CHAPTER 8

17 1 0
                                        

CHAPTER 8: Taming His Demon

[The First Met in the Past]

RISIA

"Mahal na Prinsesa, kailangan na nating umalis. Baka hanapin na po kayo ng mahal na Hari sa iyong silid," sabi ng aking tagapag-alaga.

Saglit akong lumingon kay Encio at agad na dinampian ng halik ang kanyang pisngi.

"Sa susunod muli nating pagkikita, mahal kong Encio." Ngumiti ako sa kanya at agad na kumaway habang paalis.

Natawa na lamang ako dahil sa kanyang naging itsura. Unang beses ko pa lamang kasing ginawa iyon sa kanya, kaya malamang na nabigla ito.

Madali kaming tumakbo pabalik ni Laura pabalik sa palasyo. Natawa na lamang kaming parehas nang makabalik kami sa aking kwarto ng hindi nakikita ni amang hari.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman ko kay Encio..Prinsipe Encio, ang Prinsipe ng kaharian ng Magadha at sa kasamaang palad, ito ang tinaguriang mortal naming kaaway sa aming sali't-saling lahi.

Hindi ko a rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit nagagalit si ama sa kanila. wala naman silang ginagawang masama laban sa amin. Kahit sa kasaysayan ng aming lahi, sa aking mga libro sa aking aklatan, wala akong makutaptapang dahilan kung bakit ganun na lamang ang galit ng aming kahariang Phrygia sa Magadha.

"Prinsesa Risia, nandirito po ang mahal na Prinsesa Bithynia." Anunsyo ng tagapagbantay pinto.

"Papasukin mo siya."

Mayamaya'y bumukas na ang pinto at iniluwa roon ang maganda kong kapatid. Walang halong biro, magaganda taaga ang mga babae ng aming lahi. Sinasabi nga nila na mahalagang dugong bughaw ang nananalaytay sa amin kaya ganun na lamang kaganda ang aming lahi. Ang lahi rin namin na sa kasaysayan, ang nakikita kong napakaraming babaeng naging asawa ng hari.

Babaero ang pinaka unang hari rito sa Phrygia.

"Mahal kong kapatid, gabi na, napadalaw ka po?" Taka kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi maiwasang kabahan kapag kapag dumarating siya.

Pumupunta lamang kasi siya rito sa aking silid kung may mahalagang ipinag uutos ang mahal na hari o 'di naman kaya may masama siyang iba balita.

"Laura, maaari mo ba muna kaming maiwwan ng aking kapatid?" Agad naman itong napatingin sa akin.

Bigla tuloy akong nagtaka at nadoble ang kabang nararamdaman dahil sa kanyang kahilingan. ngunit na may pangamba akong bigla naramdaman, tinanguan ko na lamang ito at agad na lumabas ng aking silid.

Ngumiti ako kay kapatid na Bithynia kahit na may kaba sa aking puso. At gayon na lamang aking pagkabigla nang siya ay tumakbo papalapit sa aki at agad akong niyakap.

"Patawad, mahal kong kapatid. Ikaw na lamang ang natatangi kong alam na malalapitan." Humahagulhol na nitong saad sa akin habang nakasubsob siya sa aking balikat.

Marahan kong hinaplos ang kanyang likran upang pagaanin kahit kaunti ang kanyang nararamdaman.

"Ano ba ang nangyari, aking kapatid?" Magalang kong tanong sa kanya.

Unti-unti siyang lumuwag ng pagkakayakap sa akin at agad na pinunasan ang mga luhang tumakas sa kanyang mga mata.

"Si Joab." Saglit niyang panimula ngunit agad na namang may tumulong luha sa kaniya.

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon