CHAPTER 17

7 1 1
                                    

PRUDENCIO

"G–good morning."

Putek! Prudencio, umayos ka nga.

"Good morning din. Ang aga mo ata masyado, Prudens?" Takang-takang tanong ni Collen sa akin.

No doubt to that. Nakakainis kasi si Kuya Kio. Kung hindi nya lang talaga ako pinuntahan sa kwarto ko kagabi, wala talaga akong balak na pumunta rito ngayon. Well, supposedly, dapat kagabi pa talaga.

Natulugan ko na kasi 'yong ibang requirements na ginagawa ko para sa ilang mga subjects kong kailangan ng ipasa bago 'yong final exam namin. Kaya napag-desisyunan ko ng magpa-aga na lang ng punta rito.

'Yon nga lang, mukha masyadong napaaga nga.

"A…hehe." Napakamot ako sa batok dahil nangangapa ako ng isasagot. "Dadayo ako ng almusal."

"Tss. Umupo ka na dyan. Magpi-prito pa ako ng isang itlog." Sabay talikod n'ya. "Hindi agad nagsabi na pupunta," bulong pa n'ya ngunit nadinig ko naman.

"Hayaan mo na, alam mo namang ganun lang ang ugali nun," sabi naman agad ng mama n'ya nang makitang nakarating ito ng kusina.

"Ayy, ayos lang po. Nasanay na rin po ako, lagi rin po s'yang ganiyan sa school, lalo na doon sa mga hindi niya talaga ka-close."

"GOOD MORNING, Philipp–nes! Prudens?!" Agad akong napayunghay at hinanap ang nagsalita. Dali-dali itong pumunta sa tabihan ko at agad na nanuri na halos magkadukit na ang mukha namin. "Prudens?.. ikaw nga! Anong ginagawa mo rito? Ang aga pa ha?"

Sa halip na sagutin siya, "Alam mo ba na ang ginagawa pagka-gising, nagmumumog o nagt-toothbrush?"

Agad naman siyang dumistansya sa akin, bumuga ng hangin sa palad niya ng ilang beses saka inamoy-amoy. Maka-ilang sandali pa'y nakatanggap na naman ako sa kanya ng batok.

"Aray!"

"Gagi! Nakapag-gargle na ako. May mouth-wash pa."

"O? E, ba't guilty ka?"

"E, para kang tuleg e. Hindi kaya mabaho–"

"O, sya, sya, tumigil na kayo riyang dalawa. Kakain na tayo."

"Hanggang ngayon ba naman? Ayaw pa rin kayong dalawa? Tss, para talaga kayong mga bata." Awtomatiko namang nanahimik si Alicia at agad na umupo ng ayos sa upuan.

Ako nama'y dali-daling kumuha ng plato, kutsara't, tinidor.

"Ano ba kasing ipinunta mo rito at napaka-aga mo?"

"Makiki-almusal nga."

"Ako, tigilan mo, Prudencio. 'Pag naibato ko sa 'yo 'yong kawali sa lababo, tingnan mo."

"Ay besh, ang brutal. Hindi ganyan ang attitude natin dapat, remember?”

“Ewan ko sa inyong dalawa. Bilisan nyo na nga dyan kumain para makapag-imis na ako.”

Minsan, napapaisip na lang talaga ako kung paano ko naging kaibigan ang dalawang iyon. Given that, pareho silang babae. Siguro, dahil na rin pare-pareho kami ng interes pagdating sa mga academics namin. Lahat kasi kaming tatlo ay achiever, and our school is being proud of that.

"Prudens, kailangan nating mag-usap." Pagkasabi niya nito'y agad na siyang lumabas ng aming classroom.

Katatapos lang ng first period namin at wala daw naman ulit 'yong sunod na subject teacher namin kaya naman agad akong sumunod kay Collen. 

We're now at…

"Anong ginagawa natin dito sa carnation flower garden ni Lara?" Usisa ko agad sa kanya. Ngunit nantili siyang nakatalikod sa akin at tila ang lalim ng iniisip. "Collen…" dahan-dahan ko siyang nilapitan, "ayos ka lang ba?"

"Pruds..." dinig ko ang pag-singhot niya kaya agad ko siyang iniharap sa akin.

And now, it's clear and visible. She is in tears.

"What happened?" Hindi naman siya sumagot at bigla na lamang niyang isinubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib. Ngayon ay mas dinig ko na ang kanyang paghikbi. "Hush, it's alright. Just cry. No one will hear you here." Saka ko marahang hinaplos ang kanyang likuran.

Hindi ko pa alam kung anong dahilan niya kung bakit siya umiiyak ngayon. Ngunit malaki ang ang tyansang kasama na naman ako sa dahilang iyon. At kahit ako ay nasasaktan na rin dahil doon.

Hanggang kailan ba titigilan ng mapaglarong tadhanang iyon. Ano ba kasing problema ng dalawang taong iyon sa nakaraang panahon at bakit kaming dalawa pa ni Collen ang kailangan nilang gambalain?

COLLEN

I really want to cry out loud now. It’s really suffocating this days, and I didn’t know what to do.

Ilang beses ko nang pinagpapanggap ang sarili ko na parang walang nangyari simula ng araw na ‘yon, pero hanggang ngayon ay hindi ako tinitigilan ng mga pangyayari ng ala-ala ng kung sino sa nakaraan.

“Honestly, I didn't know what to do.” I paused and took a deep breath. “The memory of that girl still hunting me.”

Tiningnan naman ako ng ilang segundo ni Prudencio bago siya muling magsalita.

“You don’t have to be afraid, after dawn, we’ll go somewhere to solve this case for us.”

“What do you mean?” 

“Trust me, ‘coz I just now figure it out.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon