Chapter 3: Taming His Demon
[His Eyes, My Heart]"Collen!" Masiglang bating muli ni Alicia nang makita niya ako mula sa entrada ng paaralan.
Agad niya akong inakbayan gaya ng palagi niyang ginagawa. Ngumiti lang ako sa kanya at agad na nag-iwas ng tingin, ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang namumugto ko pa ring mata.
"Aber, bakit ganiyan ang mata mo?" Ika niya at pilit akong iniharap sa kaniya.
"Wala, nanood lang ako kagabi ng extraordinary you. Hindi ko mapigilang umiyak, nakakainis kasi si Eun Dan Oh."
"Hep, hep, hep...tama na, 'wag mo akong i-spoil, episode one pa lang ako."
"Hahaha, so ibig sabihin, hindi ka rin nagreview kagabi?"
"Luh? Syempre, nagreview! Pagkatapos, syaka ako nanood."
"Oh? Eh, ba't defensive ka masyado?"
"Wala. Hehe, tara na nga."
Tulog na naman si Prudencio nang dumating kami sa classroom, maaga pa naman, mabuti at hindi siya binulabog ni Alicia. Hindi ko alam kung himala ba ang nangyayari ngayon. Hahaha.
Mabuti na rin iyon at hindi rin sila ngayon nakagambala sa ilang mga kaklase naming busy-ng busy sa kanilang ginagawa sa iba't-ibang subject namin.
"Class, para sa susunod na project ko sa iyo, collaboration ang kailangan. Gusto ko kayong gumawa ng isang structured building, kahit saan gawa. Kayo ang bahala sa kung anong materials ang babagay sa iniisip ninyo. At ang collaboration na ito ay binubuo ng limang katao. Dapat, within two weeks ay matapos n'yo na ito. Dahil sa following week, pipili ako ng pinaka magandang project na isasama sa gaganaping NDRRMC exhibit na gaganapin sa katapusan ng buwan."
"Ma'am ano po bang klaseng structure ang gagawin namin?" tanong ng isa naming kaklase mula sa likurang bahagi.
Lahat ay napatigin sa kaniya ngunit madali rin iyong nabawi nang sumagot ng muli ang aming guro sa unahan.
"Kahit ano, pwede. Kung gusto nyong building, pwede, walang kaso. Basta, make sure na naka-indicate lahat ng sumusunod...
Fire exit.
Fire extinguisher.
Medicine cabinet..."...lahat ng necessary kapag kailangang lumikas kapag may bagyo, may sunog. In short, lahat ng necessities ng tao para maisalba ang kanyang buhay sa panahon ng trahedya, maliwanag ba iyon?"
"OPO!" sabay-sabay naming sagot.
Automatic na naipon kaming tatlo nina Alicia at Prudencio, magaling sila rito at kung tutuusin, tagatinigin na naman nila ako. Magaling daw kuno ang mga mata kong tumingin sa mga ganoong bagay. Kahit maliit na detalye ay nakikita ko pa.
"Prudens, saan tayo?" Agad na tanong ni Alicia.
"As usual, tara, hanap muna kayo ng dalawa pang sasama sa atin, at kapag wala... mas maganda." Agad naman siyang nakakuha ng batok kay Alicia.
Ang bilis talaga ng kamay niya kahit kailan.
"Gagi ka talaga, mamaya, bawasan na naman ni Ma'am ang score natin dahil sa hindi na naman natin kumpleto ang members."
"Eh, ano naman? Grades lang 'yun, Kulot, walang kaso. Hindi nakamamatay kung i-deduct n'ya pa ay five points, basta... alam kong safe ako kapag finals." Mabilis siya muling nabatukan ni Alicia.
"Gagi ka talaga."
Napa-iling na lamang ako sa dalawa dahil sa kanilang inaasal.
Napagkasunduan naming isang modern house ang gawin namin. Nagtulong-tulong kaming ipagsama-sama lahat ng mga ideas namin, hanggang sa nabuo namin ito. Si Alicia ang gumawa ng floor plan namin, since 'yun ang hilig n'ya. Gusto n'ya kasi talagang mag-engineer. Habang kaming dalawa ni Prudencio ang gumawa ng exterior design. Ang dalawa pa naming kasamang nakuha ay siyang incharge na gagawa ng iba pang kailangan sa plano namin.
BINABASA MO ANG
Taming His Demon
FantasyWhat if their past repeats itself? And their fate still the same? Can they survive the cruelty of the world that their into? Si Pattrisia Collen Dela Luna o mas kilala sa tawag na 'Collen'. Kilala bilang isang matalik na kaibigan ni Alicia. Isang ma...