Chapter 13

22 1 0
                                        

CHAPTER 13: Taming His Demon

Dali-dali kong nilinis ang mga ginamit kong pampinta. Pero mas inuna kong itago ang ginawa kong painting.

Hindi ko alam, pero bakit parang napakalapit ng loob ko sa mga obra noong nakaraang panahon? Ano bang gusto nitong ipahiwatig sa akin? At bakit kailangang kamukha ni Prudencio ang lalaking maipipinta ko?

Halos tumahip ang dibdib ko nang bigla siyang gumalaw sa upuan na kanyang pinag higaan. Nakamulat din ang isang mata nito na tila winawari ang nangyayari.

“Sheta, nakatulog na pala ako,” wika niyang mahina ngunit sapat ito para marinig ko.

Bumalikwas siya sa pagkakahiga at inayos ang sarili, mabuti na lamang at naisinop ko na ang mga gamit ko. Pati na rin 'yung painting!

Bakit ba ako kinakabahan?

“Hehe. Oo nga, gigisingin na nga sana kita r’yan, nahiya naman ako sa ‘yo, grabe ka makahilik.” Tumayo ako at lumapit sa kanya. “Hindi ka pa ba uuwi? Hapon na, baka hinahanap ka na sa inyo.”

Tumingin naman siya sa akin na para na namang nanunuri.

“M-may dumi ba ako sa mukha?” Tanong ko habang kinakapa-kapa ko ito. Nagiwas naman agad siya ng tingin at tumayo na.

“Wala naman. Sige, una na ako. Nakakahiya na, maghapon na akong tumambay rito.” Sabay tawa niya ng mahina at luminga sa paligid. “Si tita?”

“Wala, kaka-alis lang, pumuntang palengke,” sagot ko naman at umupo sa sofang kaharap niya.

“Ah, ganun ba? Sige, una na ako.”

“Uhm.. ‘ge, ingat!” Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng bahay namin, at doon lang ako tuluyang nakahinga ng maluwag.

Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at muling hinarap ang painting na ginawa ko kanina habang mahimbing siyang natutulog.

Kahit saan ko talaga tingnang anggulo, kamukhang-kamukha niya ito.

How?

PRUDENCIO
“Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo, na isang kaaway ang kaharian ng Phyrgia? Nahihibang ka na ba, Encio? Prinsipe ka, gamitin mo naman ang utak mo kahit minsan?!” Galit na sigaw ng kaniyang amang hari sa kaniya.

“Bakit, ama?” Sandaling tumigil ang Prinsipe at tiningnan ang kaniyang amang hari sa mata na may samu’t-saring emosyon. “Hindi pa ba sapat na wala akong puso sa mga tao na pati ngayon… tinanggalan n'yo na rin ako ng utak? Ganiyan n’yo ba talaga ako kawalang kwenta nakikita?”

Bakas sa mukha ng hari ang pagka-bigla sa sinabi ng anak niyang Prinsipe, ngunit nanatili itong walang imik at pinakinggan na lamang ang nais sabihin nito.

“Ama…” sambit nito na puno ng hinanakit. “Sa buong buhay ko, nagpilit akong sundin lahat ng gusto n’yo. H-hindi b-ba…” ang nagbabadya niyang luha dahil sa pigil na damdamin ay saglit ng kumawala. “Hindi ba pwedeng, ang gusto ko naman ngayon ang masunod? Kahit ngayon lang, ama? H-hindi ba pwede?”

Hindi naman mabakas sa mukha ng kanyang amang hari kung anong emosyon ang ilalabas. Magkahalong awa sa anak at galit pa rin ang patuloy na namumuo.

“Gumising ka sa katotohanan, Encio. Kailanman ay hindi magkakaroon ng ugnayan ang ating kaharian sa Phyrgia. Ang mga Magadha ay para lamang sa mga taga-Magadha, hindi ako kailanman papayag na haluan ng mga taga-Phyrgia ang ating lahi.”

“H–hindi ba’t taga-Phyrgia rin si ina?” Bakas man ang gulat sa mukha ng ama ngunit, pinanatili niyang matigas ang kanyang ekspresyon.

“Wala kang alam, Encio.” Tanging iyon na lamang ang nasabi ng ama at umalis na sa kaniyang harapan.

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon