Chapter 16: Taming His Demon
[Good Morning]Trigger Warning!
IKATLONG TAUHAN
Ilang araw pa ang dumaan bago pa muling magkamalay si Collen. Ni kahit ang mga doktor ay hindi maipaliwanag ang nangyari sa kanya.
Kung bakit ang isang attempted suicide na ginawa niya ay humantong pa sa pagiging comatose. Walang makapagsabi, ngunit kahit hindi man aminin ng lahat ang kanilang pag-aalala sa nangyari, bakas naman itong lahat sa kanila.
Isang araw pang muli ang tinagal nila sa hospital para sa complete recovery ni Collen at sa ilang test pang ginawa sa kanya kung bumalik na nga ba siya asa kanyang normal na kalagayan. Mabuti na nga lamang at lahat ng kanyang mga naging test ay maayos.
Tahimik silang mag-inang umuwi ng bahay, halos walang umiimik. Nakakapanibago man sa pakiramdam ng ina ni Collen, mas nangibabaw pa rin ang pakiramadama niyang ayaw pa ni Collen itong pag-usapan.
“Umakyat ka na muna sa taas para makapagpahinga ka pa. Magluluto muna ako ng hapunan natin.” Tumango lamang naman ito at isang munting ngiti lamang ang iginanti ng dalaga sa kanyang ina at wala muling imik na pumanhik sa kanyang kwarto.
Habang naghihintay siya sa kanyang ina, humiga muna siya sa kanyang kama at dinama ang lambot nito.
“Grabe, na-miss ko kayo,” sabi niya habang gumugulong-gulong sa buo niyang kama. Hindi nga niya namalayang malapit na siya sa may tabihan dahilan para mahulog siya mula sa itaas ng kanyang kama.
“Ouch!”
“Nak? Ano ‘yan? Ayos ka lang ba?”
“Ayos lang ma. Malayo sa bituka!” Sigaw niya pabalik. Mukhang bumabalik na unti-unti ang sigla niya.
“Ikaw talagang bata ka, mag-ingat ka nga.”
“Opo!”
Maka-ilang sandali, muli niyang inabala ang sarili sa paggala ng paningin niya sa loob ng kanyang kwarto na wari ba’y nalayo talaga siya rito ng mahabang panahon. Naputol lamang iyon nang biglang mag ingay ang kanyang telepono.
“Alicia?” basa niya sa pangalang nakautlaw sa screen bago ito sinagot.
“BESS!! Totoo bang nakalabas ka na ng hospital? Magaling ka na? Gusto mo ba ng ice-cream? Pizza? Spaghetti? Ano? Bess? Magaling ka na ba talaga? Bakit hindi mo ako sinasagot?”
“Will you give me some time to speak?” Walang gana niyang sagot sa kabilang linya.
“Oppss…sorry, I didn’t mean to. E, kasi naman, pinag-alala mo ako ng sobra, tapos ilang araw kang nasa hospital, hindi na tayo nakakapag-bonding, tapos pag punta ko rito sa hospital, na-discharge ka na pala, tapos–”
“Alicia, come on… pumasok ka na lang kaya rito sa loob ng kwarto ko kesa sa telepono pa tao nag-uusap. Para ka talagang sira kahit kailan–”
“BESS! Waaaa! I miss you. I miss you. I miss you.” Sunod-sunod nitong sabi habang hindi niya alam kung saan ba niya ipapatak ang halik niya sa mukha ni Collen.
“Stop it. You’re disgusting! You’re licking me like a pup.”
“Atleast, cute.”
Halos hindi nga matigil ang bunganga ni Alicia sa pagku-kwento. Wala namang magawa si Collen kung hindi pakinggan na lamang ito hanggang sa tinawag na sila ng kanyang ina sa kusina para kumain.
“Zip your mouth this time, Alicia, we’re eating.”
PRUDENCIO
I am happy now, kasi sa wakas ay nakalabas na sa hospital si Collen. Gustuhin ko mang dalawin sya ngayon, mas pinili ko munang hindi magpakita sa kanya. Lalo na ngayon at parang may nararamdaman akong hindi maganda.

BINABASA MO ANG
Taming His Demon
FantasyWhat if their past repeats itself? And their fate still the same? Can they survive the cruelty of the world that their into? Si Pattrisia Collen Dela Luna o mas kilala sa tawag na 'Collen'. Kilala bilang isang matalik na kaibigan ni Alicia. Isang ma...