CHAPTER 6

15 1 0
                                    

CHAPTER 6: Taming His Demon
[Encio]

Hindi kami nag-imikan pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Pagkababa ko sa kotse nila ay agad din niya iyong pinaandar. Naiwan akong tulala at nalilito.

Ano bang meron dun sa bulaklak na iyon at ganoon na lamang ang galit sa akin ni Prudencio? Tsaka, wala akong natatandaang nanguha ako niyon sa totoo lang. Nakita ko lang iyong nalaglag sa harapan ko bago ako mawalan ng malay.

Naalala ko bigla ‘yong painting. There is something in that painting na hindi ko mai-paliwanag. Bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ko nang makita ko iyon, specifically, the flower of carnation.

I’ve read a long time ago, that carnation flower symbolizes devotion ad true love but there are various color of that flower, and all colors has different indication. But as far as I remember, blue carnation associates peace, truth, and spirituality.

Ngunit iba ang naramdaman ko nang makita ko ang bulaklak na iyon na hawak ng lalaking nakatalikod. Pasakit at lumbay ang dumaloy sa akin, sa kabila ng kapayapaan na simbolo nito. Bigla na lamang akong nabagabag, ano kaya ang totoog istorya sa likod ng bulaklak na iyon ng painting?

“Isa kang hangal aking kapatid, alam mo ba ang pinasok mo? Malamang sa malamang na magagalit si ama sa puntong malaman niyang nakikipagkita ka sa lalaking iyon?!” Sigaw ng isang babaeng mukhang mas matanda sa dalagang nakaupo sa may harap ng salamin.

“Kaya nga ikaw kapatid ko ang aking sinabihan ng mga bagay na ito, dahiil alam kong ikaw lang mapagkakatiwalaan ko sa lahat ng ating mga kapatid,” katwiran naman niya. 

Nailing naman ang mas matanda. “Hindi ko alam Risia, sa lahat ng mga ginawa mo, ito lang ata ang hindi ko kayang ilihim sa amang hari.”

Agad namang tumayo ang Prinsesa mula sa hara ng salamin at agad na lumuhod sa harapan ng kaniyang kapatid.

“Kapatid ko, maawa ka… hindi ko kayang mawala si Encio, maniwala ka, totoong mahal namin ang isa’t-isa, at nasisigurong kong mahal niya ako.”

“Nahihibang ka na, Risia, tumayo ka riyan! Hindi karapat dapat sa iyo ang lalaking iyon! Alam mo namang matalik na kaaway ng ating palasyo ang kaharin nila...ano bang ipinakain sa iyo ng tontang iyon at nagawa niyang lasunin ang utak mo? Risia, Prinsesa ka, matalino ka, maawa ka...gamitin mo sa tama ang utak mo.”

“Mahal kong kapatid, hindi ba maaaring wakasan na ng pag-ibig namin ang pag-aaway ng ating mga kaharian?”

“Nahihibang ka na, itigil mo na ang ilusyon mo.”

***

“Encio, gusto ko, kapag ikinasal tayo, dito tayo sa hardin ng mga bulaklak na ito.” Nakangiting sabi ng Prinsesa habang tuwang-tuwang pinagmamasdan ang mga bulaklak ng Amaryllis-Carnation.

Nilapitan siya ng binata at niyakap mula sa kaniyang likuran, hindi naman maiwasang mangiti ng Prinsesa sa ginawa ng binatang si Encio. Pumitas ng isang buko ng bulaklak si Prinsipe Encio kaya agad siyang sinamaan ng tingin ng Prinsesa at pinalo sa balikat kaya napabitaw ito sa pagka kayakap sa kanya.

“Ano ka ba? Bakit mo pinitas agad iyan?” Natatampong sabi ng Prinsesa.

Kahit na bakas ang pagkabigla sa mukha ng Prinsipe dahil sa ginawang pagpalo sa kanya ng Prinsesa, hindi niya maiwasang mangiti rito. Pinilit niya ulit ito yakapin at inilagay sa tainga ng Prinsesa ang bukong bulaklak.

“Huwag ka ng magalit mahal kong Prinsesa, alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga bulaklak na iyan?”

Lumambot naman agad ang ekspresyon ng Prinsesa at umiling na parang inosenteng bata.

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon