Hey! It is very important to listen to the song first before proceeding! Thank you!
-Her POV-
It was a trip to remember. That Ilocos escapade left me so much memories that I will keep as long as I live in this world. That even if I am in my worst pain I can close my eyes and still smile because I know that I have left a mark in that beautiful place. That even if I had a short time here on earth, I have once experienced its wonder and beauty. What makes it more wonderful is, I shared it with James... My only James.
Mas lalong dumalas ang pagsakit ng ulo ko nitong mga lumipas na araw. Sa bawat beses na 'yon ay mas lalo ring nanghihina ang pangangatawan ko. Sobrang sakit at gustung-gusto ko na ang sumuko. Tanggap ko na rin naman eh. I know very well that anytime soon pwede na akong mawala. Pero sa tuwing makikita ko si James may kung ano sa loob ko ang gusto pa lumaban. Just a sight of him makes me want to stay alive. He's probably the only reason why I want to wake up in the morning. But I have already made my decision. Ayokong gumastos pa sa kung anong surgery at treatment na pwede nilang ibigay sa akin. Ayokong mabuhay na para na ring patay. Kung mawawala ako sa oras na 'to ngayon, handa ako. But I cannot seem to think that I would have to leave James. Alam kong nasasaktan sya. Alam kong nahihirapan sya at wala akong magawa para sa kanya. He has to continue life without me.
Napatingin ako sa nakasabit na orasan sa dingding. Mag-a-alas syete na ng gabi. Dapat anumang oras ngayon ay parating na si James. Nasa office kasi sya at inaasikaso ang mga naiwan nyang trabaho no'ng magpunta kami sa Ilocos. Kaninang hapon ay nandito si dad at sinamahan ako. Pinauwi ko na sya dahil alam kong may ongoing project din sya ngayon. Ayaw man nya umalis ay kailangan na rin. Binilinan naman nya ang mga kapitbahay ko rito na tingnan-tingnan ang kalagayan ko.
"James, sumagot ka naman," sabi ko habang sinusubukan tawagan ang cellphone nya.
Hindi ko mapigilang mag-alala. Hindi nya gawaing magpatay ng cellphone pag umaalis sya. S-in-et nya pa nga ang number nya bilang number one sa speed dial ko. Hindi na talaga ako mapakali. Umupo ako sa sofa at tinignan ang bintana para abangan sya kung sakali.
"Baka may surprise na naman ang isang iyon, tsk! Ang tagal-tagal umuwi, 'di nya ba alam na may nag-aalala sa kanya dito?"
Lumulipas ang oras at lalo na akong kinabahan. Halos alas otso na at wala pa rin sya.
Nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
"J-james!" Sigaw ko sa kabilang linya. Akala ko ay hindi na sya makakaalalang tumawag. Maiintindihan ko naman kasi kung male-late sya eh.
Halos nanlumo ako ng ibang boses ang nagsalita sa kabilang linya. "Hello? Hello?" Paulit-ulit na sabi nito.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Sino ka? Nasa'n si James? Bakit na sa'yo ang cellphone ng boyfriend ko?" Nanginginig ang boses ko habang nagtatanong doon sa taong may hawak ng cellphone ni James.
"Huminahon ho kayo miss. Si PO2 Reyes ho ito. Naaksidente ho ang may-ari ng cellphone na ito."
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014