Chapter 14

30 1 0
                                        

Chapter 14: Taming His Demon
[Each Other Past]


IKATLONG TAUHAN
Ang pinagpalang kamay na sa murang edad ay naturuan ng humawak ng sandata. Ang maliliit na biyas ay agad ng sinanay na umabot sa malayong hakbangin upang madaling masugod ang kalaban. Ang mahinang taban ng braso ay agad ng mahubog upang ang kanyang sandata ay hindi mahulog sa kanyang mga kamay.

Isang marahas, walang habas, walang alam sa kahalagahan ng buhay. Isang mamatay tao. ‘Yan ang tingin ng lahat sa kanya mula sa kanilang kaharian. Na siya’y isang taong sumusunod kay kamatayan, siya ang kanyang anino.

Ngunit isang pagbabago ang nangyari sa kanyang pagkatao nang dumating sa buhay niya ang isang babaeng tinuran nilang kalaban. Ang babaeng taga-Phrygia. Ang tanging babaeng tanging nakapagpatibok ng awa sa kanyang puso. Ang babaeng nagbigay ng kulay sa madilim niyang kaharian. Ang babaeng sa sandaling panahon ay nagbigay kaalaman sa kanya kung ano ang kahalagahan ng buhay.

“Sa tingin mo, makakatakas ka pa?” Batid sa tono ng pananalita ng binata ang hilakbot sa makakarinig nito.

Hindi naman makapagsalita ang lalaking kanyang naabutan sa kanilang nasasakop na lupain.

Madalas sa madalas na may mga taong naliligaw rito dahil hindi nila alam at hindi nila nababatid kung saan ba talaga ang hangganan ng bawat lupain.

“M-maawa ka, m-mahal na Prinsipe.” Ngunit isang silay na ngiting mapanganib lamang ang bumakas sa labi ng binata.

Walang ano-ano’y agad niyang nabunot ang kanyang punyal sa gilid ng kanyang palapulsuhan at agad na naipalandas sa leeg ng kaawa-awang nilalang.

Parang nakabitin ang hangin sa tungkil ng ilong ng lalaki na hindi na niya magawa pang abutin hanggang sa matiwasay na lamang siyang napabulagta sa lupa ng walang buhay na kagubatan.

Ngunit sa kabila ng tapang niya at nilang lahat ng ilan pang nakapaligid sa kanya, wala ni isang may kakayahang tumuntong sa nasasakupang lupain ng Zuur.

Ang Zuur ay kaisa-isang kagubatang lupain kung saan nakatira ang mga hindi pangkaraniwang elemento na maaaring kumuha ng iyong kaluluwa sa kahit na anong paraan.

Ang kagubatang may dahilan ng lahat ng pagkakabaha-bahagi nilang mga kaharian. At ang prinsipe–Prinsipe Encio, ang hilakbot ng kaharian ng Magadha.

PRUDENCIO
I was wide-awake. Not in a single one I feel that my eyes are tired to open. So, I ended up going out on my bed and wearing my black jacket.

It was a dark and wary night, and I can say that the rain is soon to come. But it doesn’t matter. This is my countless night. Finding myself on a long walk distant on my bed, But I clearly remember it.

The fear in her eyes, the tremble on her kissable and sexy lips. She was torn on me, like she was seeing a priceless thing in her life. But the fear beyond her orbs was vanished when I tightly hugged her, pulled her closely to me that I feel like I never want her to let go.

The accident. It was the first time I saw her, but her gravity was too strong to pull her close.  The attachment that I really don’t know exists. She was there, and that’s the first time I met her.

“Pattrisia, you own a beautiful name.”

RISIA
Lumaki sa pamamagitan ng aking tagapangalaga na halos ka-edad ko lamang din. Hindi ko maintindihan sa ama kung bakit, pero mas maganda na iyon dahil kasama ko siyang lumaki at naging para ko na ring kapatid… si Laura, ang aking matalik na kaibigan.

Isang disenteng pamilya ang aking kinalakihan, ipinamulat sa mga bagay na hindi ko inaakalang kasinungalingan. Mga bagay na wari’y nagbigay pa sa akin na ngayo’y kaliwanagan. Kung bakit ganoon na lamang ang galit ng hari namin sa hari ng Magadha.

Taming His DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon