CHAPTER 4

13 1 0
                                    

Chapter 4: Taming His Demon
[The Painting, My Heart]

Matapos niyang bumili ng tubig at makapagpahinga ako ng konti ay agad na rin kaming umalis. Minabuti niyang ihatid muna ako sa amin saka siya umuwi. Siya na rin ang nag-uwi ng mga materyales namin dahil sa kanila naman kami gagawa.

May konting kirot pa rin akong nararamdaman kaya nagsabi na lang ako kay mamang na hindi muna ako kakain ng hapunan. Bababa na lang ako kapag nagutom ako.

Napapansin kong, madalas na ang pag sakit ng dibdib ko, hindi ko alam kung anong dahilan. Hindi ko naman masabi kayna mama dahil baka ipa-confine na naman nila agad ako. Ayoko na sa hospital, sa totoo lang. Nasusuka na ako sa amoy ng gamot, sawa na rin ako sa turok ng karayom.

"Prinsesa Risia, kailangan na nating lisanin ang lugar na ito. Malamang na mag-uutos na ang mahal na haring hanapin kayo anumang oras na makita nilang wala kayo sa inyong silid," sabi ng isang boses mula sa kanyang gilid.

"Hindi maaari, wala pa si Encio. Kailangan ko siyang makausap."

"Mahal na Prinsesa..."

***

"P-patawad mahal kong Prinsesa.." lumuluha nitong sabi habang ibinabaon ang kaniyang punyal sa dibdib ng Prinsesa.

Hindi maipaliwanag ng Prinsesa ang kanyang nararamdaman. Mahal niya ang lalaking nasa kanyang harapan, ngunit hindi niya lubos maisip na ganito ang kahihinatnan nilang dalawa.

"Ano na, Encio? Naduduwag ka na? Isipin mo, ikaw ang papatayin ng ating mahal na hari kapag hindi mo nagawa ang bagay na iyan," asik ng taong nasa likuran ng binata.

Tiningnan ng dalaga ang mata ng binata na may pag luha at may pag mamakaawa, ngunit dahil alam rin ng Prinsesa ang patakaran ng kabilang kaharian... napangiti na lamang siya ng mapait.

Hinawakan ng Prinsesa ang punyal na nakaduro na sa kanyang dibdib at siya na mismo ang nagbaon nito sa kanyang dibdib.

Magkahalong pagkabigla at takot ang gumuhit sa mukha ni Encio. Halos manginig ang buo niyang katawan sa ginawa ni Prinsesa Risia sa kaniyang sarili.

"AAHHHHH!" Napasigaw ako at napabangon dahil sa sakit na naman ng dibdib kong naramdaman.

Agad na bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa ang nag-aalalang si mama.

"Anak, anong nangyari? May masak--"

Bigla na lamang akong napaluha sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Kaya agad na lumapit si mama sa akin at agad akong niyakap.

Kirot ng dibdib. Lungkot. Pangungulila?

Mga emosyong dauhan ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ito pangkaraniwan at totoong ngayon ko lamang ito naramdaman. Ngunit may magulong parte sa aking isip na nagsasabing, hindi ito ang una, matagal ko na itong naramdaman ngunit nalimot ko na lamang iyon dahil sa tagal ng panahon.

"Ma..." tawag kong muli kay mama na wala pa ring tigil ang aking pag luha.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sakit sa dibdib ko. At hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang lungkot at pangungulilang nararamdaman ko.

"Ma..." walang tigil na pagsasabi ko sa kanya habang nakahawak ako sa aking dibdib. Para akong mababaliw sa nararamdaman ko.

"Shhh..anak, tahan na. Ano bang nangyari? May masakit ba sa 'yo?" Maamo niyang tanong sa akin habang marahan na hinahaplos ang aking buhok papunta sa aking likuran.

"Ma..." tangi ko lamang nasasabi.

Hindi ko maintindihan. Gusto kong sabihin kay mama ang lahat ng naging laman ng aking panaginip, ngunit ramdam kong may pumipigil sa akin.

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon