A/N: Yes. Super tagal bago umusad ang update ko kaya susulitin ko na. Dapat nung Sunday lang din itong kasunod niya kaso hindi ko na kinaya.
Medyo inspired akong mag update kaya expect a lot of updates this coming Month <3
(Italic - for flashback)
====================================================
JESTER MIO'S POV
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa tinuran ni Thunder kanina. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin niya kay Fin kanina sa canteen. Alam ko yon dahil ganon ko tignan si Fin. At kung paano ako samaan ng tingin ni Thunder kanina. Ramdam ko talaga na parang gusto na niya akong gulpihin. Kung hindi nga lang talaga namin kasama si Fin at Sunny baka nagka gulo na kaming dalawa. Mas lalo na nung pumunta saglit sa counter para bumili ng juice. Alam ko yung titig niya sa akin. Titig na nakakamatay. Nakakamatay talaga ang magselos. Teka... Sinabi ko bang selos? Well hindi ako sigurado pero yun ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin lang ako kay Fin. Halos hindi na nga namin maramdaman ang presensiya ni Sunny. Nagbago na nga ata talaga ang gusto ni Thunder. O baka naman pinapahirapan lang niya ng konti si Sunny... Ah! Ewan.
Kung paano nga ako kausapin ni Thunder kanina halata ko sa tono ng boses niya na ayaw niya talaga kong kasama ko si Fin.
"Balita ko nag shift ka ng club? Anong nangyari?"tanong ni Thunder sakin.
Ngumiti lang ako saka kumain muna ng fries bago sumagot.
"Hmm, wala gusto ko lang bantayan si Sunny."nakangiting sabi ko sabay akbay pa kay Sunny.
"Haha! Baliw ka talaga Jester!"natatawang sabi naman ni Sunny.
"Si Sunny nga ba? Baka naman iba ang gusto mong bantayan?"tanong pa ni Thunder.
"Whoo.. Sandali lang tol. Mukhang seryoso natin ah."sabi ko kay Thunder.
"I just want to warn you bro. I don't share what's mine."seryoso pading sabi ni Thunder.
"Oh sigurado ka bang sayo yung tinutukoy mo dude?As far as I can remember, hindi naman talaga kayo."sabi ko.
"What did you just said?"alam kong galit si Thunder nang tanungin niya ako.
Napangiti nalang din ako saka nagsalita ulit.
"Alam ko kung anong meron sainyo ni Fin, Thunder."
"You don't know what's with Fin and I. So shut the fuck up."
Napatawa nalang ako ng bahagya ng sabihin yon ni Thunder.
"Pwede ba guys wag kayong mag-away dito? Pabalik na si Fin."awat naman ni Sunny.
Umalma naman kami ng bahagya nang sumingit si Sunny pero hindi parin nag iwas ang aming mga nagtatalong tinginan ni Thunder.
"Uh? Jester? Diba may usapan tayo?"
Napalingon naman ako kay Sunny dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
THE BITCHY PROBLEMS
RomanceKung bitch ka..Mas bitch ako. Kaya wag mokong ikukumpara sayo.. Dahil halata namang mas maganda ako.