First Stop

2K 41 0
                                    

“PARAA POO!!” sigaw ko sa jeep na dumaan.

Susme! Late na naman ako sa klase ako. Ang traffic pa naman ngayon. Bakit kasi hindi ako nagising sa alarm ko.

Pagsakay ko ay puno na pero wala akong pake kahit magmukha akong ipit na kung ano dito kailangan ko makapasok dahil major exams ngayon. Kailangan kong makapasa rito. Hindi ako pwedeng bumagsak.

Umupo ako sa bandang gitna. Ay hindi, dahil parang 'di naman talaga ako nakaupo. Alam mo yung halos di na sumayad yung puwetan mo doon sa upuan at ang mga katabi mo'y parang walang pakialam at hindi man lang umusog kahit kaunti? Nasa ganoon akong sitwasyon ngayon. How nice, di'ba?

Halos hindi ako makakilos sa pagkakaupo kong 'yon. Hindi ko nga alam kung paano ko nakuha yung pera sa bulsa ko.

“Bayad po.” sabi ko sabay lahad ng kamay ko.

Aish. Halos ilang minuto ng nakaunat yung kamay ko pero walang nag-aabot. Para mga walang narinig 'tong mga pasaherong 'to. Wala ba silang tenga o sadyang bingi sila?

“Naman! Ano ba yan?!?” sigaw ko sa isip ko.

Wala na kung ibang nagawa kundi mag-ala lastikman at in-extend ang kamay ko. Byahe palang papasok para na akong magdamag nagtrabaho.

Makalipas ang halos isang oras sa jeep ay bumaba na ako at kumaripas ng takbo papasok ng campus. Hinabol pa nga ako nung gwardya dahil hindi na nya nagawang gawin ang trabaho nyang inspeksyunin ang bag ko dahil talagang tumakbo na ako. Sa huli pinabayaan nya na rin ako dahil kailangan nyang bantayan ang pwesto nya.

Pagtungtong ko sa building agad ko pang binilisan ang pagtakbo. Siguradong pag na-late ako ay hindi na ako papasukin nung prof namin na 'yon.

“Ms. Rivera don't run in the hallway!” saway sa'kin nung guidang councilor nung dumaan ako sa office nya.

Agad akong huminto at ngumiti rito. “Sorry po ma'am.”

Nung muli syang pumasok sa office ay tuloy-tuloy na akong tumakbo papuntang third floor ng building namin.

“Ahh.. whooo.” sabi ko nung makarating ako sa upuan ko.

Wala pa yung professor. Salamat naman po!

“Good morning class.”

Pero agad ko ring binawi ang pagpapasalamat nung dumating sya nung mag-rereview sana ako ng notes.

Patay na! Halos wala akong na-review dahil sa gabi na rin naman ako nakauwi galing sa part time job ko kagabi.

Nag-umpisa na nga ang exams. Lintik na! Itong Philosophy na 'to. Ano bang malay ko kina Socrates, Plato at kung sino mang nilalang. Argh!

Patuloy ang pakikipag-debate kung sinong philosopher yung mga gumawa nitong mga ito nang...

The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon