INFINITY AIMER'S POV
Bitch ako eh kaya kahit sinabi na ni kuya Thunder na mauna na ako sa kotse at antayin siya dun sinundan ko parin siya sa loob ng Mio Bar.Wala eh.Ako si infinity at hindi ko gawaing mag antay sa mga ganitong bagay.
Nakita ko kung paano napahiga si Jethro sa lakas ng pagkakasuntok ni kuya Thunder sakanya.At siyempre kahit ayokong kiligin...Syet!Kinikilig talaga ako ee!Pasimple akong ngumiti at napatingin kina Autumn at siyempre siya iiling iling lang na parang sinasabi ni Autumn na.."Hay naku..Wala ka ring mapapala diyan kundi heartbreak!"Pero siyempre si Summer nag okay sign siya sakin at mas kinikilig pa sa akin :)
At mas lalo pa akong kinilig ng binalaan niya lahat ng lalaki sa Mio bar na wag na wag akong tangkain na pormahan.Syet!Ang hirap magpigil ng ngiti at magtago ng kilig!Pero siyempre dahil bitch ako I managed to hide my true feelings at maging cold sakanya hanggang sa makapunta na kami sa kotse niya.
Pumikit nalang ako habang nagmamaneho si kuya Thunder kasi pag ganito hindi ko alam kung paano ko pa itatago yung nararmdaman ko para sakanya.
"Uy kulet.Andito na tayo sa condo mo."narinig kong sabi niya pero hindi parin ako dumilat.
Bakit ba!Feel ko rin namang magpaka chix ngayon nuh!
"Infinity...Gising na."sabi pa ni kuya Thunder.
"Tsk.Ang bigat pa man din nito!"narinig kong sabi niya at binuhat na niya ako.
Oh diba?Galawang breezy lang!haha...So eto feel na feel ko ang pagkakabuhat ni kuya Thunder sakin ngayon at nakapikit parin ako.Alam ko namang macho to kaya hindi ko iniisip kung mabibigatan siya sakin.
Hiniga niya ko sa kama ko pagkapasok na pagkapasok namin sa condo ko.
"Aish!Bat ka ba kasi uminom Infinity!Tsk!Sakit sa ulo ka talaga."narinig kong sabi niya at hindi ko mapigilan na mangilid ang luha ko.
So..Yun talaga ako sakanya e.Isang malaking sakit sa ulo lang niya ako.Na dapat lagi niyang bantayan kasi isang lingat lang sakin kung ano anong kalokohan na yung nagagawa ko.Gaya kanina..Pero kung hindi ko naman to gagawin..Hindi ko rin naman makukuha yung bonggang atensiyon niya sakin.Kaya mas okay na to.
Naramdaman ko ang bimpo na pinupunas na niya sakin ngayon.Ang sweet talaga niya..Syet!Ang swerte mo talaga ate Sunny.Kung bakit ba naman kasi iniwan mo siya!Haayy..Pero mas okay na rin na iniwan mo siya.At least mas malaki naman na ang chance ko kay kuya Thunder.
Teka..Anong chance pa ba ang pinagsasasabi ko dito e ikakasal na nga kami diba?Yeah right.Ikakasal nga kami pero hindi naman niya ako mahal.Shocks!One sided love lang ang peg namin?!It cant be!
"Infinity...Kulet.Gising ka muna.Magpapalit ka pa ng damit."narinig ko ulit na sabi niya habang tinatapik ako.
So siyempre ako naman kailangan ko ng umacting na kunwari kagigising ko lang.haha!Galawang easy!xD
"Uhm..."sabi ko lang at unti unti ko ng minulat ang mata ko.
BINABASA MO ANG
THE BITCHY PROBLEMS
RomansaKung bitch ka..Mas bitch ako. Kaya wag mokong ikukumpara sayo.. Dahil halata namang mas maganda ako.