BITCH 31

1.1K 34 7
                                    

INFINITY AIMER'S POV

"Kasi alam kong mas gugustuhin ko ng makasama ka habangbuhay kesa makasama si Sunny na minsang nang iwan sa akin." - Thunder

Kanina pa ko puzzled sa binitawang salita ni kuya Thunder sakin.Ni hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin niya sa akin kanina.Bakit ganon?Nagiging magulo ang lahat dahil sa mga sinasabi ni kuya Thunder.

Kung kaya niya kong mahalin gaya ng pagmamahal ko sakanya bakit hindi nalang niya ko diretsahin para magkaliwanagan kami?

"Huy Fin!Tapos na ang fireworks.Tara na daw sa secret library ni Rain."biglang tawag ni Autumn sakin kaya napatingin ako sakanya.

"Ha?"yan lang ang nasabi ko.

''Okay ka lang Fin?Lalim ng iniisip mo ah.Tara na."sabi sakin ni Autumn at hinila na niya ako papunta sa secret library ni Rain.

"Anong meron?"bulong ko kay Autumn habang naglalakad kami.

"May general meeting daw mga apo ni granny."sabi ni Autumn.

"Tanga.E hindi naman tayo apo ah?Bakit tayo kasali?"tanong ko.

Sinamaan lang ako ng tingin ni Autumn.Anong ginawa ko?Totoo naman ah.Feeling apo lang kaming lahat ni granny dahil close kami sakanya.Si ate Sunny lang talaga ang hindi dahil noon pa man vocal na siya sa pagsasabing hindi niya gusto si ate Sunny para kay kuya Thunder.

Nagpalinga linga ako para tignan kung asan si Summer.Parang hindi ko siya ramdam ngayon.Siguro dahil sa nangyari sakanya kanina sa resort.

"Maupo kayo."seryosong sabi ni granny nang makarating kami sa secret library ni Rain.

Umupo naman kami at walang imik na nag aantay sa kung anong sasabihin ni granny nang kurutin ako sa tagiliran ni Jester.

"Aww!Tangina naman Jester ang sakit nun ah!"sabi ko sabay hawak sa tagiliran ko.

"Sorry.Utos ni granny eh."natatawang sabi ni Jester kaya napatingin ako kay granny.

"Hindi ka kasi nakatingin sakin eh.Ano bang iniisip mo?"tanong ni granny.

"Wala po granny.Puyat lang tsaka pagod."sabi ko nalang.

"Sinungaling."sabi ni granny sabay irap sakin.

Wow ha?Lakas maka pabebe ni granny.May pairap irap effect na rin siya.Kulang nalang sabihin niya rin na, "Walang makakapigil sakin!"haha.Napailing nalang ako sa naiisip ko.

"Ikaw Summer okay ka na ba?"tanong ni granny kay Summer.

"Medyo po granny.Ready na ulit magluto!"nakangiting sabi ni Summer kahit na pilit.

"Isa ka pa.Sinungaling!"sabi na naman ni granny.

Bat ba ang init ng ulo ni granny ngayon?Katatapos lang ng party highblood agad?Anyare?

"E ikaw Sky?Anong nangyari sa paa mo?"tanong ni granny.

"Napagtripan lang sa tabi ng Tanaka High granny.Pero okay na ako."sabi naman ni Sky.

"Sinong niloko mo?Hindi ka okay!Sinungaling ka rin."sabi ni granny.

Napansin ko ang pagiging puzzled ng lahat.Hindi ko talaga alam kung saan patungo tong conversation na ito.

"Ikaw Thunder?Sinong nagsabi sayo na pwede mong imbitahin si Sunny?Ni hindi ko siya binigyan ng invitation para dumalo siya.Tapos inaasahan kong si Fin ang kasama mo pero hindi!You disappoint me!"sabi ni granny sabay hagis ng isang libro kay kuya Thunder pero siyempre nakailag siya.

THE BITCHY PROBLEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon