(You'll Be Safe Here)
AJ Muhlach is Jekko! :D
————————————————————————-
-Her POV-
It has been months since I left home. I admit hindi naging madali ang adjustment na ginawa ko. Oo nga't nasubukan ko ng tumira dito dati, pero marami ng nag-iba... ibang dahilan, ibang panahon at... ibang ako. Simula nung nalaman kong may amnesia ako, pakiramdam ko hindi ko kilala ang sarili ko... na lahat ng alam ko at naranasan ko sa loob ng dalawang taon ay mga ilusyon lang. Pero gano'n pa man pinipilit ko maging matatag. Iniisip kong ang pagkakataong ito na ibinigay sa akin ay ang magiging paraan ko upang buuin ulit ang sarili ko, at magkaro'n ng bagong pagkakakilanlan. Alam kong hindi ko na kaya pang ibalik ang dating ako, hindi ko na yun naalala at kung maalala ko man, iba na ang sitwasyon ngayon.
What matters to me now is the present. Hindi sa ayaw ko paghandaan ang kinabukasan o ayaw ko ng balikan ang nakaraan, mas gusto ko lang pagtuunan ng pansin ang buhay ko ngayon. Para sa'kin kasi para pa lang grade one na natututo pa lang magbasa't magsulat. Hindi pa rin ako handang ungkatin ang nakaraan ko. Nasasaktan akong maisip na may mga tao o bagay na importante sa akin ang nakalimutan ko. At isa pa, yung insidente sa restaurant two month ago bothered me a lot. Sigurado akong kilala ako nung babaeng yun. Ginusto ko mang habulin sya't itanong kung ano ko sya, paano ko sya nakilala pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Siguro nga'y hindi pa talaga yun ang tamang panahon para malaman ko ang nakaraan ko. Kaya nga't pinagtuunan ko ng pansin ang career ko.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Jekko. Nandito kami sa site ng project namin. This is my first project kaya naman gusto ko ibigay lahat ng effort ko dito.
"Wala naman. Yung mga nakaraang buwan lang." Tugon ko sa kanya at pinagpatuloy na namin ang inspection sa ginagawang building.
Inalalayan nya ako bumaba sa hagdan at sinabing, "Mind sharing it over lunch?" Tumango na lang ako bilang sagot.
Sa loob ng ilang buwan, si Jekko lang ang taong pinagkatiwalaan ko. Sya lang ang sa tingin ko naging totoo talaga sa akin. Na kahit sa maiksing panahon pa lang ang pagkakakilala namin, alam kong hindi nya ko lolokohin. Kahit na maingay sya at vocal sa lahat ng bagay, alam nya kung kalian nya kailangang pakinggan ako. Alam nya kung paano papagaanin ang loob ko. Siguro kung hindi dahil sa kanya, sumuko na 'ko... sa buhay at sa pangarap ko.
Umalis kami sa site at dumiretso sa isang restaurant sa malapit na mall. Dito talaga kami kumakain nung simulan namin ang project na 'to. Hindi man kami ang head ng project, natutuwa ako na malaki ang tiwala sa amin ng kompanya. Na kahit mga bagong engineers palang kami ay ipinagkatiwala sa amin 'to. Gagalingan ko pa para makakuha pa ako ng ibang projects sa susunod.
Habang kumakain ay pinag-uusapan namin yung building. Kinausap din namin yung head engineer at architect ng project via phone call. Ibinalita lang namin yung mga improvements at yung mga dapat ayusin. Sila na daw ang bahala na kausapin ang kliyente para do'n.
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
FanfictionAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014