PRUNDENCIO
"Mahal na hari, marami na pong mga tao sa labas ng palasyo. Hindi na po namin kontrolado ang kanilang mga panlalaban sa labas, ano na po ang dapat naming gawin." Aligagang sabi ng alipin ng hari nang makalapit ito.
Humarap ang hari sa kaniya, bakas sa mukha nito ang pagkabalisa ngunit pinanatili nitong kalmado ang kaniyang katayuan.
"Nasaan si Encio?"
"K-kasama po niya ngayon ang prinsesa ng Phrygia. Kasaluyan po silang nasa hardin." Imporma nito sa Hari.
"Hardin? Sa hardin." Paguulit nito na para bagang hindi makapaniwala. "Sa kasalukuyang sitwasyon ay may gana silang magpalipas ng oras sa hardin?" Anas nito na nawawalan ng pasensya. "Siguraduhin lamang nila na hindi ko sila makikita roon."
....
Bakit ang daming tao? Bakit parang nagkakagulo silang lahat dito? Ano bang meron, bakit parang lapit-lapit lang nila sa pandinig ko? Ang init!
Bahagya kong imulat ang mata ko, ngunit walang lakas ang talukap mata ko para gawin ang bagay na iyon.
Teka, bakit parang mas lalong dumadami ang ingay sa paligid?
"Ang mahal na Prinsesa?" Bulalas ng isang pamilyar na boses na medyo may kalayuan sa aking pwesto. "Tumabi kayo! Mga hangal! Sisiguraduhin kong lahat ng nakasaksi nitong kalagayan ng Prinsesa ngayon ay hindi makakaligtas sa parusa ng mahal na Haring Evion."
Dinig ko naman ang kani-kanilang mga paghugot ng hininga sa pagkabigla sa sinabi ng pamilyar na boses. Maya-maya pa'y ramdam kong parang nawala na ang mga tao sa paligid ko at nawala na rin ang init na maalinsangan sa pakiramdam ko. Para rin akong biglang lumutang sa ere dahil ramdam ko ang pag-uga ng mga paa ko sa hangin.
Matapos ng ilang sandali ay nawalan na ng tuluyan ang aking lakas at tuluyan ng nawala ang aking ulirat.
Sa kabilang banda, ang Prinsipe Encio ay ilang oras ng hindi kumikibo sa kaniyang kinalalagyan, hindi maka-usap at tila ba wala itong naririnig sa kaniyang paligid. Nakatingin lamang ito sa kawalan sa labas ng kanyang bintana.
Hindi nila alam, patuloy pa rin na bumabalik ang mga pangyayari sa kaniyang utak, hindi maalis na parang isang sirang tugtuging mahirap kalimutan. Hindi pa rin ito naglilinis ng kanyang katawan, may mantsa pa rin ng dugo ang kanyang damit, maging ang kaniyang kamay. Ang kaniyang kamay na patuloy pa rin ang panginginig dahil sa pangyayari. Ang silakbo ng kanyang damdamin ay hindi pa rin nawawala.
Nabalot ng galit at poot ang kanyang dibdib. Hindi sa taong may kagagawan ng lahat, kundi galit at poot sa kanyang sarili dahil wala man lamang siyang nagawa para sa kaniyang minamahal.
"R–Risia..." paulit-ulit niyang sabi habang patuloy ring bumabagsak ang mga luha sa kaniyang mata. Ang kaniyang boses ay pagod na, ngunit patuloy pa rin ang pagbikas ng pangalan nito.
"Risia..."
"Kuya Vince, kuya Vince!" Panggigising ni Prudencio sa kaniyang nakatatandang kapatid. Kanina pa kasi niya itong naririnig sa parang humahagulhol mula sa kanyang kwarto, kaya minabuti niya itong puntahan sa sariling kwarto upang gisingin.
"Encio..." pagkamulat niya ay parang hindi siya makapaniwala na nakita niya ako roon.
"Kanina ka pang umiiyak, kaya pinuntahan na kita," paliwanag ko sa kanya. Walang ano-ano nama'y biglang dumako ang tingin ko sa kaniyang pisngi na kung saan nandoon ang peklat nya noong bata pa sila, nahulog ito sa puno ng santol na inakyatan nila.
Agad naman niyang iniiwas ang bahaging iyon ng kanyang pisngi sabay hinga niya ng malalim.
"Ayos na ako, pwede ka ng lumabas. Pakisarado na lang ng pinto." Sabay taklob niya ng kumot niya sa buong katawan.
Wala naman siyang naging ibang imik pa habang palabas ito, ngunit saglit na napako ang tingin niya sa kulay itim na jacket na nakasabit sa upuan sa harap ng computer.
'That's quite familiar.'
Maya maya'y nakaramdam na lamang siya ng panginginig ng kanyang kamay.
"Huwag kang mag-alala, mahal kong Prinsipe Encio. Mananatili kang laman ng aking puso kahit anong mangyari."
Ipinilig niya saglit ang ulo niya at dali-daling lumabas sa kwarto ng kapatid nito.
"Gusto ko, kapag itinali na ang ating dibdib, dito tayo ikasal sa hardin ng mga Amaryllis."
"Mahal kita."
Mariin niyang ipikit ang mata habang pilit na bumabalik sa sarili niyang kwarto, ngunit bawat ginagawa niyang hakbang ay siya naman palaging pagbalik ng mga pamilyar na boses sa kanyang isip.
"Encio."
Sino ba si Encio? Bakit palagi na lamang niya itong naririnig?
Minabuti niyang bilisan ang kanyang lakad at nagmadaling pumunta sa kanyang silid.
Malalim na ang gabi, ngunit kahit anong gawin ni Prudencio ay hindi niya magawang itahimik ang kanyang utak upang dalawin siya ng antok. Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog dahil sa palagi na lamang parang may bumubulong sa kanya. Minsan nga ay naiisip niya na nasisiraan na siya ng kanyang bait.
Bumangon siya sa kanyang pagkakahiga at sinuot ang kanyang sweater jacket. Lumabas siya ng kanilang bahay upang makapag lakad-lakad muna. Para rin talban na siya ng antok pag-uwi niya.
Binagtas niya ang daan palabas ng kanilang subdivision. Nakita niyang tulog ang gwardya kaya madali siyang nakalabas doon ng hindi siya kinu-kwesyon.
Pumunta siya sa isang parke malapit lamang doon. Nanatili lamang siyang nakaupo roon at hindi kumikibo.
"Sa tingin mo ba, magiging masaya ang amang hari kung malaman niyang isang taga-Phrygia ang iyong minamahal?"
"Bakit ba ganun na lamang kasama ang tingin nyo sa mga taga- Phrygia? Hindi sila masama, aking kapatid."
"Kung hindi sila masama, bakit ganoon na lamang ang galit ni ama sa kanila? Bakit ayaw niya tayong magkaroon ng kahit na anong koneksyon sa kanila?"
"At anong rason naman ang naiisip mo aking kapatid para maging dahilan ng malaking galit ng ating amang hari sa kanila? May alam ka ba sa nangyari noon kaya ganyan na lamang din ang iyong pagkampi sa amang hari?" Hindi sumagot sa kaniya ang kanyang kapatid, nanatili itong tahimik. "Hindi ko alam kung ano talaga ang matinding rason ninyo kung bakit kayo nagagalit sa Phrygia, ngunit kung ang buhay ng aking minamahal doon ay madadamay, kalimutan mo na naging kapatid mo ako. Alam ko sa sarili ko na walang kinalaman sa gulong nangyayari sa ating kaharian si Risia, kaya hindi ko sya hahayaang madamay sa gulo ng ating kaharian."
"Prudens?" isang tawag mula sa kanyang likuran ang nakapagpabalik sa kanya sa reyalidad. Kaya ganoon na lamang din ang pagkagulat na mababakas sa kanyang mukha.
"A-anong ginagawa mo rito, gabi na?"
"Bakit ikaw? Gabi na rin a, ano ring ginagawa mo rito?"
"At binalik mo talaga sa 'kin ang tanong ha? Ang galing mo talaga kahit kelan."
"Always... pero ano ba kasi talaga ang ginagawa mo rito sa park? Nauna talaga ako sa 'yo rito, tahimik lang ako, pero nilapitan na kita kasi para kang lutang dyan. Dinaig mo pang natuklaw ng ahas e."
"W-wala, hindi lang ako makatylog sa bahay, kaya naisipan ko munang lubas para dalawin na ako ng antok."
"Ginugulo ka rin ba ng mga boses sa isip mo?"
Agad na nanglaki ang mga mata niya.
"P-papano mo nalaman? May parang bumubulong din ba sa 'yo?"
Umayos ng upo si Collen at huminga ng malalim.
"I always have a strange dream, and I didn't know what it really means. At mas lalo iyong lumala noong nag-collapse ako noon sa bahay nyo. Lagi na ring nag-aalala sa akin si Mommy tuwing gabi dahil sa nangyayari sa akin. And suddenly, I just realize all that happens to us both seems connected to each other."
"What do you mean?"
"Have you remembered when Lara got freak out about her flowers in the garden? That flower also appears in my dream and so as one in the painting that hang in your wall. And all become make sense to me when I saw the face of your brother."
BINABASA MO ANG
Taming His Demon
FantasyWhat if their past repeats itself? And their fate still the same? Can they survive the cruelty of the world that their into? Si Pattrisia Collen Dela Luna o mas kilala sa tawag na 'Collen'. Kilala bilang isang matalik na kaibigan ni Alicia. Isang ma...
