigilan ang umiyak dahil sa mga nalaman ko. "Anak, totoo... Anak kita. Hindi ko lang sinabi ang mga bagay na nangyari sa'yo noon dahil baka makasama ito sa'yo."
"Paanong makakasama? Paano ba talaga ako nagkaro'n ng amnesia?"
Hindi ko na kaya ikalma ang sarili ko. Halo-halong emosyon na rin ang nararamdaman ko dahil sa mga nalaman ko.
"Naaksidente ka two years ago. It was a car accident pauwi ka... kayo galing Cavite." Lumapit si dad sa akin para yakapin ako pero lumayo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Dad, please... Kayo? Sinong kasama ko?"
Lumayo si dad sa akin at halata ang pangamba sa kanya. Natatakot na rin ako sa pwede nyang sabihin. "Yung lalaking nasa isip ko? Sya ba? Sya ba yung kasama ko sa aksidente? Sino sya?! Kaano-ano ko sya?! Daaaaaad..."
"It was James, your boyfriend." Mahinang sabi ni dad
Boyfriend ko? Nasa'n sya? Buhay pa ba sya? Bakit wala sya dito?
***
————————————————————————————————————————————————————-
A/N: This part was the continuation of the prologue guys. You can re-read it again. Sorry to keep you waiting.
22 na si James <3
Para sa Hopeless Romantic na bukas! Sino manonood?
Shein<3
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014