Nineteenth Stop

795 32 1
                                    

-Her POV-

After that incident in the rain, naging maayos na ang lahat. Masaya ako kasi okay kami ni Rara at higit sa lahat pareho kami ni James ng nararamdaman para sa isa't-isa. But hindi ko pa sya sinasagot. Pa-maria clara ako eh!

Bakasyon na ngayon dahil bisperas na ng pasko bukas. Last day ko 'to sa trabaho bago ang dalawang araw na bakasyon. But hindi ko pa rin alam kung saan ako magse-celebrate ng pasko. Ayoko umuwi kay dad dahil mag-aaway lang kami. Si tita naman ay nasa Japan at nahihiya rin naman ako kay Yasmin.

Pauwi na sana ako galing sa trabaho ng may kung sino na namang nagtakip ng mata ko. Sino pa ba?

“James! Okay na, tanggaling mo na yung kamay mo.” sabi ko habang pilit tinatanggal yung kamay nya.

Tumawa naman sya, “You know me that much, uh?”

Pumunta naman sya sa harap ko at ngumiti ng malapad. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito.

“Let's go? I kinda crave for that half-long.” Sabi nya at hinila ako sa sakayan.

“Hahaha. Adik ka na yata sa half-long! Araw-araw mo na kinakain eh. Tiba-tiba tuloy yung tindera do'n!” Sabi ko at hinampas-hampas pa yung balikat nya.

May tumigil na jeep sa harap namin at nagulat ako nung pumara sya at hinila ako para sumakay.

“What? Let's go, I'm hungry.” Tulala lang kasi ako. First time 'tong sasakay sya ng jeep eh.

Nung makarating kami sa tapat ng apartment ko ay agad na syang bumili ng half-long at nilantakan yun. Gutom talaga sya.

Tinitingnan ko lang sya kumain nang, “What are your plans for tomorrow?” tanong nya.

“Wala naman. Mag-stay dito sa apartment.” sabi ko at tumingala.

“What?! You're planning to be alone on Christmas day?!”

OA po sya. Big deal ba yun?

“Uh- obviously yes, Mr. Lutz.” I teased him.

“Pack your things. You're going to celebrate Christmas with me.” Sabi nya.

Okay, seryoso na sya. “Ayoko! Baka sa'n mo ko dalhin, no!”

“We'll be at my tita's place. This isn't a question. I'm ordering you to pack your things and go with me.” He's dead serious.

Wala na 'kong nagawa kundi iwanan sya sa sala at pumasok ng kwarto. Inayos ko yung mga dadalhin ko. Haay, si boss James po ay inaatake na naman. Tsk!

Pagkalabas ko ay dumiretso na kami sa bahay nila. Nakakahiya 'to. Ang pilit naman kasi nitong James na 'to.

The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon