[The Truth Behind The Truth]
ENCIO
Halos tumigil ang paghinga ko sa aking nasaksihan.
Hindi. Hindi ito maaari.
Mabilis akong tumakbo sa pagitan naming dalawa. Kasabay ng unti-unti niyang pabagsak sa lupa ay ang aking pagdating upang siya ay aking saluhin sa aking bisig.
Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ang kaninang sayang dalang aking nararamdamn habang papunta rito sa lagusan ay madaling napalitan ng lungkot, pangamba, at takot na baka mawala na naman siya sa akin gaya nang una.
Galit akong sumigaw sa pagitan ng aking mga hikbi. Kasabay ng pagbibigay ng dilim ng langit dahil sa nagbabadyang panahon.
"Risia, gumising ka. Naririnig mo ba ako?" Kita ko ang hirap niyang pagbukas ng kanyang mga talukap-mata upang tumingin sa akin. At ang bagal ng kaniyag paghinga.
Sumilay ang pilit na ngiti sa kanyang habang ang kanyang kanang kamay ay pilit na tumataas papunta sa aking mukha. Inalalayan ko naman iyon at dinama ang unti-unting lamig nakumakalat sa buo niyang palad.
Nakatingin lamang siya sa akin, wala ni isang lumalabas na salita sa kanyang bibig, ngunit alam kong sa kabila niyong kanyang mga ngiti ay marami siyang nais na sabihin.
Bumalik ang libo-libong sakit sa akin noong una.
"Prinsipe Encio, kailangan mo po munang umalis. Nalaman na ng hari ang nangyari. Ilang sandali na lamang ay naririto na sila." May pag-aalalang sambit ni Laura sa akin.
Tiningnan ko lamang naman siya ng masama at walang sinabi. Mabuti at naintindihan naman niya ang aking ibig ipahiwatig.
Mabilis kong inilibot ang aking mata sa mataas na pader at sa gubat na nasa aking likuran, habang ang aking isang kamay ay pinipigilan ang dugong lumalas sa dibdib ni Risia kung saan naroon ang palaso na nakatusok sa kanya.
"Huwag kang mag-aalala aking mahal. Hindi ako papayag na mawala kang muli sa akin. Sisiguraduhin kong pagbabayaran ng taong gumawa sa iyo nito kapalit ay kaniya ring buhay," bulong ko sa kanya. Ngumiti lamang naman siya sa akin at ipinikit na niya ang kaniyang mata.
Halos kainin akong muli ng aking galit.
Dahan-dahan ko siyang inihiga, lumapit naman agad sa kanya si Laura at ang kanyang kapatid na kanina pa ring nakatingin lamang sa amin.
Hindi ko alam ang kanyang intensyon. Dahil sa huling tanda ko ay malaki rin ang kanyang galit laban sa akin. Ngunit kung ano man ang intensyon niya ngayon ay huli ko ng aalaahanin iyon. Alam kong may dahilan kung bakit isinama ni Risia ang kaniyang kapatid.
Ilang sandali pa ay may mga taong nagsidating mula sa aming likuran. Kaya naman, maagap akong gumalaw upang protektahan sila.
"Tumakas na kayo, ako na ang bahala rito," sabi ko sa dalawang babae at mabilis naman nilang inalalayan si Risia upang dalhin muli pabalik sa loob ng kanilang palasyo.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay agad na lumabas ang aking mga kasama na nakabantay sa akin.
Nagsilabasan din naman ang mga lalaking mga naka-itim mula sa loob ng gubat at halos hindi ko malaman kung ilan ba ang kanilang bilang.
Ngunit hindi ako si Encio kung wala akong pangalang kilala nila. Kilala nila bilang isang walang habas pumatay ng laman sa lupa kung haharangan nila ang aking plano.
Mula sa gitna ng kumpol na taong nasa aming harapan ay lumabas ang isang pigurang hindi ko inaasahan.
Sa kanyang lakad at tindig ay alam kong kilala ko ang taong ito.
BINABASA MO ANG
Taming His Demon
FantasyWhat if their past repeats itself? And their fate still the same? Can they survive the cruelty of the world that their into? Si Pattrisia Collen Dela Luna o mas kilala sa tawag na 'Collen'. Kilala bilang isang matalik na kaibigan ni Alicia. Isang ma...
