Chapter 25.1
-Her POV-
December na! Grabe ang bilis ng panahon, parang kahapon lang kakaumpisa lang klase ngayon ay Christmas break na. Ibang-iba ang Pasko para sa’kin ngayong taon. Ito kasi ang unang beses na makakasama ko si dad sa Pasko after ng pagkamatay ni mommy. Kaya gagawin ko talaga ang lahat para naman maging memorable at masaya ang Pasko ngayong taon.
At maari ko ba namang kalimutan ang taong gumawa ng paraan para magkaro’n ako nang ganitong klaseng happiness? Syemre hindi! Hinding-hindi ko makakalimutan ang nag-iisang James Lutz, ang boyfriend ko. At kasabay nga ng Pasko ay ang anniversary namin. Isang taon na kami.
“Din… Nadine!” sigaw ni Yasmin sa’kin. Kanina pa kami nandito sa food court ng mall at nagpapahinga. Bumili kasi kami ng mga regalo.
Hinampas nya ako sabay, “Nakakainis ka. Kanina pa ko nagsasalita ta’s hindi mo ko pinapansin. Ano na naman ba iniisip mo, ha?”
“Hehe. Peace tayo Yas. Naalala ko lang kasi yung lumipas na isang taon, e. Ang dami na palang nangyari.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.
“Yu’n ‘yon e. Ikaw na may love life! Ikaw na masaya. Grabe ka Din,” sabi nya at nag-pout pa.
Ako naman ang humampas sa kanya, “Tigilan mo nga yang nguso mo, hindi kaya bagay. Tsaka hindi lang naman love life ang nagpapasaya sa’kin ngayon, e. Nandyan kayong mga kaibigan ko na hindi ako iniwan nung panahong malungkot ako at nagging dahilan din ng pag-ngiti ko. Higit sa lahat kasama ko na ulit si dad. Everything is going so okay. Feeling ko sobrang blessed ako ngayon.”
“Wow, bespren. Ikaw na talaga. Deserve mo naman kasi lahat ng mayro’n ka ngayon. Sa dami nang iniyak at pagod mo no’n nararapat lang ang masayang buhay for you,” sabi nya at niyakap namin ang isa’t-isa.
“Pero… Yas? Wala pa rin ako regalo kay James, tsk.” Sabi ko nung maalala kong may regalo na pala ‘ko sa lahat ng kakilala ko pero sa sarili kong boyfriend wala.
“Hahaha. Sino ba naman kasi ang may anniversary ng mismong Christmas din? Kayo lang yata, e. Dalawa na lang bigay mo na regalo, kasi dalawa ise-celebrate nyo.” Seryoso nyang adivice sa’kin. May point naman sya ang kaso kahit anong idea wala ako, e. Parang mayro’n naman na sya lahat ng bagay na nakikita ko sa mall.
Habang nag-iikot kami sa mga boutique ay bigla naman akong hinila ni Yasmin. “Hoy, sa’n ba tayo pupunta? Makahila ka kasi wagas, kaya ko naman maglakad.” Hindi nya ko pinansin at tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang shop.
Isang malaking ‘JIGSAW WORLD’ ang sign nung shop na pinaghilahan sa’kin ni Yasmin. “Bespren, anong gagawin natin dito? May bibilhin ka ba para sa mga pinsan mo?”
“Sira! Ito na ang sagot sa problema mo. Siguradong wala pa si MOJ mo nya’n. Dali punta ka sa counter.” Hindi ko man naiintindihan ang sinasabi ni Yasmin, pumasok na rin kami sa loob. At parang totoo nga yata ang sinabi ni Yasmin. Pagkapasok ko pa lang kasi sa shop nila ay nakita ko na ang mga puzzles na nakasabit sa mga dingding. Pictures yun na ginawang puzzle ng iba’t-ibang tao, family, barkada at couples din.
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
FanfictionAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014