INFINITY AIMER'S POV
I'm fucking tired so please don't bother asking me why I was the one who accompanied Sky and not his friends. Good thing Rain called up and he took care of everything before I left Sky in the hospital. I know I left Rain clueless about how did I got to know that Sky was been hit with those brats of Tanaka High players.
P*tang ina.Ito ba ang epekto ng sobrang pagka pagod ko?Ang mapa english ng matindi?Haist!Wag na ngang mag English.Baka ipa translate niyo lang din sakin ng Tagalog.Mas lalong mahirap gawin yun.
Balik tayo sa sinasabi ko kanina.Alam ko nagtataka si Rain kung bakit ako ang kasama ni SKy sa hospital at hindi kasama si Thunder.Bago magkaroon ng engkwentro sa pagitan nila Sky at ang Tanaka players, tinawagan ko na si SKy nun dahil kailangan ko siyang makausap.Gusto ko ng kasama nung mga oras na yun dahil nalaman ko na magkasama sina Thunder at Sunny.
Do you know how painful it is? Yung malalalaman mo na lumalayo na sayo yung taong mahal mo dahil naglalakad na siya palapit sa babaeng mahal niya talaga?Nakaka gago ang sakit diba?Na kahit anong anesthesia ang gamitin para dito wala paring epekto.
Nadatnan ko si SKy na nakahandusay sa tapat ng Tanaka High gate.Hindi ako makapaniwala na kayang gawin ng mga players ng Tanaka ang ganitong klaseng karahasan dahil lang sa awayan ng basketball tournament.Nagpanic ako oo pero madaling bumalik sakin ang senses ko para dalhin si Sky sa pinakamalapit na hospital.Buti nalang at hindi na fracture ang kanang binti niya.Dahil kung hindi malaking problema to ng Osaka High.
Gusto ko sanang tawagan ang mga bitchy friends ko pero pinigilan ako ni Sky.Ganon din sa pagtawag ko sana kay Rain.Wala akong balak makipag usap kay Thunder kaya sinadya kong hindi ipaalam sakanya ang nangyari kay Sky.Buong gabi kami lang ni Sky ang magkasama sa hospital.Halos nangangapa kami ng kung anong sasabihin namin sa isa't isa.
"Bakit kasi pumayag kang magpakasal kung hindi ka naman mahal?"tanong ni Sky sakin.
"Shh.Magpahinga kana.Dami mo pang sinasabi eh."sabi ko nalang sabay ayos ng kumot ni Sky.
"Oh cm'on Fin.Di mo kailangang magpatali kung alam mo ring mas masasaktan ka kung saka sakali."sabi pa ni Sky.
"Alam mo Sky, kung mahal mo...Mahal mo.Tatanggapin mo lahat makasama mo lang siya."sabi ko naman.
"That's stupid.Andun na eh.Gagawin mo lahat makasama mo lang siya.Pero diba dapat kalayaan niya ang pinaka magandang maibibigay mo sakanya para sumaya siya?"sagot ni SKy na siyang nakapagpainit na ng usapan namin.
"Hindi naman ako magpapakasal noh.Sinusulit ko lang ang mga panahon na to para makasama siya.Pupunta ako ng Paris pagkatapos ng birthday ko."sabi ko.
"Ano?!Bakit?Kelan mo pa na plano yan?Tska anong gagawin mo dun?"sunod sunod na tanong ni Sky sakin.
Napangiti ako ng mapait nang masabi ko kay Sky ang plano ko.Matagal bago ko napadesisyunan na umalis nalang kesa ituloy ang kasal.Naisip ko...Para saan pa na maikasal kaming dalawa ni kuya Thunder kung hindi ko naman hawak ang puso niya?Bitch ako pero hindi ko sinabing magpapaka martyr ako sa pag ibig.
"Masakit na Sky eh.Sobrang sakit na.Mas mabuti na yung aalis na muna ako.Pero sa ngayon papaka bitchy muna ko habang kasama ko siya.Mas okay na ito at least may memories kami na aalalahanin ko pag nakaalis na ako."sabi ko sabay pahid ng luha ko.
"Umiiyak kana naman.Tigil mo na nga yan.Panget mo."sabi naman ni Sky.
Tumawa nalang ako at tuluyan ko ng inayos ang mukha ko para di na mahalatang umiyak ako.
BINABASA MO ANG
THE BITCHY PROBLEMS
RomanceKung bitch ka..Mas bitch ako. Kaya wag mokong ikukumpara sayo.. Dahil halata namang mas maganda ako.