Twenty-first Stop

779 29 2
                                    

OMG! NAKITA KO NA ANG JADINE! THANK YOUUU SA MALL TOUR NG TBYD <3 ANG GANDA AT ANG GWAPO NILA IN PERSON XDD. PATI SI YASSI AND JOSEPH! CAN'T WAIT TO WATCH THE MOVIE BUT BEFORE THAT, HERE'S MY SUPER LATE UPDATE FOR YOU GUYS.

xoxo,

Shein

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 21.

-Her POV-

Lumipas ang isang semester at bakasyon na naman. So far wala namang uneventful na nangyari bukod sa masaya kami ni Moj ko. Lalo na nung valentines, sobrang nakakatuwa yung ginawa nyang surprise sa tapat ng building namin. Ang ganda ng boses nya tapos yung message nung kanta nya, damang-dama ko. Pangarap ko...

Halos magli-limang buwan na kami at maayos naman ang pagsasama namin. Palagi nya akong sinasamahan at pinapasaya. Pakiramdam ko nga minsan na wala akong nagagawa para sa kanya kaya naman ngayong birthday nya, ako naman ang magpapasaya sa kanya.

May 9 ngayon at dalawang araw na lang birthday na nya. Isu-surprise ko sya at bibigyan ng regalo. May konti naman akong naipon mula sa trabaho kaya okay lang.

Kinausap ko rin ang mga pinsan at tita nya para rito. Kaya may naisip na kaming plano. Umaga ang shift ko sa trabaho ngayong bakasyon kaya mamayang hapon eh sasamahan ako nina Yasmin at Reese sa mall.

***

Mabilis na lumipas ang oras at sinundo na ako nina Yasmin sa trabaho.

“Hello Din! Ready ka na?” tanong ni Yas nung pumasok ako sa kotse nya.

“Oo naman. Si Reese daw, nasa'n na?” tanong ko uli sa kanya.

Hindi pa ako nagpapakita kay James ngayong araw, ang sabi ko ay may kailangan akong asikasuhin ngayong araw at sa mga susunod pa kaya hindi kami pwede magkita, buti nga naniwala sya.

Pagdating namin sa mall ay nando'n na si Reese.

“Hello ate Din! Hello ate Yas!” bati sa'min ni Reese pagpasok namin sa mall.

Bibili kami ngayon ng mga gagamitin namin para sa birthday ni James. Puro mga pagkain at mga party needs ang binili namin. Sang-ayon naman dito si Tita Sandy kaya tinutulungan nya rin kami. Lahat ng mga nabili namin ay dadalhin muna lahat sa bahay ni Yasmin para hindi makita ni James.

Pagkatapos mamili ay dinala namin ang mga gamit sa kotse ni Yasmin. Babalik pa kami sa loob para bumili ng regalo ko para sa kanya.

“Bespren! Di ko pa rin alam ang ibibigay ko kay James. Huhuhu.” sabi ko habang iniikot namin yung department store.

“Ate, mahilig si kuya sa mga musical instruments. Kaso naiwan nya yung guitar nya sa States at yung kay kuya lang ang ginagamit nya.” Sabi naman ni Reese.

The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon