Chapter 1
"Collen!" Paghabol sa 'kin ng best friend kong si Alicia. As in, para talaga siyang si Alicia Keys dahil sa kulot niyang buhok.
Hiyang na rin sa kanya na tawagin siyang 'kulot, salot'. Ano ba naman daw magagawa n'ya kung kulot s'ya?
I suggest already na magpa-rebond s'ya o kahit hot oil man lang. Pero, ayaw n'ya. Mas gusto n'ya raw iyong buhok n'ya kahit kulot. At least daw natural, wapang halong kemikal.
"Oh? Bakit kulot?" Kahit ako gano'n na rin ang tawag sa kanya. Ayos lang naman sa kaniya dahil mag-kaibigan naman daw kami.
"Gagi! Meron ka ba ngayon?" bulong niya sa akin na nanatili lang sa aking likuran na para bang may tinatakpan doon.
"Wala. Bakit? Malayo pa ako."
"Gagi, may tagos ka. Kanina ka pa nilang pinagtitinginan." Mariin niyang bulong sa akin saka madaling ipinulupot sa aking bewang ang kanyang suot na jacket.
Agad kaming pumunta ng C.R. at inukupahan ang isa roong cubicle. Hinintay n'ya ako hanggang sa matapos akong magpalit. Mabuti na lamang at may extra akong palda sa locker ko, kung wala, malamang na tampulan na naman ako ng tukso sa loob ng classroom mamaya.
"Kulot, tara na. Baka nandun na si Ma'am Sungit!" Dali-dali naman niyang nilikom ang foundation at lipstick niya saka itinago sa kanyang secret pouch. "Sira ka talaga e, 'no? Hindi ka pa rin nadadala."
"Hayaan mong mamatay sa ingit si Ma'am Sungit na 'yun. Masungit na nga s'ya, inggitera pa. Inggit lang talaga 'yun kasi kaya kong bumili ng mga mamahling foundation at lipstick saman-"
"Oh, 'yan ka na naman. Dila mo, lagyan ng preno. Hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya mong bumili ng mga ganyang bagay, Alice. Malay mo, hindi lang talaga priority ni Ma'am na bumili ng mga ganyang baga para sa sarili n'ya. Baka may mga taong umaasa sa kanya, kaya siyang panahon sa mga ganyan," pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Opo, nay," sarkastiko niyang sabi sabay irap. Pinahid niya rin ng kaunti ang lipstick niyang mukhang pinagpusyuan ng putakte.
Ewan ko ba sa babaeng 'to. Palibhasa, anak mayaman. Napaka brat, ayaw ko naman siyang iwan na lang at makipag-kaibigan sa iba. Hindi dahil mayaman siya, kun'di dahil napaka naïve n'ya sa lahat ng bagay. Ni ultimo pagsisindi ng gasera noong nag-sleep over s'ya sa bahay namin, hindi alam kung paano. Nasanay nga raw kasi siyang pipindutin lang ang switch, bongga! Bukas na agad ang ilaw niya.
Eh, ako. I'm just nobody. Pero nasisiguro kong maraming laman ang utak ko. Pinalaki ako ng mga magulang kong hindi lahat ng mga bagay makukuha ko kung gusto ko. Kailangan kong munang paghirapan iyon kung gusto kong makuha. I'm not a brat and spoiled like her.
Alicia and I has so many difference. She has all the wealth and money. She can have all the luxurious bags and car in just one click. While me, a three meal a day is enough. Being thankful to God if I survive the whole day kicking, and breathing.
"Hoy, Prudencio! Laway mo," sigaw ni Alicia rito. "Ke aga-aga, tulog na agad? Puyat na puyat, ah?"
Hindi naman siya nito pinansin, bagkus nag-taklob pa ito ng aklat sa mukha at itinaas pa ang paa.
Maka-ilang sandali pa ay dumating na rin naman ang Prof. namin kaya wala nang nagawa si Prudencio kun'di umayos ng kanyang upo.
Prudencio Gregorio, isang nerd na kaklase namin. Sobrang talino, pero malaki ang yabang niya sa katawan na kami lang ni Alicia ang pinakikitaan. Kaibigan namin siya, kaya naman madalas pa sa madalas na mag-away sila ni Alicia. Para sila laging aso't pusa.
Unang subject namin, math agad. Kaya naman, umaga pa lang, lugaw na agad ang utak namin. Pero, bawi naman kami sa second period dahil vacant namin. Wala kaming teacher dahil kasama ito sa dayo para sa science contest. Dalawang linggo raw iyon, kaya ibig sabihin, dalawang linggo rin kaming libre. Liban na lang kung marami siyang iniwan na sakit sa ulo bago s'ya umalis.
"Hoy, kulot, Collen! Hintayin n'yo 'ko!" Paghahabol sa amin ni Prudencio na hindi magka-intindihan sa pagsakbat ng kaniyang bag na puno na naman ng kaniyang mga libro.
Ayaw n'ya kasi itong iwan sa locker n'ya dahil maraming mga nambu-bully sa kaniya sa senior year. Mabuti nga at hindi nila kami idinadamay sa pambu-bully.
"Ano ba, Prudencio?! Wala ka bang sasakyan pauwi at sasabay ka pa sa amin ni Collen?"
"Anak ng...may dalaw ka ba ngayon at napaka-init ng ulo mo sa akin? Kanina ka pang umaga, ha?" Irita na ring sabi ni Prudens kay Alicia kaya agad na akong umawat sa kanila.
"Ohh... tama na, baka kung saan pa mapunta 'yan. Tsaka, bakit ka nga pala sasabay sa 'min ngayon, Prudencio? Hindi ka ba ngayon susunduin ng mama mo?"
Mabilis naman siyang umiling. "Oo."
"Huh? Umiling ka tapos, oo? Hirap mo ring kausap eh."
"Oo nga, susunduin ako ni mama. Pero, gusto ko sana siyang takasan ngayon. Ayoko ko kasi sa bago kong tutor sa English, masyadong maarte," sabi niya na ikina-irap ng mata ni Alicia.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, sa bahay ka na lang, sumabay ka sa 'min ni Collen. Hirap kasi sa 'yo eh, pabida ka lagi."
"Kaya nga pasabay na ako sa inyo. Sa inyo na ako ngayon mag-aaral. Sabay-sabay na tayo."
"Tse! Hindi na p'wede. Wala ng bakanteng guest room."
"Bakit? Sinabi ko bang sa inyo ako tutulog?"
At 'yun, nag-simula na naman silang mag-away hanggang sa pare-parehas na kaming nasa loob ng sasakyan nina Alicia. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila, patuloy pa rin sila ng bangayan nilang dalawa. Hindi ko na lang sila pinapansin. Sanay na rin kasi ng konti ang tenga ko sa kanila.
Bago kami mag-simulang mag-review at mag jot-down ng mga ilang points na itinuro sa amin ni Prudens, nagpa-handa muna ng makakain si tita Marie para sa amin.
Hanggang sa alas-nuebe na. Natapos namin lahat ng discussion para sa exam namin bukas sa history at chemistry. Magandang ideya rin pala kahit papano ang pagtakas ni Prudens sa nanay n'ya. At least, libre ngayon kami ni Alicia sa tutor.
Hindi na pinapunta ni Alicia, eh, loka-loka. Si Prudencio na lang daw.
Sabay kaming pumunta sa sakayan ng jeep ni Prudens. Tahimik lang ito hanggang sa mas nauna na siyang sumakay sa akin. Magka-iba naman kasi kami ng direksyon. Ngunit, ilang sandali rin ang lumipas, may kasunod na ring ulit jeep. Byahe na ito papunta sa amin. Kaya naman, dali-dali na akong sumakay roon.
Bigla rin kasing umulan ng malakas. Huli na nang makita kong puro kalalakihan ang laman ng jeep.

BINABASA MO ANG
Taming His Demon
FantasyWhat if their past repeats itself? And their fate still the same? Can they survive the cruelty of the world that their into? Si Pattrisia Collen Dela Luna o mas kilala sa tawag na 'Collen'. Kilala bilang isang matalik na kaibigan ni Alicia. Isang ma...