-Her POV-
“Bye Nadine! Kita na lang tayo bukas.” sabi ni Kate, yung katrabaho ko.
“Sige, bye! Ikaw din. Ingat ka.” tugon ko habang kinakaway ang kamay ko kay Kate na sumakay na ng jeep.
Tapos na ang shift ko sa trabaho at pauwi na rin ako. Nag-aabang na lang ako ng bus ngayon.
Alas-nuebe na ng gabi. Medyo madalang na rin ang daan ng mga sasakyan at kung mayroon man ay puno at tayuan na.
Makalipas ang ilang mga minuto pa ay dumating na rin ang bus at sumakay na ako. Umupo ako sa pinaka-unahan sa likod ng driver. Wala akong katabi.
Tumingin ako sa bintana at inalala ang mga lumipas na araw. Tapos na ang semester at sem break na ngayon. Naging okay naman ang lahat ng grades ko. Noong isang linggo ay tumawag si dad sa akin ngunit hindi ko ito sinagot. Ayoko pa rin sya makausap. Hindi ko pa kaya.
Tumigil ang bus upang magsakay pa ng mga pasahero. Marami-rami rin sila at pawang mga galing sa kani-kanilang trabaho gaya ko.
Hindi ko rin namalayan na mayroon palang tumabi sa akin. Nandoon kasi ang atensyon ko sa mga tao pang pumapasok sa pinto nung bus. Napatingin ako sa katabi ko. Lalaki sya at mukha pang bata, mga nasa edad ko rin siguro. Mukha itong 'di galing sa trabaho. Marahil ay doon sa bar na nadaanan nang bus kanina, medyo amoy alak din kasi sya.
Hindi ko na lang tinuon ang pansin sa katabi ko at tumingin ulit sa bintana. Halos kalahating oras pa bago ako makararating sa apartment na tinutuluyan ko.
Halos makakatulog na ako nang naramdaman kong gumagalaw yung katabi ko. Tulog pala ito at pabaling-baling ang ulo nya. Dumaan yung konduktor at ginising sya.
“Sir. Sir? Saan po kayo bababa?” tanong ni manong sa katabi kong lalaki.
“Southville. How much?” tanong nung katabi ko. English-sero pala 'to.
Inabot nya ang bayad nya at pumikit na ulit. Tumingin na rin ulit ako sa daan.
Makalipas ang mga ilang sandali naramdaman kong bumigat ang balikat ko. Agad ko itong tiningnan at nakita yung ulo ng katabi ko dito. Napakalapit ng mukha nya sa mukha ko. Gwapo sya at mala-anghel ang mukha. Pero agad ko ring iniwas ang balikat ko kaya nauntog sya sa sandalan ng upuan sa harap nya. Nagpipigil ako na tumawa dahil baka kung anong isipin nito sa akin.
“Aba't di nagpatinag! Tulog pa rin.” sabi ko sa isip ko.
Muli syang sumandal at tinuloy ang pagtulog nya. Maya-maya ay bumigat na rin ang mata ko at nakatulog.
Naalimpungatan ako at napansin na malapit na pala akong bumaba. Nakita ko ulit yung katabi kong tulog na tulog pa rin, hindi ko maiwasang tingnan sya. Nang...
“AHHH!!” napasigaw ako nung tumama ang ulo nya sa akin at... at...
“What was it?” sabi nya na mukhang naiirita.
“Ikaw!!” sabi ko at napatayo na. Eh kasi...
“Nagtutulug-tulugan ka lang kanina no?” muli kong sabi sa kanya at umupo.
Oo, tama. Baka hindi naman talaga tulog ito at taking advantage sya noong lumingon ako sa kanya.
“What are you talking about miss?!” tanong nya na parang naguguluhan.
Pinagtitinginan na rin kami nung ibang pasahero sa bus. Nakakainis! Yung... yung...
“Bakit mo ako hinalikan?! Ha?!” naiinis kong sabi sa kanya sabay pinagpapalo sya sa braso.
“Stop it! I don't know what are you talking about. I was sleeping but you woke me up accusing me what? Kissing you? Are you out of your mind?!” naiinis na rin nyang sabi sa akin.
Ayt! Akala ko kung sinong anghel 'tong lalaking 'to magnanakaw naman pala! Ninakaw nya ang first kiss ko!
“Ano? Ikaw na 'tong may kasalanan, ikaw pa galit! Ang kapal mo boy! Argh! Ang first kiss ko! Bwisit ka!” sabi ko at hinampas sa kanya ang bag ko.
Napatigil naman sya sa sinabi ko. Tiningnan nya ko at nilapit ang mukha. Napasandal naman ako sa bintana nung bus.
“So... it was your first kiss then. Did you enjoy it?” sabi nya na parang nang-aasar at nilapit pa ang mukha. “Do you want another round miss?” muli nyang sabi sabay ngiti nang nakakaloko. Napapapikit na ko nang...
“HAHAHAHA! You look funny!” sabi nang nagbabalat-kayong anghel sa harap ko.
Sinamaan ko sya ng tingin at muling inatake ng hampas at batok. Akala ko hahalikan nya ako ulit.
“Argh! Bwisit kang lalaki ka! Amerikanong hilaw ka! Letse!” pasigaw kong sabi at pinalo-palo sya ng bag ko.
Naalala kong pababa na pala ako kaya't pumara na rin ako. Pero bago yun, muli ko syang hinampas at bumaba na. Nung nasa labas na 'ko, nag-flying kiss pa ang loko habang tawa pa rin ng tawa.
Naglakad na 'ko pauwi. Pagkadating ko sa apartment ay humiga na 'ko. Dala na rin siguro ng pagod kaya ayaw ko na kumilos. Ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit kinakabahan pa rin ako pagkatapos nung insidente sa bus kanina.
“Ano ba 'to? Bwisit na lalaking yun! Ang first kiss ko. Huhuhuhuhu.” sabi ko sa sarili ko at nagpagulung-gulong sa kama ko.
Makalipas ang pagmamaktol ko, napagpasyahan ko na rin ayusin ang gamit at sarili ko. Nung tiningnan ko yung bag ko, napansin kong may malaki pala itong punit at maaring lusutan ng gamit ko. Agad ko itong binuksan at ininspeksyon. Wala namang nawala bukod sa... sa I.D ko! Nawawala ang I.D ko sa trabaho. Aww paano na 'to? Lagot ako sa boss ko nito. Ang mahal din magpagawa nun ulit.
“WAAAAH! Nasaan yung I.D ko. Huhuhuhu.” Ginulo ko yung buhok ko dala nang inis.
Tapos naalala kong...
Hinampas-hampas ko pala yung lalaki kanina gamit yung bag ko.
“Nasa kanya kaya yung I.D ko? Argh! AHHH!” binato ko yung unan ko.
“Bwisit! Sirang-sira ang gabi ko dahil sa pesteng gwapong yun! Wish ko na lang na hindi na mag-krus ang landas namin kundi ay nako!” sabi ko at humiga na. Ilang sandali pa'y naramdaman ko na ang pagod at antok. Di ko namalayan na pumikit na pala ako.
***
BINABASA MO ANG
The Ride of Love (JaDine FanFiction) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarAng byahe patungo sa kung saan ka dadalhin ng paa mo. Byahe kung saan maiiyak, maiinis, matutuwa, mabubuwisit at magmamahal... THE RIDE OF LOVE © 2014