Chapter 5: Taming His Demon
[The Flower, I Faint, He's Furious]Alas kwatro na ng hapon nang matapos namin ang pinakang platform pa lang ng aming structured building. Nagtalo pa kasi sina Alicia at Prudencio kung alin ang mas maganda, pero dahil ako nga ang taga tingin nila, wala ng nagawa si Alicia ng ‘yung ideya ni Prudens ang pinili ko.
We will used a recycled woods as platform para mas maganda at matibay ang foundation namin, kesa sa naisip ni Alicia na illustration board. Minsan kasi, hindi ko alam kung kuripot itong si Alicia o sadyang hindi lang talaga nag-iisip ng ayos.
Illustration board, talaga lang ha?
“Kuha lang akong inumin sa baba.” Paalam ko sandali sa kanila. Tumango lang naman silang dalawa na busy pa rin sa pagkikiskis ng kahoy na gagamitin namin. Kinuha namin iyon sa bodega ng dada ni Alicia, siya na raw ang bahalang magpaliwanag.
Samantala, ang dalawa pa naming kasama, nagpaalam ng uuwi. Bukod sa malayo ang bahay nila rito, may part-time pa silang pupuntahan, kaya pinauna na namin.
“Nandyan ang prinsesa, maghunos dili ka. Wala siyang naaalala..sa ngayon. Pero malamang sa malang, sa oras na bumalik na ang alaala n’ya, kailangan mo ng magtago.”
“Manang Grace…” tawag ko sa kaniya. Batid kong boses niya ang narinig ko sa hindi kalayuan.
“O-oh? Collen.. anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?” Parang natatarantang tanong ni Manang Grace at dali-dali pa niyang pinunasan ang ibabaw ng lamesa.
“Uhmm, hihingi lang po sana ako ng tubig.”
Itinigil niya ang ginagawa niya, lumingon sa akin at ngumiti. “Akala ko ba naman kung ano iyon, ikaw talagang bata ka. Hindi mo na lang sinabi kay Encio at s’y--”
“Po? Sino pong Encio?” Para kasing pamilyar.
“A-ahh..ang ibig kong sabihin, kay Prudencio. Hindi mo na lang iniutos kay Prudencio.”
“Ah..ayos lang po, Manang, may tinatapos pa rin kasi sila ni Alicia eh, wala pa rin naman po akong ginagawa roon.”
“Ganon ba? Siya sige.” Inabot niya sa akin ag tubig na kanyang kinuha para sa akin. “Mauna na muna ako sa iyo at may gagawin pa ko sa baba.” Tumango lang naman ako at hinayaan na siya.
Ininom ko na ang tubig na ibinigay ni Manang Grace. Naglibot-libot muna ako sandali sa loob ng bahay nila. Sa totoo lang, hindi ko pa nakikita ang mga magulang ni Prudens kahit lagi kaming pumupunta rito ni Alicia. Lagi kasing mga katulong lang ang kasama kasama namin dito kapag dito kami gumagawa. Minsan, ‘yung kuya ni Prudens, pero hindi ko pa rin iyon kilala ng ayos, kung nandito man siya sa bahay nila, lagi itong nakakulong sa loob ng kwarto niya at doon ginagawang abala ang sarili niya. Hindi ko nga alam kung magkasundo ba silang dalawa ni Prudens.
You know, about bros?
Pansin kong marami silang painting, maging ang papuntang study room nila. Papunta na ako roon ngunit naagaw na naman ng aking pansin ang bulaklak ng Amaryllis-Carnation na dala ng isang lalaki na nakatago sa kaniyang likuran habang may isang babaeng nakasuot ng magarang damit sa may kalayuan (mukhang maharlika) na may tinatanggap na tungkos ng pulang rosas sa lalaking nasa kanyang harapan habang nakayuko pa.
Nakangiti ang babae na mukhang maharlika rito ngunit bakas ang lungkot sa mata nito kahit pa nakangiti ito sa lalaking nasa harapan niya.
Matagal ko iyong tinitigan hanggang sa napaiyak na naman ako at muli na namang may kirot sa dibdib ko, ngunit hindi ito gaya ng kanina ang sakit, mas masakit pa lalo. Napahawak ako sa frame ng painting na aking pinagmasdan. Unti-unting sumasakit ng sumakit ang dibdib ko hanggang sa bigla na lamang nanlalabo ang mata ko, hindi ko alam kung dahil ba sa luha ko, o sa sakit na nararamdaman ko. Isang bulaklak ng Amaryllis-Carnation ang pumatak sa aking harapan bago ako tuluyang mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Taming His Demon
خيال (فانتازيا)What if their past repeats itself? And their fate still the same? Can they survive the cruelty of the world that their into? Si Pattrisia Collen Dela Luna o mas kilala sa tawag na 'Collen'. Kilala bilang isang matalik na kaibigan ni Alicia. Isang ma...