A/N: Hey guys!!! Haaapppyy New Year!!! <3 Kamusta kayong lahat? I hope hindi niyo pa ko nakakalimutan kasama ang story na to. Inabangan niyo to simula March2015 at hanggang ngayon hindi pa tapos. Goal ko na matapos to bago mag April para hindi na kayo ma bored at masyadong mainip sa pag aantay ng UD. Salamat sa walang sawang compliments and good review sa story ko na to. Halos every week may nagtatanong kung kelan ang next UD ko, pati mga operators ko hindi na rin mapakali sa next update. Kaya guys! Ito na ang pinaka hihintay ninyong update. Mainit init pa! Ingat baka mapaso kayo.Haha!
love love,
ateChaiiRhaine <3
=================================================================
INFINITY AIMER'S POV
Gaya ng inaasahan ko, wala kahit isa sa amin ang gustong bumasag ng katahimikan sa aming apat. Mas pipiliin ko namang kumain ng hindi sila kinakausap kesa makapag taray na naman ako. I'm a bitch pero hindi ako palengkera. Tska gutom ako kaya hindi ko na sila inintindi.
"Uhm, Fin okay ka lang?"biglang tanong ni Jester sakin nang isusubo ko na ang fries na hawak ko.
"Yeah.Of course.Bakit?"tanong ko.
"Kasi yung ketchup ng fries mo nailagay mo na sa juice mo.Tapos yung mallows mo nilagay mo na sa burger mo.Edible pa ba yan?"medyo nandidiring sabi ni Jester sakin.
Napatingin naman ako sa pagkain ko at dun na ako napamura.Ang sagwa ng pagkain ko!Sino ba naman ang kakain ng hamburger na may mallows?Tapos juice na may ketchup?Parang pang aso lang?Hay!Baka nga pati aso hindi kakainin to eh!
"Shit."mahinang sabi ko nang mapatingin ako sa pagkain ko.
"Here.Ito na inumin mo.Kukuha nalang ako ng bago."sabi naman ni kuya Thunder nang ilagay niya sa tabi ko yung orange juice na para sakanya sana.
"Ako nalang kukuha ng bago Thunder.Tutal kami naman talaga ni Fin ang magkasama."sabi naman ni Jester.
"Di na pre.Andiyan na eh.Naibigay ko na yung juice sakanya.Wag ka ng kumuha ng bago kung meron namang pwedeng ibigay pa sakanya."sabi naman ni Thunder.
"E kasi sayo naman yan.Nakakahiya naman sayo."sabi ni Jester.
"Nope.Fin is my responsibility anyway.Dapat lang na ako nga ang kasama niya ngayon."sabi ni Thunder sabay tingin sa akin.
Oh?Anong ginawa ko?Kasalanan ba na makasama ngayon si Jester?Siya nga eh kasama niya tong ex niya at hindi naman ako nag react ng hindi maganda tapos kung makatingin parang nakikipaglandian ako?Ay grabe lang!
"Alam niyo guys, para hindi na kayo mag away diyan ako nalang kukuha ng bagong juice ko."sabi ko at akmang tatayo na nang pigilang nila akong dalawa.
"No!"sabay na sabi naman nila Jester at Thunder.
"Haha!Nakakatawa kayo.Here Fin.Take my juice.Para hindi na mag away tong dalawang to na kuhanan ka ng juice."nakangiting sabi ni naman ni Sunny sabay lapag sa tabi ko ng iced tea.
At sa tingin naman niya kukunin ko yung juice niya? Hah! No way.Baka magkautang na loob pa ako sakanya. Tumayo na ako at saka nagsalita.
"No. I can take care of myself thank you.Ako na ang kukuha."sabi ko at hindi ko na inantay ang dalawang lalaking nag aaway na kasama namin na magsalita.
Dire diretso lang akong naglakad papunta sa counter at bumili.
"Hi Miss Bitchy!Anong order niyo?"masayang tanong ng dalagang nasa counter ngayon.
BINABASA MO ANG
THE BITCHY PROBLEMS
RomanceKung bitch ka..Mas bitch ako. Kaya wag mokong ikukumpara sayo.. Dahil halata namang mas maganda ako.