CHAPTER 9: Taming His Demon
[The Water]"Collen!" Sigaw ng pamilyar na boses mula sa hindi kalayuan sa akin. Ramdam ko ang bawat yabag ng kanyang paang papalapit.
Ngunit tila sa bawat paglapit niya ay ang pagsikip ng aking hininga...para akong nalulunod.
Sinubukan kong imulat ang aking mata. Ngunit hindi ito nakisama. Hindi ko alam kung bakit. Maging ang aking pandinig ay unti-unti na ring nawawala.
Nawawala na rin sa aking pandinig ang mga yabag ng paa ng tumatawag sa aking pangalan. Anong b'ang nangyayari?
"Babae, gumising ka."
Isang boses muli ang aking napakinggan ngunit sa pagkakataong ito ay parang inuutusan niya akong gawin iyon sa lalong madaling panahon.
"Collen!" Tawag muli ng pamilyar na boses.
Gustuhin ko mang imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na parang umahon ako sa tubig.
Tubig? Bakit may tubig? Bakit magkaka-tubig?
"Babae, gumising ka."
Hindi ko alam, ngunit sa boses ng kung sinomang taong iyon, binigyan niya ako ng lakas upang imulat ang aking mga mata.
Hanggang sa maramdaman ko na lamang na parang may dumampi sa aking labi at maya maya pa ng kaunti ay naimulat ko na ang aking mata.
"Collen!" Humahagulhol na tawag nito sa pangalan ko sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"A-Alicia, nas-nasasakal ako." Reklamo ko na madali niyang sinuklian ako bg hampas sa aking balikat kahit na alam niyang wala pa akong gaanong lakas.
"You deserve that. Pinag-alala mo kami ni Prudencio!" Sumbat pa niya.
Agad naman akong luminga at hanapin ang taong kanyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa.
"H-huh? Nasan s'ya?" Agad din naman siyang luminga at hinanap ito ngunit wala rin siyang nasumpungan.
"Baka umalis na. Grabe pinag-alala mo talaga kami. Ano bang kinain mo at pumunta ka rito sa swimming pool area? Alam mo namang hindi ka marunong lumangoy?"
Naguluhan naman ako sa kanyang sinabi. Ang huling pagkakatanda ko, nandoon ak--NO! Kami ni Prudens! Doon sa carnation garden ni Lara! Paanong nangyaring humantong akong nandito sa pool? Never akong gumagala rito ever since. Dahil sa pool ako may hindi magandang karanasan.
"Nasan si Prudens, kailangan ko siyang makausap," sabi ko kay Alicia at nagpilit na tumayo kahit na nanghihina pa ang tuhod ko.
Agad naman niya akong inalalayan upang hindi ako mabuwal sa aking pagkakatayo.
"Baka nasa locker pa n'ya. Basang-basa rin s'ya dahil sa pagsagip sa 'yo."
Kahit na naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi ni Alicia, hinayaan ko na lamang siyang dumakdak ng dumakdak. Habang ako naman ay hindi natimo ang kaba, at pagkakaroon ng maraming tanong sa aking puso at isip.
Naabutan naming nagbibihis si Prudencio sa tapat ng kanyang locker. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi niya kami nakikita ngayon. Ramdam ko naman ang biglang paghigpit ng kapit sa aking braso ni Alicia na para bang may pinipigil siya.
Ako naman ay halos matingalngal at parang biglang nagbara ang aking lalamunan ng bigla na siyang humarap sa amin… sa akin at magtama ang aming paningin.
Ngayon ko lamang napagtanto, bagay pala sa kanya ang walang salamin? Para akong hinihila ng mga mata nito papalapit sa kanya. Mapang akit at wari'y nakakapaso ang kanyang paningin. Parang maraming nakatago sa loob ng mahiwaga niyang maabong kulay na mata. Hindi ito pangkaraniwang tumingin ngayon. Parang kaya niya ngayong pumatay gamit lamang ang kaniyang paningin.
"Anong ginagawa n'yo rito? Bawal dito ang mga babae, hindi ba?" Halos sabay naman kaming nag-iwas ng tingin ni Alicia at kapwa parehas ring biglang may hiyang naramdaman sa kabila ng katotohanang kaibigan namin si Prudens.
Bakit ba kasi iba ang istilo niya ngayon? Nakakapanibago sa paningin.
"Uhmm. A-ano kasi, hinahanap ka ni Collen. Hehe, do'n muna ako sa labas."
Sabay exit ng luka.
I manage to clear my throat and try to avoid his questioning gaze.
"Uhmm…" panimula ko na hindi ko na alam ang aking idudugtong.
Bakit ako nauutal ngayon? Maipilig ko na lang ang aking ulo sa kahihiyan. Siya naman ay ibinato ang tuwalyang kinuha sa kanyang locker papunta sa akin.
Oo nga pala. Basa pa nga pala ako. Ngayon ko lang din bigla naramdaman ang lamig.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya habang papalapit sa aking pwesto at tumigil ito sa aking harapan ng nakapamulsa sa magkabila niyang pantalon.
Ang bango n'ya. Ayyy...gagi! Ano ba, Patt, compose yourself!
Putek.
"Uhmm..ahh, k-kasi ano." Utal-utal kong sabi na ikipinanaas ng kanyang kilay kaya mas nakita ko ang kanyang mata na kulay abo.
“What, Collen?” he asked like lossing his temper.
“Ahh..itatanong ko lang, ‘di ba magkasama tayo kanina? B-bakit ako napapunta sa pool?”
Nag-iwas naman siya ng tingin at hindi sumagot.
“Kung hindi mo nalalaman, nakarating ka na sa aking kaharian.”
Bigla nanamang parang may bumulong sa akin at umiging pa ito sa aking tenga. Hindi ko alam kung ako lang ang nakariniig niyon dahil halos sabay kaming napatakip ng tenga ni Prudencio.
“F*” Mariin niyang sabi habang nagtatangis ang kanyang mga panga at naiikom pa niya ang kanyang kamao.
“Dahil sa ginawa ninyong paglabag, malinaw na may naghihintay sa inyo sa susunod ninyong buhay. Pilitin ninyong huwag kayong muling magkita.”
Sa pagkakataong ito ay napasigaw na ako dahil sa sobrang sakit ng boses na iyon sa aking tenga kasabay pa nito ang bigla na namang pagsakit ng aking dibdib na nagdulot na muli ng hirap kong paghinga.
Madaling nakabawi si Prudencio at agad akong inalalayang umupo. Halos manginig na rin ang buong katawan ko dahil sa basa ko pa ring suot na uniform. Hindi sapat ang init na ibinibigay ng tuwalyang ibinigay sa akin ni Prudens dahil basa na rin ito. At masama pa, lalong hindi nakatulong ang bukas na aircon sa loob ng locker room ng mga lalaki.
“Bear the cold for a little moment, I will call my driver to take you home.”
“Y-you don’t have to. May damit naman ako sa locker. Magpapalit na lang ako.”
Akma na akong tatayo ngunit madali niyang hinawakan ang braso ko at pilit na pinaupong muli. Agad siyang nagpamewang sa harapan ko.
“Are you really this stubborn?”
“W-what do you mean? That I’m this stubborn?”
Hindi naman agad siya sumagot at nag-iwas na nanaman ng tingin.
“You know, just do what I say. Kailangan mo ring magpahinga.”
Hinayaan ko na lamang ang gusto niya dahil naramdam na rin ng pagod. Ano ba naman kasing pumasok sa kukote ko at nagpunta ako sa pool area?

BINABASA MO ANG
Taming His Demon
FantasíaWhat if their past repeats itself? And their fate still the same? Can they survive the cruelty of the world that their into? Si Pattrisia Collen Dela Luna o mas kilala sa tawag na 'Collen'. Kilala bilang isang matalik na kaibigan ni Alicia. Isang ma...