One Final Ride (Epilogue)

180 5 0
                                    




Parang kahapon lang ang lahat. Hindi ko inaakalang aabot pa ako sa puntong 'to dahil matagal nang nawala ang buhay ko. Isang taon na ang lumipas pero pakiramdam ko nandito pa rin sya. Hindi ko alam kung paanong buhay pa ako't humihinga gayong matagal ko ng gusto sumunod sa kanya. Miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na ang buhay ko.


Hindi ko na naisipan pang punasan ang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Para saan pa? Napahagulgol na lang ako sa sakit ng dibdib ko. Matagal ng mahina ang katawan ko pero hindi yata ako mapapagod sa pag-iyak tuwing maalala ko ang lahat. Bakit sa amin kailangang mangyari 'to? Gano'n ba ako kasama sa mga nakaraang buhay ko para parusahan ako ng sobra-sobra?


Napatingin ako sa alon na tumama sa paa ko. Sobrang ganda pa rin ng dagat dito. Halos dalawang taon na no'ng huling punta ko rito. Ang laki ng improvement na nagawa nila. Sayang at hindi namin nakita.


Pinilit ko si dad na dalhin ako sa Sorsogon kahapon. Ngayon na kasi ang opening ng resort ni Mr. Torres. Itong resort na 'to ang dahilan kung bakit nakilala ko ulit si James. Itong project na 'to dapat ang katuparan ng pangarap naming dalawa. Natutuwa akong makita na natapos ito ng maganda. Kuhang-kuha nito ang design ni James. Laking pasasalamat ko kay Mr. Torres at wala silang binago. Credited pa nga si James bilang architect ng lugar. Maging ako rin ay isinama pa rin nila bilang engineer kahit na matagal na akong wala sa serbisyo. Nakapangalan pa sa amin ang isa sa villa nila – Villa L&R. Sobrang bait nila sa amin ni James. Sobrang galak ang naramdaman ko no'ng malaman ko 'yon lahat kanina.


Napatingin ako sa palubog na araw. Tapos na ang opening ceremony at lahat ng tao ay nagkakasiyahan na. Nagpaiwan ako rito dahil may isang bagay akong kailangang gawin. Dapat matagal ko na itong ginawa pero kulang ako ng lakas ng loob. Sa kabila ng isang taon kong pagluluksa sa pagkawala nya, pakiramdam ko ito na ang tamang pagkakataon para makita ang huli nyang regalo sa akin.


Nakita nila ang isang sobre sa bulsa ng pantalon nya no'ng gabi ng aksidente. Hindi nila ito ibinigay agad sa akin dahil nga sa nagising naman si James at sa kanya nila dapat ibabalik ito. Pero nangyari ang hindi inaasahan. Pagkatapos naming ikasal ay nagpaalam sya sa aking magpapahinga lang sya.


"Mon, finally. You are my wife now. I'm so happy. I'll be sleeping with happiness tonight. I love you. Forever and always..."


Buong akala ko ay matutulog lang talaga sya. Hinalikan ko pa sya ng isa pang beses bago naupo sa tabi nya. Binulungan ko pa syang, "Mahal na mahal din kita. Masaya rin akong sa wakas, asawa na kita. Good night, Moj," bago sya binantayan habang natutulog.


Hindi ko namalayang nakaidlip ako, kung hindi ko narinig ang ingay ng machine sa tabi nya. Bigla akong napatayo at lumabas para humila ng nurse. Hindi ko alam ang gagawin ko no'ng mga oras na 'yon. Biglang nagsidatingan ang doktor at mga nurse pagtapos no'n. Umiiyak ako no'ng dumating ang mga kasama ko. Takot na takot ako sa pagmamadaling ginagawa ng mga tao sa paligid ko.


Hanggang sa...


"Time of death: 10:54 PM."


Doon na tuluyang gumuho ang mundo ko. Nawala ang balanse ng katawan ko at bumagsak na sa sahig. Pagkatapos no'n ay wala na akong ibang hiniling kundi ang mawala na rin.

The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon