Twenty-eighth Stop

344 22 0
                                    

Hi Guys! Medyo natagalan update. Sorry >.< BTW Happy 21K ! Yiee.




Shein ~xoxo


—————————————————————————



(Boulevard of Broken Dreams - Green Day Cover)





-Her POV-




After ng pag-uusap namin ni Jekko sa seaside, ito ako ngayon kasama sya sa bahay nya.


"Okay lang ba talaga na nandito ako, Jekko?" Tanong ko sa kanya nung abutan nya ako ng kape.


Ngumiti sya sa'kin at tinapik ang noo ko. "Ano ka ba, gusting-gusto kong nandito ka. Na-miss kaya kita. Ikaw lang naman 'tong iwas ng iwas sa akin, e. Tsaka pwede bang tigilan mo na yang Jekko na 'yan? Pwedeng Nikko o JN na lang?"


Sinamaan ko sya ng tingin pero napangiti na rin ako. "Eh ikaw naman kasi, an kulit-kulit mo. Kitang na sa review center tayo pero ikaw parang high school doon. And... you're still Jekko, 'kay?" Tumawa na lang kami dahil doon.


After nang mini midnight snack namin ay pinatuloy na nya ako sa guest room ng bahay nya. Sya na lang daw kasi ang nakatira dito dahil ang mga magulang nya'y nasa States na at ang mga kapatid nya ay may mga pamilya na.


Napahiga agad ako sa kama nung pumasok ako sa kwarto. Sobrang nakapapagod ng araw na ito para sa akin. Hindi ko inaasahang magiging ganito kagulo ang dating simple kong buhay. Sana pagdating ng panahon, masagot lahat nang katanungan sa isip ko. Pero sa ngayon, peace of mind muna ang kailangan ko.


Akala ko noon, kumpleto na ang buhay ko at wala na akong mahihiling pang iba. Dad and I have reconciled, and ever since then hindi nya 'ko pinabayaan. Yasmin and our friends never left me when I had hard times catching up the things I missed when I was in they so-called coma. Pero ngayon, ito ako mag-isa na lang... kasama ang mga problema't alalahanin ko.


——


"Nads? Gising na. Nadiineee..." Nagising ako sa pagtapik at boses ni Jekko. "Shh. Saglit lang naman, anong oras na tayo natulog kanina, e." Bigla naman nyang hinila ang mga paa ko. "Waa, ito na ito na, babangon na." Nakangising tumayo at nagbukas ng pinto, "Sus, babangon din pala. Alas dos na kaya ng hapon." Hapon na pala. Hindi ko siguro namalayan ang oras habang natutulog dala na rin ng pagod at ng mga iniisip ko.


Nung maabutan ko sya ay agad ko syang binatukan at tumakbo sa CR. "Nads, bilisan mo dyan. Lalamig na yung pagkain, e."


Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa mesa. Amoy ko agad ang sinangag at tuyo na mainit pa. "Nadine, pasensya at 'yan lang ang laman ng kusina ko. Hindi kasi ako madalas kumain dito, e." Sumandok na ako ng pagkain at ngumiti sa kanya, "Ano ka ba, ayos nga 'to. Na-miss ko nga kumain ng gan'to. Nung high school hanggang nung second year college, puro gan'to lang ang kinakain ko." Parang hindi naman sya makapaniwala kaya habang kumakain kami ay kinuwento ko ang buhay ko sa kanya nung umalis ako sa puder ng tatay ko hanggang sa pagtira ko sa compound na pagma-may-ari ng tita ko.

The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon