BITCH 30

1K 35 14
                                    

THUNDER CLYDE'S POV

Nang malaman ko na dumating na si Sunny, hindi ko akalain na mas maaga pala siyang uuwi kesa sa inaasahan ko.Aaminin ko, noon pa inaantay ko na ang pagbabalik niya.Malamang mahal ko eh.Pero mas nangingibabaw padin yung galit at pagtatampo ko sakanya.Kung bakit mas pinili niya ang career niya kesa sa akin.Kung tutuusin hindi ko naman siya pipigilan kung gusto niyang mas maging successful eh.Never kong inisip na maging selfish sa kaligayahan niya.Pero yung iwanan niya ako na kailangan pa niyang makipag break...Yun ang hindi ko matanggap.Napakalaking question mark sa akin kung bakit kinailangan pa niyang tapusin ang lahat ng sa amin para lang sa modelling career niya.

I know nasa contract niya na dapat hindi pa siya kasal habang nasa isang intimate fashion magazine pa siya.Pero hindi naman hinihingi ng kompanya na dapat single siya eh!Kaya bakit ganon?Ni hindi siya nag explain.She just left me with a simple note saying goodbye...And till next time...maybe.

Just wow!Nagsabi nga ng till next time...Pero may maybe naman.Kaya walang kasiguraduhan.Napabayaan ko ang sarili ko.Lagi akong nasa bar ni Jethro Mio.Naalala ko nga, laging si Fin ang nandoon para lang iuwi ako kapag nalalasing ako.I just remembered how Fin took care of me when Sunny left me...

"Kuya Thunder umuwi na tayo!Halika na.Nakakahiya ka.Dito ka pa talaga sa bar ng mga Mio nagkalat!"narinig kong sabi Fin sabay hila sakin patayo pero dahil mas mabigat ako, napaupo ulit ako kasama siya.

"Shhh...Teka nga!Hin--di pa ko lashing!Ang lakash ko pa ohh!"sabi ko at pinilit kong tumayo pero bumagsak lang ako sa floor.

"Ayan!Sabi ng umuwi na tayo eh.Kulit mo."inis na sabi ni Fin.

"Uuwi lang ako pag umuwi na si Sunny."mahinang sabi ko.

"Si Sunny na naman?Langyang buhay to oh!Kung gusto mo puntahan mo na siya.Go!"malakas na sabi ni Fin.

Hindi ako nagsalita.Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko at tinabihan ako ni Fin.

"Oh?Hindi ka na nakapagsalita?Anong nangyari sayo?"mahinang tanong ni Fin.

"Hindi niya naman kailangang makipag break eh.Kaya ko namang intindihin kung gusto niyang umalis para sa career niya.Wag lang niya kong iwan ng ganito.Ang sakit sakit eh."sabi ko habang umiiyak.

"Para kang sira.Ganon naman talaga pag nagmamahal diba?Lahat walang kasiguraduhan.May mga bagay na hindi mo aakalain na mangyayari.Na kahit gaano niyo kamahal ang isa't- isa, meron at meron itong hangganan...Yun ay kung may isa sainyo na susuko.At nagkataon na si ate Sunny yun.Tang ina.Bakit ko ba to sinasabi sayo?Bahala ka na kuya kung ayaw mong umuwi."seryosong sabi ni Fin at akmang tatayo na pero pinigilan ko siya.

"Wag mokong iwan Fin.Iniwan na nga ko ni Sunny tapos iiwan mo pa ko?Wag naman."pagmamakaawa ko.

"Tanga.Tatayo lang naman ako eh.Sino bang nagsabi sayo na iiwan kita?Halika na nga.Ang dami mong arte."naiiling na sabi niya sabay ayos ng suot ko.

"Let's get married Fin."wala sa loob kong sinabi kay Fin kaya napatigil siya sa pag aayos ng suot ko saka tumingin sakin.

"Ang alam ko lasing ka lang kuya Thunder hindi adik.Ano ba yang pinagsasasabi mo?"tanong niya.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita ulit.

"Sa tingin mo umiiyak at nagpapakalunod sa mga alak na to dahil sa pag iwan sakin ni Sunny?Mas nasasaktan ako dahil napagdesisyunan na nila na makasal tayo dahil wala na si Sunny dito.Na mas magiging okay to sayo at sa kumpanya ng mga magulang ko at magulang mo."sabi ko at naramdaman ko at pagtulo ulit ng luha ko.

THE BITCHY PROBLEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon