-Her POV-
“See you around... Good night”
Argh! Isang linggo na pero binabagabag pa rin ako nung huling beses na makita ko si James, the kiss thief. Lalo na nung forehead kiss na 'yon. Pagkatapos no'n ay tulala ako. Hindi ko nga alam na nakaalis na pala sya sa harap ko eh. Para akong na-istatwa dahil do'n. Pero 'di na sya nagpakita pa mula ng gabi na 'yon. Hindi na sya bumalik sa shop o napadaan sa compound namin.
Pasukan na nga ulit ngayon eh. Nandito ako sa bench at hinihintay si Yasmin, si best friend.
“Din-din?”
“Din?”
“Nadine!”
“Nadine! Hoy ano ba?” May sumigaw sa tenga ko.
Si Yasmin na pala 'yon. 'Di ko namalayang dumating na sya. Tsk!
“Kyaa. Sorry bespren! Kanina ka pa ba?” tanong ko sa kanya sabay yakap. “Na-miss kita!”
“Na-miss?! Weh? Parang 'di naman.” Sabi nya sabay nguso. Nyay! Pa-cute.
“Oo nga 'to naman! Maaga na nga 'ko pumasok para makasama kita!” 10 am pa kasi ang klase pero 8 pumasok na 'ko.
“Sus! Sige na nga na-miss din kita!” Niyakap din nya ako. “Kumusta? May ginawa ka bang iba nung bakasyon bukod sa magtrabaho?” tanong nya.
“Syempre wala. Eh ikaw? Kumusta Palawan?” balik kong tanong sa kanya.
“Syempre okay! Sus, kung tutuusin dapat kasama ka namin do'n, ayaw mo lang!” tinaasan ako ng kilay? Nakanang! Taray!
“Eh syempre alam mo naman na kailangan kong unahin yung trabaho ko bago magliwaliw 'di ba? Sorry na.” paliwanag ko.
“Alam ko naman 'yon eh. Ang sa'kin lang, sana matuto ka din magpahinga man lang. Grabe ka kasi!” sermon nya ulit.
Tapos...
“Waaaah!” May nagtakip ng mata ko. Aww shiz! Sino naman ba 'to? Naalala ko na naman yung James na 'yon! Kasi 'di ba ginawa nya rin 'to do'n sa may waiting shed malapit sa shop na pinagta-trabahuhan ko.
“Hoy sino 'to? Yas? Yasmin, sino 'to?” tanong ko habang pilit inaalis yung kamay nang kung sino man.
Ta's sinabi nung guy “hulaan mo. Hihi” at ito namang bespren ko rinig na rinig ko ang tawa.
“Aw! 'Di mo ko makilala Naddy babe?” Biglang litaw nung taong nagtakip ng mata ko.
“RARA!” Tumayo ako at pinaghahampas sya. “Nakakainis ka talaga kahit kailan!” sigaw ko sa kanya. Sya naman tawang-tawa pa.
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
Hayran KurguAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014