INFINITY AIMER'S POV
"Sino ba ang lalaking gusto mong mahalin?Papatayin ko.Tandaan mo ikakasal ka na."
Ramdam ko ang pagiging seryoso sa tono ng boses ni kuya Thunder nang sabihin niya sakin ang mga katagang yun.At hindi ko napigilan ang mapatitig sakanya.Gustong gusto kong sabihin na siya yun eh.Siya lang ang gusto kong mahalin.Tapos tatanungin niya ko kung sino yung lalaking gusto kong mahalin.
What if umamin na ako?NO.Hindi pwede.Masisira ko lang ang lahat.Alam kong hanggang ngayon si ate Sunny parin ang gusto niya.I know he's still affected with her kaya ayaw pa niyang makita si ate Sunny because he is still in pain dahil sa pag iwan nito sakanya.
How I wish I can ease that pain...How I wish I am that girl he is looking forward to para mahalin ako.Kaso hindi e.He just wanted to take care of me dahil kuya ko siya at kaya niyang i sacrifice ang happiness niya para lang sa akin.
"Sarili ko...Ang sarili ko lang ang kaya kong mahalin ng ganito."sabi ko nalang kay kuya Thunder at nag iwas na ng tingin.
"Hoo!Akala ko meron na eh.Okay since nasira na yung dinner meeting natin para pag usapan yung sa debut mo.Yung totoong gusto mo para sa debut mo at hindi yung kung ano yung dapat."sabi ni Thunder.
"Hmm...Totoong gusto ko ng jungle type na debut theme.Tapos gusto ko naka crystal blue dress silang lahat.Please ayokong naka gown sila.Gusto ko yung light lang ang makikita kong mga damit nila.Mai stress lang ako sa formal na party.Palagyan mo ng clear glass yung isang pool nila sa El Nido.Gusto ko dun ako maglalakad."sabi ko lang.
"Noted.Kahit kelan talaga kakaiba mga trip mo."naiiling na sabi ni Thunder.
"Di ka pa ba sanay?Tss.."naiiling nalang na sabi ko.
"Wait.Ako ang mamimili ng mga 18 roses mo."sabi ni Thunder at tumayo saglit at kinuha ang laptop niya at tumabi ulit sakin.
"Are you serious?Ako po ang debutant dapat ako ang mamimili.!"reklamo ko naman.
"Shh.Let's say ikaw ang debutant pero ako ang mapapangasawa mo kaya wag ka ng magulo diyan."sabi lang ni Thunder at busy na siya sa pagta type sa laptop niya.
Alam niyo yung salitang PA FALL?Ito yun eh!Yung papakiligin ka saglit pero ang totoo niyan trip lang niya yun!Na ang totoo e hindi talaga ikaw ang mahal niya.Muntikan na akong maniwala sa mga sinasabi ng gagong to e.Kaso kapag iniisip ko talaga si Sunny..Malabong mangyari na mamahalin din niya ako gaya ng pagmamahal na meron siya kay Sunny.
"Buhay pa pala tong Arville na to?Tang ina akala ko patay na to e.Tss.Nawala nalang ng bula dati."naiiling na sabi ni Thunder at napatingin naman ako sa tinitignan niya sa laptop niya.
Okay?Nag aantay ako ng mga suggestion niya para sa 18 roses ko tapos makikita ko lang siyang nagche check ng mga emails niya and nag fa facebook lang pala?!Kainis!
"Diba manliligaw to ni Autumn dati?"tanong ni Thunder.
"Si Arville?Oo.Kaso biglan nanligaw yung loko loko mong kaibigan kaya binusted niya si Arville.Kawawang Arville."naiiling na sabi ko.
BINABASA MO ANG
THE BITCHY PROBLEMS
RomanceKung bitch ka..Mas bitch ako. Kaya wag mokong ikukumpara sayo.. Dahil halata namang mas maganda ako.